LAUREN'S P.O.V SAMANTALA nakatanggap naman si Janice ng tawag mula sa inutusang tao. Nagtataka naman siya na hindi makontak si Trixie, matapos ang kanilang pag-uusap noong gabi na sanay susunduin niya ito sa airport. "Ano nasa private resort sila?" gulat na tanong ni Janice. "Yes ma'am, at ayon sa nakausap ko ay bawal ang pumasok doon maliban sa may-ari nito," tugon ng lalaki. "Paano sila nakakapasok doon sa resort na iyon?" "Iyan ang hindi ko alam ma'am. Ipagtanong ko na lang sa mga taong malapit sa resort para malaman natin," anito. "Okay huwag kang umalis sa lugar hanggang nariyan pa sila. Nakuhanan mo ba ng larawan silang dalawa?" "Yes ma'am, ngunit naka-side view lamang." Napangiwi si Janice dahil kailangan niya ang clear photo ng kasamang babae ni Ace. Ito ang maging ebid

