LAUREN'S P.O.V ILANG minuto akong hindi naka-imik at hindi alam ang isagot kay Ace. Agad akong nagyaya sa kanya na bumalik sa bahay dahil palamig na ang hangin. "Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa bahay!" nanlalamig kong wika. "Okay, tara na!" Yakap ko na ang sarili at dama ko ang kaunting panginginig ng katawan. Agad namang pinasuot sa akin ni Ace ang kanyang suot na coat. "Salamat dahil pinaranas mo sa akin ito," nangangatal kong wika. "It's okay!" Pagdating namin sa bahay ay nakahanda na muli sa mesa ang aming hapunan. But we decided to stay for a while in the garden. Masyado pang maaga para maghapunan, kaya nag-usap na lamang kami habang hinihintay ang oras. "You know this place is very romantic, I think it is good for those newlyweds. For their honeymoon time!" "How

