Chapter 7

2008 Words
ACE'S P.O.V Mataas na ang araw ng magising ako. Dama ko ang sikat ng araw na lumusot sa bintana ng aking. Nanatili akong nakapikit habang iniinda ang sakit ng ulo. Kaagad kong kinapa ang katabi, ngunit mabilis akong nagmulat ng mga mata nang unan na lamang ang nahawakan ko. "Lauren?" Dali-dali akong bumangon. Maagap kong isinuot ang roba na nakasampay sa headboard ng aking kama. Nilibot ng aking paningin ang buong silid at hinanap siya. Ngunit halos nasilip ko na ang buong sulok ng aking silid ay wala na ito. Animo pinitik ang aking sintido at bumalik sa paghiga sa kama. Last night... could it possibly be a real happened to us? Alam kong pareho kaming lasing but last night it was a perfect night for me. She was perfect. Naalala ko pa ang amusement na nararamdaman nang malamang ako ang nakauna sa kanya. There was joy in my heart, there was pride, there was hope. Ang pag-asang iglap din nawala nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. Frustrated akong napahilamos sa aking mukha. Ano na naman ba ang mangyayari sa susunod? Palagi na lang ba gano’n ang magiging sistema? Na lulubog-lilitaw siya kapag ginusto niya. Napabangon ako at tiningnan ang aming mga damit sa sahig ngunit napatda akong makita na ni walang bakas itong naiwan kahit ang isang pirasong hibla ng kanyang buhok ay wala. How she could dissappear without my knowing? Ganoon na ba ako kalasing at hindi ko man lang nararamdaman ang kanyang pag-alis. And why she always avoiding me? Muli kong ibinagsak ang sarili sa kama at napapikit na inaalala ang aming halinghingan. Ang kanyang mga ungol na dinig ko pa rin sa mga oras na ito. Ang sarap alalahanin ang tagpong iyon. I used to have a woman every time I need to warm my bed, but she was a big different from all the woman I met. Naroon ang gigil ko sa kanya. Hinahanap siya ng aking katawan na tila ba nais kong magkaroon kami ng mas malalim na ugnayan. Gosh... I think she's my weakness. Muli akong napabangon at naligo para mawala ang nararamdaman. Mas mabuti pang puntahan ko na lamng si Xenon para magpasalamat sa nagawa niya kagabi. Matatandaan ko na muntik na mag-away sina Lauren at Liann. Kahit nakasuot ng maskara ang mga ito ay kilala ko pa rin ang boses at galaw nila. Liann was too bold, wildest and very possessive. Marahil ay kinalakihan na niya ito lalo at nabibilang siya sa mayayamang angkan sa Europe. But I don't like those kind of girl. It doesn't matter if she's simple and ordinary girl as long as she's meant to me. A few steps from my room ang layo ng silid ni Xenon sa kwarto ko. Alam kong nagsaya rin iyon kagabi at sa mga oras na ito ay tulog pa siya. Saktong kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Pareho kaming nagulat nang makita ang isa't isa. "Aba, mukhang malalim ang sinisid mo Ace at pati ba naman ang kunot ng noo mo ay malalim din," paunang biro na bungad ni Xenon. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko malaman ang nararamdaman kong magsaya ba ako sa nangyari last night. All of my life ay first time kong magkaganito. Ginulo ng mesteryosang babaeng iyon ang mundo ko. "I had a perfect night with her. Amazing night than my past," mapait kong ngiting tugon. "Then, why all of a sudden parang kang namatayan? Kitang-kita ko kung gaano ka kasaya kagabi." Mapakla akong ngumiti sa kanya. Hindi ko masabi na naguguluhan na ako sa nararamdaman. He knew how playful I was. But I was never expect that there was a girl who make me crazy like this. "Thanks to you Xen, alam kong sinadya mong awatin si Liann kagabi. Mabuti na lang napapayag mo siyang sumama sayo kagabi." "No problem basta masaya tayo. Nilasing ko si Liann kagabi para hindi na manggulo sa inyo. At kung sinu-sinong lalaki na lang ang hinablot kagabi kaya hinayaan ko na lang basta huwag lang mapahamak," natatawang tugon nito. Napangiti naman ako sa kwento ni Xenon. Naglalakad kami sa pasilyo ng barko patungong canteen. Ngayon lamang ako nakaramdam ng gutom bagaman mas dama ko ang pagpitik ng sintido ko. Hindi tuloy ako makapag-isip ng matino at kailangan kong magpahinga muna. Malakas ang tama ng alak, alam kong dinama niya rin sa mga oras na ito ang katulad ng nararamdaman ko. Ngunit napatda ako sa nakita nang pumasok kami ni Xenon. Nasa isang sulok si Liann na kumakaway sa amin. Wala kaming karapatan na tanggihan siya. She's one of my guest at ayaw ko ring maging bastos sa kakilala. "Gosh... here we are again." Mahinang wika ni Xenon nang makita si Liann. Tuloy pakiramdam ko lalong sasakit ang sentido ko sa babaeng ito. Parang langaw na panay ang dapo sa balat. Nakakairita man ngunit pilit na lang sakyan ang mga nais nito para wala nang gulo. "Hi guys, come and join me here!" Tila almusal kami sa paningin ni Liann. Abot taenga ang ngiti at tuwang-tuwa pa siyang inanyayahan kami. Walang alinlangan na lumapit si Liann sa akin at pumulupot sa aking braso. Kapit-tuko naman siya at kahit ayaw ko man ay hinayaan ko na lamang. "How's your night? Did you enjoy it?" "Well, last night I had a crazy time with uhrggg..." Napatigil siya sa pagsasalita. Umiling-iling pa siya habang inaalala ang nangyari kagabi. Xenon was right. Matatandaan ko ang kwento niya sa mga pinaggagawa ni Liann. "Ikaw kasi, ipinagpalit mo ako sa mahalang na babaeng iyon," dagdag pa niya. "Minsan kailangan din naman nating mag-explore sa ibang bagay, right?" Mayroon siyang pag-aalangan na makasama si Liann dahil narin sa masyado itong bokal. Ngunit pinakisamahan na lamang nila ng maayos habang sila ay nag-aalmusal. Samantala, impit na nagising si Lauren sa sakit na nararamdaman. Partikular na sa pagitan ng kanyang hita. Wala siyang pagsisi na nangyari sa kanila ng lalaki. Ang mahalaga ay naranasan niya ang pagiging normal. Ang madama na may kakaibang experience sa kanyang buhay. There was no doubt in her heart giving herself to a man she doesn't really know. But she promised herself after this adventure she will forget it like a dream. A sweetest nightmare she had in her life. *** Bumangon na lamang ako nang kumakalam ang sikmura. Kahit nanakit ang buo kong katawan ay pinilit kong bumangon para makapag-ayos ng sarili bago lumabas ng silid. Paglabas ko ng silid ay palinga-linga pa ako sa paligid. Natitiyak kong hindi niya ako agad makikilala dahil iniba ko na naman ang disguise sa sarili. Nagsuot na ako ng itim na t-shirt at maong na pantalon at pinarisan ng maong na jacket. Nagsuot din ako ng sumbrero para matakpan ang mukha. Boyish ang disguise ko ngayon para naman maiba. Mabuti na lang at may dala akong ibang extrang damit na magagamit. Nakasalubong ko ang isang may edad na babae. Sa tantiya ko ay halos kaedad lamang ng aking ina. Pagiwang-giwang siyang naglalakad. Kaagad ko siyang dinaluhan para alalayan bago pa man ito matumba. "Ma'am, are you alright!" nag-aalala kong tanong. "No dear! Can you help me take me to my room. I feel dizzy," aniya. Pinadandal ko siya sa pader para hindi matumba. Hawak niya ang kanyang sentido. Palinga-linga ako sa paligid para tulungan akong akayin ang matanda. Ngunit wlanh napadaan sa mga oras na ito. Marahil ang karamihan ay nasa canteen. "Okay, just relax. Tell me me, where is your room ma'am?" Itinuro nito ang silid na kahilira lamang ang aking silid. May tatlong silid ang pagitan sa kanyang silid. Sabay niya inabot ang susi ng kanyang silid. Hindi naman ako nag-atubilong tulungan siya. Nang maipasok ko siya sa kanyang kwarto ay pinahiga ko siya sa kanyang kama. Ang kanyang silid ay halos pareho sa aking silid kaya alam ko na ang dapat gawin. Nagmadali akong magpakulo ng tubig para makainom niya ng maligamgam na tubig. "Ma'am, drink this!" Maingat kong inabot sa kanya ang basong may laman na maligamgam na tubig. Inalalayan ko pa siya sa pag-inom. "Thank you dear!" "You're welcome ma'am!" Nakalimutan ko na ang gutom dahil sa pagtulong ko sa kanya. Marahil ay hindi pa siya nakapag-almusal kaya siya nahihilo. Sa tingin ko sa kanya ay naghihina siya. "Ma'am, I will leave you for a while. I just want to get food for us. I know you are hungry too," saad ko dito. Naririnig ko rin na tumutunog ang kanyang tiyan, kaya natitiyak kong nagugutom siya. "Go ahead dear! Thank you so much for your kindness." Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan ngunit dama ko rin ang panghihina niya. Nagmadali akong nagtungo sa canteen. Walang lingon akong naglalakad. Ni kahit sulyap man lang sa mga kumakain sa canteen. Ang mahalaga sa akin ay makakuha ako ng pagkain at agad na makabalik sa silid ng matanda. Minabuti kong subuan siya sa pagkain bago ko asikasuhin ang sarili. Nais kong bumalik ang kanyang lakas para naman mayroon akong makasama. "Again thank you so much. And now it is your time to eat dear. I'm sorry to bother you a lot," aniya sabay yuko. Dama ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Para sa akin ay hindi naman siya ibang tao. Mayroon akong malasakit sa kapwa kaya naman ang kahit sino na nangangailangan ng tulong ay bukas palad akong tutong. "No! No! Don't think about that. I am happy to help with others who in need." Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan na pinisil. Gusto kong pagaanin ang kanyang pakiramdam para mas payapa ang kanyang isipan. "By the way ma'am, I'm Lauren Dixon and you? Bahagya siyang nagulat nang banggitin ko ang aking pangalan. Ngunit napawi iyon at ngumiti siya sa akin. "Really! I don't know if this is coincidence. My name is Lauren too. Lauren Vanesdine." Sumilay ang ngiti sa aming mga labi na magkatulad ang aming pangalan. Tuloy nasasalamin ko ang sarili sa kanya. Kasunod ng mga ngiti ay nagyakapan kaming dalawa. We even know each other ngunit pinagtagpo kami for a reason. "Dear, could you stay with me?" "Yeah sure! I'm alone at my room and happy to be with you here." Buong puso akong sumang-ayon sa kanyang nais. Mas nakakabuti na rin sa akin ang may makausap at makasama habang may ilang araw pa akong hihintayin hanggang sa makabalik kami sa siyudad. "Thank you dear!" Walang tigil ang pasasalamat ng matanda sa akin. Mas masaya akong nakilala siya sa mga panahong kailangan ko rin ng kausap. "Wait! What should I call you?" Hindi ko alam kong ano ang mas bagay na itawag sa kanya kaya nagtanong na lamang ako. Binalingan niya ako ng may ngiti sa labi. "Call me Auntie. Auntie Lauren." Napatango-tango ako sa kanya. I really admire her. Approachable at magaan ang loob ko sa kanya. Happy to have new friend. "Go rest for a while. I will move my things here," wika ko. Malaki ang kama kaya kaysa kaming dalawa sa isang higaan. Siya naman ang may gustong magsama kami sa isang silid. Hindi ko rin naman matatanggihan dahil nag-iisa lamng siya sa silid. Hindi naman ako mapapalagay na hayaan siyang mag-isa lalo at madali siyang nahihilo. Nang makatulog ito ay dahan-dahan kong nilipat ang mga gamit ko sa kanyang silid. Mas mainam rin ang ganoon para makaiwas ako kay Ace. Kahit lasing ako ay naalala ko pa ang pangalan ng lalaking iyon. Muli ay wala akong iwanang bakas sa silid katulad na lang sa ginawa ko noong gabi na magkasiping kaming dalawa. Natatandaan ko pa ang mga sandaling iyon. Kahit hilong-hilo at sakit sa katawan ay tiniyak kong wala maiiwan sa paglabas ko sa kanyang silid. Tulog na tulog siya ng mga oras na iyon at hindi niya alam na iniwan ko siya na hubad sa ilalim ng kumot. Parang dinaanan ng bagyo ang kanyang silid sa mga nagkalat naming damit sa sahig. Hindi ko rin makalimutan na nanginginig pa ang mga tuhod ko habang nagtatakbo pabalik sa aking silid. Mabuti na lang at ang lahat ay natutulog na. Pakiramdam ko toy ay hinahanting ako ng gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD