LAUREN'S P.O.V Hapon na nang makauwi ako sa bahay. Matapos naming magbigayan ng kontak ni Auntie ay masaya kaming naghiwalay. Ayon pa sa kanya kapag may oras siya ay dadalawin niya ako dito sa Pinas. Biglang kumunot ang noo ko nang makita ang gate na nakalock. Sarado ang mga bintana. Napatingin ako sa relo na suot ko. Alas sieyes na ng hapon at sa mga ganitong oras ay dapat nakauwi na si Zia mula sa trabaho. Binundol ng kaba ang dibdib ko. Kaagad kong kinuha ang mobile phone sa bag para tawagan si Zia. Nanginginig ang kamay ko habang tinitipa ang number si Zia. Nag-alala ako ngayon at baka may nangyari kay nanay. "H-Hello Zy, nasaan kayo ni Nanay?" paunang bungad kong tanong. "Sis, sorry kong hindi kita agad na-inform. Ayaw kasi kitang abalahin at isa pa ang hirap mong kontakin,"

