LAUREN'S P.O.V NAGTATAKA si Lara na hindi pa nakauwi ang anak. Panay ang kanyang silip sa bintana at tinatanaw si Lauren sa labas. Hindi naman na menor de edad ang ang anak, ngunit naninibago lamang siya dahil hindi naman niya ito gawain. Bahay trabaho lang ang gawain niya kaya hindi sanay ang ina nito. "Nay, bakit ang haba-haba ng leeg natin? Kanina ka pa diyan nag-aabang kay Lauren," ani Zia. "Eh' bakit ba gabi na at hindi pa umuuwi ang batang iyon?" Nag-aalala na si Lara para sa anak. Hindi ito nakakatulog kapag nasa labas pa ang anak. "Naku si Nanay talaga oh! Hayaan mo at nasa party pa iyon. Hindi naman agad natatapos ang pagdiriwang, lalo at mayayaman ang mga naroroon," pagpapaliwanag na wika ni Zia. Iyon ang dinahilan niya sa ina ni Lauren nang makauwi siya. Hindi man niy

