ACE'S P.O.V MABIBIGAT na hakbang habang papalayo sa kanya. Iniwan ko siya sa Park para sa kanyang kalayaan. Biglaan man itong naging desisyon ko kahit masakit para sa akin. Malaki ang epekto ng kabiguan sa akin. Halos gumuho ang lahat ng plano ko para sa aming dalawa. My Dad was right. Hindi ko mapipilit ang isang tao kung gayong sa iba pala siya masaya. Dalawang araw akong hindi nagpakita sa kanya dahil sa hindi ko kinaya ang sakit na nadarama. Matatandaan ko ang araw na nakita ko siyang may kasamang iba. Halos lunurin ko ang sarili sa alak para lang hindi madama ang tumutusok na sakit sa dibdib. Bumabaliktad ang sikmura ko noong umagang nagising ako sa bahay ng nanay ni Xenon. Doon ako inuwi ng driver, ayon na rin utos nito kay Ben. Matindi ang pagpapaalala ni Daddy sa akin. Bagay

