LAUREN'S P.O.V MALAKING pagtataka ko nang hindi nagpakita si Ace. Halos dalawang araw na siyang hindi nagpapakita at ni hindi man lang tumawag. Hindi rin ako nakakatulog ng maayos at nagsisimula na akong mag-alala sa kanya. Napatitig lamang ako sa phone at hindi ko magawang tawagan siya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin sa kanya. But I really wanted to know, what happened to him. Humugot na lamang ako ng malalim na hinginga. Batid kong maraming siyang obligasyon sa buhay, subalit kakaibang nadarama ko ng hindi man lang siya nagpakita. Wala akong balita sa kanya ng dalawang araw. Imposibly namang umuwi na siya ng Europe ng hindi nagpapaalam sa akin. Hindi kaya may nangyari sa kanyang masama. Oh' gosh, tatawagan ko ba siya? Hindi ko magawang makapag-focus sa trabaho. Ang hirap k

