Singapore "So... He's seeing another woman again," makulimlim ang mukha na wika ni Trixie pagkatapos niyang marinig ang ulat ng kanyang inutusang tao para magsubaybay sa lalaking may malaking pananagutan sa kanila. Nagtangis ang kanyang mga bagang na hinarap ang kaibigan. Sadyang nagsasaya ang lalaking noon pa man ay kanyang pinapantasya. Samantalang siya ay halos hindi na makaalis sa Singapore para madalas na madalaw ang anak sa hospital. "Hindi mo ba naitanong sa kanya ang tungkol doon?" tanong ni Janice. "Kilala mo ako Janice, kahit anong balita ang marinig ko ay kaagad ko siyang tinatanong at ang laging sagot sa akin ay hinding-hindi niya makakalimutan ang pangako sa amin." Naikuyom niya ang kanyang kamay. Masyado ng obsess si Trixie kay Ace at lahat na lang na galaw ng lalaki ay

