LAUREN'S P.O.V Kinahapunan paglabas namin ni Zia sa trabaho ay dumaan muna kami sa isang fast-food chain para makapag-usap. May mga bagay akong nais sabihin sa kanya para naman maibsan ang nararamdaman ko. Gusto kong ipagtapat sa kanya ang nangyari sa bakasyon ko. Pakiwari ko hanggang ngayon ay hinahabol ako ng isang pangyayari. Ngunit parang naumid ang dila ko at hindi makapagsalita sa kanyang harapan. I didn't know where to start. Pinaglaruan ko muna ang straw ng aking juice, habang siya naman ay naghihintay sa sasabihin ko. "Ano ba ang sasabihin mo?" inip niyang tanong. "Zy, Maniwala ka ba kung sabihin ko sayo na nakipag-one night stand ako!" Muntik nang maibuga ni Zia ang iniinom na orange juice. Alam niyang hindi ako basta-basta na lang nakikipasalamuha sa lalaki. At ngayon a

