ACE'S P.O.V Pagdating namin ng Maynila ay pinasundo kami ng ina ni Xenon sa Airport. Good thing na kasama ko si Xenon dahil mas kampanti akong manatili at gumala sa mga lugar sa Pinas. Nang marating namin ang malaking bahay ng Nanay ni Xenon sa Forbes Park ay agad naming tinungo ang boutique sa Global City Taguig. Ayon sa report na natanggap ko mula sa detective ay doon ang address ng RR boutique na kanyang pinapasukan. Bumalik ako sa kotse nang wala siya sa boutique. Naniwala naman ako sa sinabi ng kanyang kasama sa trabaho dahil nasa hospital nga naman ang ina nito. Hindi ko na lang inalam ang kanyang address or saang hospital. I want to surprise her. "Oh' ano nakausap mo na ba?" tanong ni Xenon. "Hindi pa raw pumapasok Xen, marahil inaalagaan ang ina sa hospital," tugon ko dito

