CHAPTER 13

2784 Words
KAKATOK pa lang ako sa pinto ng bahay ay bumukas na iyon at bumungad agad sa akin si pepita na may mud pack sa mukha. Kung magugulatin lang ako ay baka nasapak ko siya bigla. Kakadating ko lang kasi mula sa bahay namin. Medyo late na rin akong nakauwi dahil naasarap ang kwentuhan ko with my family. Naluha pa nga ako nang makita ko na kumpleto sila ng books ko noong ghost writer pa lang ako ni Jenna Rolling. Alam din naman kasi nila ang trabaho ko noon. Nakakataba tuloy ng puso na sinusuportahan pala nila ako nang hindi ko alam. Nameywang sa harapan ko si Pepita. “Ano na, Ella?! Bakit ngayon ka lang? Alas dose na! Aswang ka na ba ngayon at ganito na ang oras ng uwi mo?” Akala mo naman ay nanay ko kung makapagsalita ang baklang `to. “Alam mo, ang OA mo. Ngayon lang ako umuwi ng ganitong oras, `no! Saka importante ang pinuntahan ko kaya `wag kang ano diyan! Tabi!” Tinabig ko siya para makapasok na ako sa loob. Pagod na ako. Kailangan ko nang humiga sa malambot kong kama at matulog. “Ella, may dapat kang malaman--” Hindi na naituloy ni Pepita ang sasabihin niya na dapat kong malaman dahil nakita ko na ang dapat kong malaman. Totoo ba itong nakikita ko? Si Arkin ba itong lalaki na nakahiga sa sofa at tulog? Kinusot ko ang mata ko at baka namamalik-mata lang ako pero after niyon ay hindi pa rin siya nawala. “Anong ginagawa niyang dito?” Halos pabulong na tanong ko kay Pepita. Umiling siya. “Hindi ko rin alam pero hinahanap ka niya kanina pa.” “Kanina pa?” “Yes, bes. Kanina pa siyang tanghali dito. Pinapaalis ko na nga pero ayaw. Hihintayin ka raw niya. Hinayaan ko na lang kasi ang akala ko darating ka agad.” Nasapo ko ang noo ko. Lalagnatin yata ako sa nangyayari. Hinila ko sa leeg si Pepita hanggang sa kusina. Baka kasi marinig ni Arkin ang pag-uusapan namin. “Dapat pinaalis mo na siya. Gaga ka ba? `Di ba, wala na sa akin ang magic red lipstick? Hindi na ako magiging sexy na Ella. Gumawa ka na lang sana ng paraan para mapaalis si Arkin. Ang gaga mo talaga--” “Hindi naman ang sexy na Ella ang hinahanap niya, e!” Bigla akong natigilan sa sinabi ni Pepita. Umiiling na napaatras ako hanggang sa napasandal na ako sa dingding. “H-hindi… Hindi...” Umiiling pa rin ako at itinakip pa ang isang kamay sa aking bibig. Nagtataka na nilapitan ako ni Pepita. “Hoy, Ella! Bakit ka nagkakaganyan?!” “E, kasi kung hindi ang sexy na Ella ang hinahanap ni Arkin… I-ibig sabihin, ikaw ang hinahanap niya? B-bakla si Arkin?” “Anong bakla?! Alam mo, akala ko ako na ang pinak-OA pero mas OA ka pa pala sa akin!” “Ha?” Umayos ako ng tayo. “Ikaw ang hinahanap niya. Si Jelay! `Yong mataba. Ikaw!” “Ako?” itinuro ko ang sarili ko. “Sino pa ba ang nagpapanggap na Jelay at mataba dito? Ikaw lang naman, `di ba?” “SI Jelay? Na mataba? Siya ang ipinunta dito ni Arkin?” Monologue ko habang nakahiga na ako sa aking kama. Ang sabi pa kanina ni Pepita, hindi man lang daw nito nabanggit si sexy na Ella kahit isang beses lang. Puro daw ito Jelay, Jelay, Jelay! Gusto ko na sanang matulog pero hindi ko magawa dahil sa nalaman ko na si Jelay ang ipinunta dito ni Arkin. Nang papasok na ako sa kwarto ko ay may nakita pa akong isang bungkos ng flowers at chocolate sa paanan ni Arkin. Ibibigay ba niya iyon kay Jelay? At kung para kay Jelay nga ang mga iyon… bakit? May gusto ba siya kay Jelay? May gusto ba siya sa akin? “Haaay!!! Hindi! Imposible! Assuming na naman ako! Masasaktan na naman ako nito, e!” Nalilitong sigaw ko at nagtalukbong ako ng kumot. “BES?! Anong nangyari sa’yo?! Bakit ang pula-pula ng mata mo? Adik ka ba? Baka ma-tokhang ka niyan, bes! `Wag kang manlalaban, bes! `Wag na `wag!!!” Nagpapadyak na sabi sa akin ni Pepita habang niyuyugyog ako sa balikat. Kakalabas ko lang no’n ng kwarto ko. Ala-sais na ng umaga at totoo naman ang sinabi ni Pepita na mukha akong adik sa pula ng mata ko. Hindi talaga kasi ako nakatulog sa kakaisip kung bakit hinahanap ni Arkin si Jelay. Tapos may dala pa siyang bulaklak at chocolates. At dahil nakaramdam na ako ng gutom ay bumangon na ako para mag-almusal. At `eto na nga, paglabas ko ng kwarto ko ay nasaktuhan na nakasalubong ko si Pepita at nasampulan agad ako ng pagiging OA niya. Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at naglakad papunta sa kusina. “Ang OA mo, bes! Nakakasira ng umaga!” ani ko. Medyo nalungkot ako nang makita kong wala na si Arkin sa salas. Wala na rin ang flowers at chocolates. Baka naman hindi para kay Jelay ang mga iyon. Nag-assume na naman ako. Never na talaga akong mag-aasumme sa susunod. Nakakamatay, e. Charot! “Bes, may naluto ka na ba?” pasigaw na tanong ko habang naglalakad sa kusina. “Bes, `wag ka munang--” “Ang bango ng naaamoy ko, a. Anong niluto mo? Gutom na gutom na ako! Grabe!” “Bes!” Bigla akong napahinto sa paglalakad nang nasa bungad na ako ng pinto papuntang kusina. Para akong naging tuod at napanganga na lang nang makita ko si Arkin na nagluluto doon. Nakasuot ng sando at boxer shorts habang nakatalikod. Ang sexy-sexy niyang tignan! s**t! Akala ko ba wala na siya? `Ayan, nag-assume na naman ako. Takbo, Ella! Takbo! Magtago ka! Utos ng utak ko. Pero huli na ang lahat para gawin ko iyon dahil humarap na si Arkin para isalin sa plato ang niluluto niya. At nakita niya agad ako. Isang matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin. Kahit pawisan siya dahil sa pagluluto ay ang bango pa rin niyang tignan. Hindi yata alam ni Arkin ang salitang “dugyot”. “Good morning, Jelay!” Mas lalo niyang nilakihan ang smile niya. “G-good m-morning…” Hindi magkanda-ugagang bati ko. Doon ko lang din na-realize ang hitsura ko. Nakasuot ako ng spaghetti strap na blouse at shorts. Kapwa luma at sikip na ang mga iyon kaya kitang-kita ang katabaan ko. Tapos gulo-gulo pa ang buhok ko. Hindi ko naman kasi ugaling magsuklay sa umaga dahil kami lang palagi dito ni Pepita. Ngayon lang naman nangyari na may isang hot na lalaki akong nakita pagkagising ko. Ito na `yong moment na sinasabi ng iba na gusto silang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan. “I heard na gutom ka na. Mabuti na lang nagluto na agad ako. Kain na tayo?” anyaya niya. Napalunok ako nang makita ko ang nakahain sa mesa. Bacon, sunny side-up eggs, hotdog, butter, tinapay at sinangag. Mas lalo tuloy akong nagutom. “M-magpapalit lang ako ng d-damit…” Nahihiyang itinuro ko ang aking kwarto. Shit! `Yong accent ko, nakalimutan ko! “Ano ka ba? Okay lang `yan. Tignan mo nga ako, ang dugyot ko na.” “D-dugyot ka na sa lagay na niyan? Oo nga, m-medyo…” Alanganin akong natawa. “Tawagin mo na si Pepita para sabay-sabay na tayong kumain.” Hindi ko na kailangang sundin ang sinabi niya dahil humahangos na dumating si Pepita at humila agad ito ng upuan sa may dining table. Gutom na gutom na daw ang bakla kong kaibigan. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na rin at umupo. Haaay… Ano bang nangyayari? Medyo… nakakaloka. NATAPOS ang breakfast pero hindi pa rin umalis si Arkin. Isinuot lang nito ulit ang damit nito. Siyempre, nagpalit na rin ako ng damit dahil nakakahiya naman sa kanya. Ako na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Sipag-sipagan at pakitang-gilas dahil nandiyan siya. “Puchang leche ka!” Gulat na sigaw ko nang pagharap ko sa aking likuran after kong maghugas ng pinagkainan ay naroon pala si Arkin. Todo-ngiti pa talaga ang mokong. “Arkin! Papatayin mo ba ako sa gulat?!” Medyo naiinis na sabi ko habang nakahawak sa aking dibdib. Ang ngiti niya ay biglang nawala. Unti-unti siyang lumapit habang titig na titig sa akin. Napaatras tuloy ako dahil medyo nakakabahala ang tingin niya. Parang gusto niya akong gahasain! Koya, `wag po! `Wag po, koya! “Tama nga si Matandang Hukluban…” “Matandang Hukluban?!” gulat na bulalas ko habang nanlalaki ang mata. Paano niya nakilala si Matandang Hukluban?! “You’re not Jelay. You are Ella.” Na-corner na niya ako at wala na akong aatrasan. Nakasandal na ang puwitan ko sa may lababo. Teka, nabuking ba niya ako dahil nakalimutan ko ang accent ko? “Anu pu ba senasabe niyo diyan, ser--” Impit akong napasigaw sa gulat nang mariin akong hawakan ni Arkin sa magkabila kong braso. “Pwede ba, Ella, tigilan mo na ang pag-arte mo? Writer ka, hindi artista! Buko na kita kaya hindi mo na kailangang magtago sa katauhan ni Jelay!” Medyo pasigaw na sabi niya sa akin. Bigla tuloy akong pinagpawisan sa kaba nang oras na iyon. Wala na yatang magagawa kung itatanggi ko pa. Kung paano niya ako nabuking ay hindi ko alam. Napalunok ako. “P-paano mo n-nalaman?” Sa tanong ko iyon ay obvious na inamin ko na rin na tama siya. “Sa isla.” “S-sa isla?” “Yes, Ella. Nagduda na ako noong gigisingin na sana kita for our early shoot. Pagsilip ko sa tent mo, nakita kitang mataba tapos nang lumabas ka, payat ka na. Inisip ko na lang na namamalik-mata lang ako. Hanggang sa ako ang nagprisinta na maghanap kay Ella para ibigay iyong red lipstick. At alam mo ba kung sino ang nakita ko?” “S-sino?” “Ang nagbigay sa iyo ng magic red lisptick na nagiging reason para pumayat ka!” “Si M-matandang Hukluban?” Tumango siya. “That’s right! Si Matandang Hukluban. Sinabi niya sa akin ang lahat ng sikreto mo. Noong una ayaw kong maniwala pero pinatunayan niya sa akin na totoo nga ang magic red lipstick at isa siyang fallen angel. Pero may hindi siya sinabi sa akin at iyon ay ang reason mo kung bakit kailangan mong magpanggap na sexy sa akin kahit ang totoo ay mataba ka!” Umiling ako at inalis ang kamay ni Arkin sa aking braso. “Arkin, this is nonsense. Tama na. Oo na, hindi talaga ako si Jelay. Ako talaga si Ella at mataba pa rin ako. Naging sexy lang ako dahil sa magic red lipstick pero wala na iyon, binawi na sa akin ni Matandang Hukluban! Are you happy now? Satisfied dahil hindi naman nangyari ang sinabi ko noong mga bata pa tayo na pagsisisihan mo na ni-reject mo ako dahil `pag nagkita ulit tayo ay sexy na ako?” Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ako sa kamay. “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa past, Ella? Hanggang ngayon ba naman?” Naniningkit ang mga mata na sabi niya. “FYI lang, Arkin. Naka-move on na ako! Naka-move on na ako!” Pagdidiin ko. “Then why you’re always mentioning our past?! Hindi ka pa naka-move on!” “Naka-move on na ako!” “No. You are not!” giit niya. “Naka-move on na ako sabi! Dahil kung hindi pa, sana’y hindi ko pa rin tanggap na kahit kailan at hanggang ngayon ay hindi mo ako mamahalin dahil mataba ako!” Tuloy-tuloy na sabi ko. `Eto na naman ang bibig kong walang preno. Pakshet talaga! Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Suminghot ako nang biglang pumatak ang luha sa aking mata. “A-arkin, t-tama na, please… Oo, aaminin ko na kaya ako nagpanggap na sexy sa’yo ay para gantihan ka. Papaibigin ka tapos iiwan. Papaasahin sana kita tapos iiwan sa ere pero natauhan na ako. Alam kong mali iyon. At… at…” Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko ng sandaling iyon. Ang hirap namang magsabi ng totoo. “At ano, Ella?” seryosong tanong niya. Muli akong lumunok para maalis ang bara sa lalamunan ko. “At narealize ko na hindi ko pala kayang saktan ang nag-iisang lalaki na minahal ko sa buong buhay ko!” Sa wakas ay nasabi ko rin. “All these years, Arkin, ikaw pa rin ang nandito… Natakpan lang ng galit dahil sa nakaraan pero ikaw pa rin talaga, e! Leche ka!” Lumuluhang itinuro ko ang tapat ng aking puso. Hindi ko expected ang sunod na gagawin ni Arkin. Hinila niya ako at hindi ko rin inaasahan na kahit mataba ako ay parang ang gaan ko lang para makabig niya ako nang ganoon lang. Nang magdikit ang aming mga katawan ay niyakap niya ako nang buong higpit. “Bakit kasi hindi mo agad sinabi na ako pa rin, Ella? Ni-reject kita noon kasi mga bata pa lang tayo at hindi ko alam kung makakaya ba kitang panindigan. Hinanap kita, kaya nga kahit malaki ang perang nagastos ko ay nagpa-reunion ako. Hindi iyon para makita ko ulit ang classmates natin but to find you. At nakita nga kita pero halos hindi na kita nakilala. You’re sexy at pati ugali mo ay iba na. Hindi na ikaw ang Ella na kilala ko. Pero alam mo ba, kapag asama ko si Jelay na mataba, feeling ko ay kasama ko ang matabang Ella ten years ago… Dahil ikaw iyon, Ella. Hindi na ikaw si Ella Panti kung sexy ka…” Bahagya siyang lumayo sa akin at lumipat ang mga kamay niya sa magkabila ng aking matabang pisngi. Pinahid ng dalawa niyang hinalalaki ang luha sa aking mukha at saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. “Kung sexy ka, hindi na ikaw ang Ella Panti na mahal ko…” Nangingilid ang luha na sabi niya. “A-arkin?” Hindi makapaniwalang turan ko. “Mahal mo ako?” “Sa tingin mo ba, pupunta ako dito kung hindi?” Mahina ko siyang itinulak at kinalma ang aking sarili. Nagririgodon ang t***k ng puso ko sa nangyayari. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. O, baka naman panaginip lang ito. Sinampal-sampal ko ang sarili ko. “Ella, gising! Gising na!” sabi ko pa. Hinawakan ni Arkin ang mga kamay ko para pigilan ako sa ginagawa kong pagsampal sa sarili. “Hindi ito panaginip, Ella. This is reality…” aniya. At ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Mabilis lang iyon pero nagawa nito akong matulala. Inulit ni Arkin ang halik pero this time ay mas matagal at mas mapangahas! Ginagalugad ng dila niya ang bawat himaymay ng aking bibig! Nang maghiwalay ang aming mga labi ay kapwa kami hinihingal. “You kissed me!” Nanginginig na sabi ko. “At uulitin ko ulit iyon kapag sinabi mong panaginip lang ito!” banta niya. Isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi ko. “Panaginip lang ito. Panaginip lang--” At hindi ko na nga naituloy pa ang sasabihin ko dahil pinatikim na naman sa akin ni Arkin ang matatamis niyang halik. Nakakalunod naman ang eksenang ito. Ang sarap namnamin. Ang sarap ulit-ulitin. Nang maramdaman kong kakapusin na ako sa paghinga ay tinapik ko siya sa likod. Doon lang ulit siya huminto sa paghalik sa akin. “Wait lang, ang sabi mo ay mahal mo ako?” “Yep! You heard it right. Ikaw, mahal mo ba ako? `Wag mong sabihin na hindi! Alam mo na nag mangyayari!” “Oo naman! Mahal kita, Arkin. Noon hanggang ngayon.” Diretsong sagot ko. Walang halong pagpapabebe. “Pero… mataba ako, Arkin.” “Alam ko naman na mataba ka, e. At wala akong pakialam kahit tumaba ka pa, Ella. I love every inch of you, every fat in your body. I love you just the way you are!” At doon na nga sumabog ang kilig sa buong katawan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak ulit at yakapin ang lalaking nasa harapan ko. Nang oras na iyon ay nakita ko si Pepita na nasa katabi ng refrigerator habang hawak ang flowers na dala ni Arkin at kinakain na pala niya ang chocolates na alam kong para sa akin. Pinandilatan ko ng mata ang bakla kong kaibigan at sinenyasan siya na tirhan ako ng chocolates. Um-okay naman siya at umalis na para bigyan kami ng privacy ni Arkin. THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD