Agad din siyang tinalikuran ng binata at nagmadaling naglakad palayo sa dalaga.
"May saltik yata ang lalaki na iyon kainis siya." Ani na lamang ni Phoebe sa kanyang sarili at pinagpagan nito ang kanyang likuran.
Matapos silang kumain ay gabi na nga nang makarating sila sa kanilang bahay.
Hindi rin siya kinikibo ni Grayson mula nang mangyari ang insidente na 'yon. Ni hindi rin siya nito tinitingnan man lang.
"Hoy! Lalaki. Bakit kanina mo pa ako hindi kinikibo?" Tanong ng dalaga nang nasa loob na sila ng kanilang silid.
"Wala, isa pa wala naman akong gustong sabihin sa 'yo. Ang mabuti pa ay iwan na muna kita at mag yosi lang ako. Huwag na huwag mong subukang tumakas dahil magsisisi ka." Mabilis na sagot ni Grayson na may pagbabanta at iniwan na nga nito ang dalaga.
'Tatlong buwan lang. Tatlong buwan saglit lang iyon kaya kalma ka lang Grayson. At mag focus ka." Wika nito sa kanyang sarili at nagbunga ng usok sa kanyang bibig. Pagkatapos mag humithit ng yosi ay muli na naman siyang pumasok sa loob ng bahay.
Sa pagbalik ni Grayson sa kanilang silid ay nagulat at hindi makapaniwala ang binata sa sumunod na pangyayari nang basta-basta na lang lumabas ng banyo si Phoebe ng nakatapis lang ng tuwalya at maya maya pa ay dahan-dahang bumagsak sa sahig ang nakatapis na tuwalya sa katawan nito.
Kung kaya pigil na pigil siya sa paglunok at titig na titig sa mga mata ng dalaga na hindi kumukurap. At mabilis na naglakad patungo sa dalaga. Saka bumulong sa puno ng tainga ni nito.
"Hinding-hindi mo ako madadala sa pang-aakit mo. Ngayon, magbihis ka na at baka pati 'tong ginawa mo ngayon ay makaratinga sa lolo mo."
Mabilis na yumuko si Phoebe upang pulutin ang tuwalya sa sahig at dahil sa sinaad ng binata ay agad na binalabal sa kanyang katawan.
At muli na namang lumabas ng silid ang binata saka nagsindi na naman ng isang stick ng sigarilyo.
"Heto na naman siya. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon." Aniya pa nito sa kanyang sarili saka nagbuga ng usok. Na para pang nate-tense.
Hanggang sa makita nito ang ilaw mula sa kanilang silid na pinatay ng dalaga. Saka lamang siya pumasok sa loob ng kanilang silid nang nakasiguro na siyang tulog na ang dalaga.
Pinihit ang siraduhan at unti-unting pumasok sa loob. Muli ay nadatnan nito ang dalaga na nakasuot ng nighties habang nakatagilid 'tong natutulog.
"Napaka pasaway niya talaga. Ina-akit ba niya ako? Puwes! Hindi ka magtatagumpay." Aniya nito sa kanyang sarili at kinuha ang kumot upang takpan ang katawan ng babae.
Imbes na matulog ang binata sa kama ay mas pinili nitong umupo sa sofa hanggang sa hindi nga niya namamalalayang makatulog na pala siya.
KINABUKASAN ay nagising ang binata dahil sa malakas na tugtugin na naririnig nito at agad nga siyang lumabas ng silid dahil namulatan niyang wala sa kama ang dalaga.
Nadatnan niyang nagpupunas ang dalaga ng bintana habang nakasuot pa rin 'to ng nighties.
"Ano'ng ginawa mo? Bakit ganyan pa rin ang suot mo?" Galit na tanong ni Grayson.
"Hindi mo ba nakikita? Naglilinis ako. Saka ano'ng masama sa soot ko? Huwag mong sabihing napapalunok ka na o baka, gusto mo na akong tikmang? Puwede naman," mapang-akit na saad ng dalaga at akmang hahaplosin na sana ang mukha ng binata ngunit mabilis 'yong naagapan ni Grayson.
"So, dina-daan mo talaga ako sa pang-aakit ngayon. You're sorry, pero hindi ako mahinang nilalang. Gaya ng iniisip mo. Magpalit ka na ng damit mo! At baka makita ka pa ng driver. Nakakahiya 'yang suot mo!" Nang-iinsultong saad nito at lumabas na ng bahay.
"Hindi raw siya mahinang nilalang, ah. Puwes, Tingnan natin." Ani naman ni Phoebe.
"Good morning, Sir Grayson. Ito na po 'yong mga pinamili kong inutos ninyo ipasok ko lang sa loob." Bungad naman ng driver na kararating lang.
"Wait, iwan mo na lang 'yan sa lamesa at ako na ang magpapasok sa loob."
"May problema po ba, Sir? Bakit parang namumutla kayo at nate-tense?" Nagtatakang tanong ng driver.
"Wala! Bilisan mo at umalis ka na ngayon din!" Pagtataboy pa ng binata.
"O-Opo, sir."
Huminga muna ng malalim si Grayson bago binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Pagkapasok nito sa loob at nailapag ang mga pinamili ng driver ay nagtaka 'to dahil hindi nito nakita ang babae. Kung kaya agad-agad 'tong kumilos at hinanap ang babae.
"Asaan na 'yong babae na 'yon? Mukhang tinakasan na naman yata ako."
Mabilis siyang nagtungo sa loob ng kanilang silid at doon nga ay nagulat siya nang bigla na lang sumulpot ang dalaga mula sa kanyang likuran at naitulak siya nito kung kaya bumagsak ang kanyang katawan patihaya sa kama. Saka mabilis na pumatong ang babae.
"Ang bilis mo naman yata akong ma-mis, Grayson. Eh, andito lang naman ako."
Nagulat at hindi makapaniwala ang babae sa sumunod na pangyayari nang bigla siyang hawiin ng lalaki, mabilis din 'tong kumilos at mula sa ilalim ay napunta 'to sa ibabaw.
Nagtama ang kanilang mga mata at para bang may kung ano silang naramdaman ng mga panahon na 'yon.
"Ano bang ginagawa mong babae ka? Hindi na ako natutuwa sa 'yo." Malamig na boses na saad ng binata.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang bumigay? Alam ko namang gusto mo rin." Mapang-akit na saad ng babae nagawa nga nitong mabilis na idinampi ang kanyang daliri sa leeg ni Grayson. At doon nga ay mabilis na kumilos ang lalaki at bumangon mula sa kama.
"Kapag ginawa mo pa 'to ulit! Sisiguraduhin kong dito ka na tatanda!" Banta ng lalaki. At agad na 'tong naglakad palayo.
"Hmmmpp! Nakakainis siya! Pakipot may pa banta-banta pa siyang nalalaman. Palibhasa alam niyang takot ako kay Lolo. Ano kayang gagawin ko?"
KINA GABIHAN ay kinausap ni Grayson ang lolo ni Phoebe.
"Grayson! Napatawag ka. Kumusta ang apo ko?" Tanong ng matanda sa kabilang linya.
"Sir, may gusto po sana akong sabihin."
"Ano 'yon, hijo?"
"Gusto ko na pong magbitiw sa tungkulin ko." Walang ka gatol-gatol na saad ng lalaki.
"Ano?! Aba'y hindi ako papayag!" Nagimbal na saad ng matanda.
"Pero, Sir."
"Walang pero-pero, Grayson. Alam mo naman na sa 'yo lang ako may tiwala at alam kong sa 'yo lang din sumusunod ang apo ko. Grayson, tatlong buwan lang ang hinihiling ko sa 'yo. Alam mo namang matanda na ako. Sana naman ay pagbigyan mo ako. At konting panahon lang naman ang tatlong buwan. Mabilis lang naman 'yon." Pakiusap pa nito.
Walang nagawa ang binata kung hindi ang sumang-ayon na lamang. Dahil gaya ng namayapa nitong lolo ay parang lolo na rin niya 'to. At ang isa pang dahilan ay isa ito sa mga taong tumulong sa kanya noon. Kaya may utang na loob din siya.
Huminga na lamang siya ng malalim at lumagok ng alak. Sabay sabing "Sige po, Lo." At naputol na ang linya.
"Hay...! Problema ko talaga ang babae na 'yon. Ibang iba na siya. Baka makagawa ako ng hindi maganda." Ani pa ni Grayson sa kanyang sarili na nababahala.
Samantalang mula sa kuwarto ay pinagmamasdan naman siya ni Phoebe sa kanilang silid.
"Ano'ng ginawa niya roon sa labas? Nakakainip naman dito sa kuwarto." Wika pa nito at tinungo ang binata sa labas.
"Eheemm! Baka gusto mong mag share? Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah!" Ani Phoebe.
Agad na napalingon ang lalaki sa babae habang salubong ang kilay nito.
"Bumalik ka na lang sa kuwarto at mula sa araw na 'to. Bawal ka ng lumabas ng silid nang walang pahintulot ko." Masungit na saad ng binata.
"Grabe ka naman sa akin. Noong nakaraan nilagyan mo ako ng posas. Tapos ngayon ikukulong mo ako. Hindi naman na ako tatakas, eh. Saka di ba? Sabi mo noon kapag gusto ko ng alak bibilhan mo ako ng isang case. Ngayon na makiki share ako sa iyo ayaw mo! Ano 'yon?"
"Sumunod ka na lang. Para wala tayong maging problema. Lahat naman ng sinasabi ko sa 'yo ay depende sa bahavior mo. Kaya kung magtitino ka at magpapaka bait. Wala tayong magiging problema. Kaya sundi mo na lang ang sinasabi ko." Ani pa ni Grayson at muli na namang lumagok ng alak.
Wala namang nagawa ang babae kung hindi ang muling bumalik sa kanilang silid.
“Peste talaga ang lalaki na ‘yon at ang hirap paamuhin. Naghubad na nga sa harapan niya wala pa ring effect! Aniya nito sa kanyang sarili nang makabalik siya sa kanyang silid at malakas na isinara ang pintuan.