bc

Spark Me, Tenderly

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
family
HE
neighbor
heir/heiress
sweet
office/work place
childhood crush
assistant
like
intro-logo
Blurb

Title: "Spark me, Tenderly." ❤️Written by: Miss_Choi Maldita, mataray at sunod sa layaw. Iyan ang mga katangiang taglay ni Phoebe Cabral ang kaisa-isang apo ni Felipe Cabral. Ngunit kahit pa sunod sa layaw ang dalaga ay hindi 'to masasabing masaya. Sapagkat siya ay wala ng mga magulang at mag-isa lang 'tong pinalaki ng kanyang lolo.Samantalang masunurin, may isang salita at professional pagdating sa trabaho. Iyan naman ang taglay na katangian ni Grayson. Ang binatang kinuhang body guard ng lolo ni Phoebe.❤️Nagsimula ang lahat nang pinatapon si Phoebe sa probinsya dahil sa isang scandal na kinasangkutan nito na nagdala ng kahihiyan sa kanyang lolo.❤️Dahil pinatapon si Phoebe sa probinsya ay wala 'tong nagawa ng bigyan siya ng kanyang lolo ng body guard na biente kwatrong nakasunod sa kanya bilang parusa.Kung kaya buwisit na buwisit at hindi mapakali si Phoebe. Lalo na't pati sa pagtulog nito ay kanyang pa ring nakikita kulang na lang ay tumabi 'to sa kanyang kama.Hindi naging madali ang kanilang pagsasama sapagkat. Kung gaano ka arte, ka maldita si Phoebe ay siya namang higpit ni Grayson na para itong tatay ng dalaga.Kung kaya gumawa ng paraan si Phoebe upang lumambot at maging sunudsunuran sa kanya ang binata. Inakit niya 'to ng bongga. Kung dati ay nagtatapis pa siya ng tuwalya. Ngayon ay sinasadya niyang mahulog 'yon sa sahig at sa mismong harapan ni Grayson.Ngunit hindi papatinag ang binata lalo na't alam niyang patibong 'yon at pinaglalaruan siya ng dalaga.Ang tanong?Hanggang kailan magtitimpi si Grayson? Kung mismong palay na ang lumalapit. Kaya pa kaya niyang magpigil kung bumubukaka na 'to na walang p**nty?....Abanga!

chap-preview
Free preview
Toothpaste
"Ibinigay ko ang lahat ng gusto mo, Phoebe! Lahat-lahat ay nakukuha mo. Pero ngayon, hindi na! Dahil magmula sa araw na 'to, ako na ang masusunod! Bawal ang gadget, lalong-lalo na ang cellphone. At ipapatapon kita sa probinsya para magtanda ka! At higit sa lahat hinding-hindi ka na makakalabas pa ng mag-isa lang!" Galit na saad ng lolo Felipe ng dalaga. "Hindi niyo puweding gawin sa akin 'to, Lo. Alam niyo naman na hindi ako mabubuhay ng walang cellphone. Please naman, Lo. Huwag niyong gawin sa akin 'to." Pagmamakaawa ng dalaga. "Sana 'y naisip mo 'yan, bago mo ako binigyan ng kahihiyan. Ginawa ko ang lahat para hindi mo isiping nag-iisa ka. Dahil ikaw ang pinakamamahal kong Apo. Subalit, hindi na ngayon. Dahil gagawin ko ang lahat para magtanda ka!" Ani pa ng lolo nito na nagpupuyo sa galit. "Isakay niyo na 'yan at dalhin sa probinsya." Utos pa ng matanda at tinalikuran na 'to. "Lo-Lo...!" Sigaw naman ni Phoebe na walang nagawa nang kaladkarin siya ng mga tauhan ng kanyang lolo at isinakay sa sasakyan. "Malayo pa ba tayo?" Tanong ng dalaga nang nagbyabyahe na sila at nasa daan. "Yes, Ma'am. Kaya matulog na muna kayo." Sagot naman ng driver. "Ang boring naman." Nayayamot pa na saad ni Phoebe habang palinga-linga ito sa daan. Hindi naman nagtagal ay hindi namamalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya. Samantalang pagkalipas ng ilang oras na byahe ay nakarating na sila. "Ma'am, gumising na po kayo nandito na tayo." Wika ng driver sa dalaga. "Ma'am, Phoebe. Andito na po tayo." Muling saad ng driver. "Naku naman! Katutulog ko lang, eh! Mang i-instorbo kayo!" Inis na saad ng dalaga. Napalingon siya sa pintuan ng sasakyan nang biglang bumukas 'yon. "Bumaba ka na riyan. Bawal ang maarte at maldita dito." Malamig na boses na saad ng lalaking nagbukas ng pintuan ng sasakyan. Agad na mapalingon ang dalaga sa pintuan ng sasakyan nang marinig ang boses. "I- Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Phoebe sa lalaki. "Oo, ako nga. Bakit may angal ka?" Naka ngising saad ni Grayson. "Buwesit! Sa dinarami nga naman ng tao mundo. Ikaw pa talagang makikita ko!" Nakasimangot na saad ng dalaga at kumukulo ang dugo nito sa tuwing nakikita ang lalaki. "Oh, 'to. Kausapin mo ang lolo mo. Dahil wala ka rin namang magagawa." Aniya naman ng lalaki at ibinigay ang cellphone nito sa dalaga. Mabilis na kinuha ni Phoebe ang cellphone mula sa lalaki. "Lo. Ano ba naman 'tong pinadala niyong taga bantay ko? Bakit siya pa?" Reklamo ni Phoebe. "Makinig ka, Phoebe. Mula sa araw na 'to. Si Grayson ang kasama mo at magbabantay sa 'yo biente kuwarto oras. Kung ano man ang sasabihin niya at i-uutos sa 'yo. Sundin mo dahil kapag may narinig akong hindi magandang ginawa mo at naging mas pasaway ka dyan! Hindi lang tatlong buwan ang ilalagi mo dyan kung hindi baka habang buhay na." Madiin na saad ng lolo nito. Natameme at hindi makapaniwala si Phoebe sa mga sinabi ng lolo nito. "Naiintindihan mo ba?" Muling tanong ng matanda sa dalaga. "Opo, Lo. Naiintindihan ko po." Walang nagawang saad ng dalaga. "Sir, mauuna na po ako." Paalam ng driver kay Grayson. "Sige, kuya. Ingat." Agad naman na saad ng Lalaki at kumaway pa 'to sa driver. "Hindi mo ba ako tutulungang mag buhat?" Agad naman na tanong at reklamo ng dalaga. Habang nakataas ang kilay nito. "Shoulder bag lang na maliit ang dala mo at bag pack na maliit din. Sa tingin ko Kayang-kaya mo na 'yan." Saad ng lalaki at tinalikuran siya nito. "Hoy! Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong tatalikuran!" Agad na napahinto si Grayson sa paglalakad dahil sa sigaw ng babae. At Agad napalingon sa kanyang likuran saka malalaking hakbang ginawa nito palapit kay Phoebe. "Una, hindi ka boss rito. O princesa. Pangalawa, huwag kang umastang ikaw ang nagbabayad sa amin. Dahil sa lolo mo kami nagtatrabaho hindi sa 'yo. Pangatlo, itikom mo 'yang bibig mo, dahil nagmumukha kang palengkera at walang galang. Meron pa nga pala. Wala kang katulong dito. Dahil ikaw at ako lang ang nasa bahay na 'to. Kaya umayos ka. Baka hindi ka makakain ng hapunan." Saad ng lalaki at muli 'tong tumalikod saka naglakad palayo. "Buwesit! Gano'n, ah! Sino ka ba sa tingin mo? Humanda ka sa akin," inis na inis na saad ni Phoebe sa kanyang sarili. "Sumunod ka sa akin," utos pa ng lalaki at wala namang nagawa ang babae kung hindi ang sumunod habang salubong ang kilay nito at nagpupuyo sa galit. Pinagmamasdan ni Phoebe ang loob ng bahay. Masasabi niyang maganda, maayos at katamtaman ang laki. Ngunit nagtaka ito dahil ang isang silid ay naka kandado. Habang ang isa naman ay kanilang pinasukan. "Dito ang kuwarto mo at kuwarto ko." Bulaslas ng lalaki. "Ha? Baliw ka ba? Babae ako, tapos ikaw lalaki. Magsasama tayo sa iisang kama. Ano ka sini-swerte?" mataray na saad ni Phoebe. "Uulitin ko lang ang sinabi ng boss ko. Babantayan kita biente kuwatro oras. Ibig sabihin, kasama mo ako kahit saan ka pa pumunta at ano man ang ginagawa mo." Paliwanag muli ni Grayson. "Kahit tatae ako? O maliligo naka buntot ka pa rin! Iyon ba ang gusto mong sabihin?" "Kung kinakailangan. Bakit hindi? Huwag kang mag-alala, dahil hinding-hindi ko pag-iinteresan ang kagaya mo. Inuulit ko, huwag na huwag mong subukang tumakas. Mananagot ka sa akin. Pagkatapos mo rito sumunod ka sa akin sa baba at kakain na tayo." Saad pa ng lalaki. "Peste! Talaga! Bakit siya pa?" Inis na inis na saad ng dalaga sa kanyang sarili at hindi ito mapalagay. Nakasuot ng square pants at crop top na sando si Phoebe nang magtungo 'to sa kusina. Agad din niyang naamoy ang ginigisang manok ni Grayson. "Ano ba 'yang niluluto mo? Ang baho," reklamong tanong ng dalaga at nakatakip ang isang palad nito sa kanyang ilong at bibig. "Ang baho pala, ah. Sige, huwag kang kakain ng niluluto ko at magluto ka ng ulam mo." "Talaga!" Mabilis naman na saad ng dalaga at lumayo 'to sa binata saka nagtungo sa harapan ng TV. At pinindot ang remote. "Ano ba naman 'to? Wala man lang mapanood na movie. Wala bang internet dito?" Inis pa na tanong nito at hindi ito mapalagay sa kakalipat ng channel hanggang sa tuluyan na ngang pinatay ang TV. "Kung naboboring ka. Pumunta ka sa likod nitong bahay at mag dilig ka ng halaman." "Ayoko nga." Mabilis na turan ni Phoebe. "Ayaw mo. Baka nakakalimutan mo ang sinabi ng lolo mo sa 'yo. O baka naman gusto mo ng tumanda rito. Mabilis lang naman akong kausap." "Ito na. Pupunta na. Joke lang." Walang nagawang saad ng dalaga at mabibigat ang paa nitong naglakad patungo sa likod bahay. Doon nga ay nakita ni Phoebe ang hose at agad niyang pinihit ang switch nito upang umagos ang tubig. "Napaka boring na nga ang init pa." Aniya pa nito sa kanyang sarili at naisipan nitong maligo gamit ang hose. Doon nga ay habang nagdidilig 'to ng halaman ay siya ring harap ng hose sa kanyang katawan upang mabasa siya. "Sinong nagsabi sa 'yo na puwede kang maligo rito? Hindi ba't sabi ko sa 'yo magdilig. Hindi maligo." Istriktong tanong ng binata. "Ang init kasi kaya naligo na rin ako." Pangangatwiran naman ng dalaga at wala itong suot na bra. Kung kaya bumakat ang nip**le' nito. Napansin naman 'yon ng binata kung kaya dali-dali 'tong pumasok sa loob ng bahay. "Oh, ayan! Maligo ka na sa loob. Sa susunod gawin mo lang kung ano ang sinabi ko. Hindi 'yong kung ano-ano ang ginagawa mo." Pinagagalitan na saad ni Grayson. "So, conservative pala ang tatay ko." Pagkapasok ni Grayson sa loob ng bahay ay napaka rumi dahil sa bakat-bakat na tsinelas ng dalaga at puno 'yon ng putik. Gusto niya sanang tawagin at sigawan ang babae. Ngunit pilit 'tong nagtimpi. Kung kaya kumuha na lamang siya ng walis pagkatapos ay mop. At habang nag ma-mop 'to ay may dalawang paa na bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan. Kung kaya kumunot ang kanyang noo at pataas ang kanyang tingin hanggang sa nagtama ang kanilang mga mata. "Ano'ng ginagawa mo? Hindi mo ba nakikitang naglilinis ako ng duming ginawa mo?" "Wala lang, napadaan lang ako. Ang sipag mo pala. Siya nga pala nagugutom na ako." wika pa ni Phoebe na parang may pinahihiwatig. "Magluto ka ng ulam mo, tabi!" Inis na saad ng binata. "Hmmmmmp.....!" Nagtungo si Phoebe sa kusina at doon nga ay nakakita siya ng iltog. Kung kaya iyon ang naisipan niyang lutuin. Kumuha 'to ng maliit na frying pan maliit at manipis. Isinalang sa burner at pinihit ang switch ng burner upang magkaroon ng apoy. "kaya ko 'to." Aniya pa ng dalaga sa kanyang sarili. Nilagyan niya ng mantika ang frying pan. At hinayaang nakasalang ang frying pan sa burner. "Mukhang mainit na." Aniya pa nito dahil umuusok na ang kawali at agad na nilagyan ng mantika. Maya maya pa ay gumamit 'to ng kutsara at pinang crack ng itlog dahil sunny side up ang gusto niyang ulam. Nang nailagay niya ang itlog sa kawali ay agad siyang napa atras. "Hala! Bakit tumatalsik 'to? Bakit kapag si Manang ang nagluluto hindi naman." Natatarantang tanong ng dalaga at hindi 'to makalapit sa kalawali dahil takot siyang matalsikan ng mantika. "Naku! Nangitim na ang itlog ko. Sunog na yata! Ano'ng gagawin ko? Kinakabahang tanong pa ng dalaga. Dahil first time nitong magluto. Lakas loob nitong nilapitan ang kawali at dahil sa taranta ay nawala sa kanyang isipan na gumamit ng path holder. Agad nitong hinawakan ang dulo ng frying pan na napaka init. "ARAAAYY...!!" Dahil sa narinig na malakas na sigaw ng dalaga at na a-amoy na may nasusunog ay agad na nagtungo sa kusina ang lalaki. Nadatnan ni Grayson ang kawaling nasa sa baba. Gano'n din ang itlog na sunog at nasa sahig din. Walang takot nitong nilapitan ang burner pinatay ang switch at pinihit din sa baba ang gasul. Agad din niyang kinuha ang potholder. At dinampot ang kawali, saka mabilis na nilagay sa lababo at pinatuluan ng tubig mula sa faucet. Hanggang sa napatingin siya kay Phoebe sa isang sulok. "Ano'ng ginawa mo?" "Hindi mo ba ako tatanungin kung kumusta ako? Napaso kaya 'tong kamay ko." Saad ng dalaga imbes na sagutin ang tanong nito. "Hindi ka kasi nag-iingat!" Saad pa ng lalake nilapitan niya 'to at hinawakan ang kamay ng dalaga na sinasabi nitong napaso. Kumuha agad si Grayson ng toothpaste at pinahid sa napasong palad ng dalaga. "Aray! Careful ka naman sa pagpahid. Ang sakit kaya." "Sa susunod. Kapag hindi mo kaya o wala ka namang alam sa pagluluto. Huwag kang nagmamagaling! Gusto mo pa yatang masunog 'tong bahay." "Eh, kasi nga. Sabi ko nagugutom na ako pero hindi mo naman ako pinansin. Kaya ako na lang ang nagluto ng pagkain ko. Saka bakit kasi tumatalsik iyon? Eh, kapag si Manang ang nagluluto ng itlog hindi naman tumatalsik." "Paanong hindi tatalsik 'yon sobrang lakas ng apoy mo! Dapat kapag magluluto ka ng itlog low fire lang. Ang problema kasi sa 'yo. Napaka arte mo!" "Hindi ba 'yan maimpeksyon toothpaste ang nilagay mo? Wala ka bang ointment?" "Walang ointment dito. Saka bata pa lang kami ito na ang nilalagay sa amin. Huwag kang mag-alala dahil malayo 'yan sa bituka. Kumain na tayo." Pagdating nila sa hapagkainan ay agad na sumubo ng pagkain si Grayson At napatingin 'to kay Phoebe. "Ano pang ginagawa mo? Bakit tinitigan mo lang 'yang pagkain? Tikman mo muna bago mo sabihing hindi masarap." "Hindi ako makasubo kasi masakit itong isang kamay ko. Tapos mahapdi pa rin. Hindi ko mahawakan ang kutsara at tinidor. Saka itong napaso kong kamay kanan. Eh, hindi ako marunong magsubo sa kaliwa kong kamay." "Ang ibig mo bang sabihin, gusto mo pa yatang ako ang magsubo sa 'yo?" agad na saad ni Grayson. "Hindi, hindi sa gano'n. Wala akong sinabing ganyan. Nagsasabi lang ako ng totoo. Mabuti pa aakyat na ako sa taas hindi pa naman ako gutom." Saad nito at akmang tatayo na sana nang magsalita ang binata. "At talagang kinokonsensya mo pa ako." "Hindi ano! Kaya nga aalis na ako, eh. Pakabusog ka." Huminga ng malalim si Grayson at muli 'tong nagsalita. "Bumalik ka sa upuan mo! "Kumain ka na dyan. Hindi pa naman ako gutom. Mamaya na lang ako kakain kapag hindi na 'to mahapdi." Saad ng dalaga at nagpatuloy ito sa paglalakad. "Ang tigas talaga ng ulo mo! Gusto mo pa talagang magalit ako. Bago ka sumunod. Babalik ka sa upuan mo? O tatawagan ko ang lolo mo?" Galit na tanong ng lalaki. "Sabi ko nga babalik na ako sa upuan ko." Agad na saad ng dalaga. Kinuha ng lalaki ang plato ni Phoebe at doon nga ay nilagyan niya 'to ng kanin at ulam. Pinaghalo niya ang sabaw, kanin at karne ng manok. Saka inilagay sa kutsara. "Oh, ayan. Isubo mo na. May laman na 'yang kutsara mo." Agad na isinubo ni Phoebe ang kutsarang may lamang kanin at ulam. Napatingin pa 'to kay Grayson habang ngumunguya siya. "Bakit? Hindi mo gusto ang lasa?" "Hindi, ang sarap ng luto mo." Namimilog ang mga matang saad ni Phoebe. "Ayan ang sinasabi mong mabaho kanina noong ginigisa ko sa patis." "Hmmmmm..... Ang sarap pala nito, ah. Binabawi ko na ang sinabi kong mabaho kanina. Sige pa, lagyan mo pa ang kutsara ko, dali!" Nakangiting saad ng dalaga at mukhang ginutom 'to. Wala namang nagawa ang binata kung hindi ang gawin ang sinasabi nito. "Pasinsya ka na, ha? Hindi muna ako makapag hugas ng plato. Kasi alam mo naman 'tong isang kamay ko. Saka hanggang ngayon masakit at mahapdi pa rin. Punta na muna ako sa kuwarto." Paalam pa nito at dali-daling naglakad. "Sige lang pagbibigyan muna kita. Pero oras na gumaling na 'yang kamay mo. Tuturuan kita ng leksyon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
721.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
958.6K
bc

A Warrior's Second Chance

read
346.7K
bc

Not just, the Beta

read
342.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook