Prologue
Nasa mall kami ngayon ni Kyla, sunday naman eh.
“Anak? "- Huh? Sino yun?
That voice, sobrang pamilyar. Kaninong boses ko nga ba iyon narinig? Hay, nevermind.
“Kyla let's go, uwi na tayo. Pagod na ako bes. "
“Kyl.......Uy bes, anong nangyari sayo? Ba't natulala ka na jan? May nakita ka na namang pogi noh? ”
“Uhm Zy? Look oh!
May tinuro sya sa likuran ko kaya humarap ako. As I turn around, I saw a very familiar face. Ang mukha ng taong kinamumuhian ko. Ang taong pilit kong binabaon sa limot. Ang sakit pa rin pala, after all those years, I never thought na magkikita pa rin kaming dalawa. Kung titingnan ko sya ngayon mukhang okay naman siya, pero ako I don't think so because I will never forget that day. Ang araw kung kailan nya kami iniwan ni mommy. Kasalanan nya kung bakit nawala sakin si mommy. Kung hindi sana sya nalulong sa sugal noon hindi sana nawala si mom, hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Tapos ngayon bigla syang susulpot na para bang wala lang sa kanya lahat ng yon.
“Excuse me? Are you calling me?" - Nagpanggap akong hindi sya kilala.
“Anak? It's you! Zyra, anak ko! " - He tried to hug me pero nagpumiglas ako.
“Wait sir! Let me go! Hindi ko po kayo kilala." I told him.
“Zyra, it's me, your father."
Wow! After so many years, buti naalala nya pang may anak sya, haha walang hiya. Gusto kong magalit, gusto kong umiyak but not infront of him.
“I'm sorry sir but I don't really know you. "
Pagkatapos kung bitawan ang mga salitang yon ay umuwi na ako kaagad. Hindi ko na nga alam kung sabay rin ba kaming nakauwi ni Kyla eh.