Kinabukasan ay kulang sa tulog akong bumaba. Dati naman akong kulang sa tulog pero ngayon ko lang ramdam ang pagod at bigat ng katawan. Siguro ay dahil inumaga na lang ako sa kakaisip sa nangyari sa'min ni Judge Franco. Nakabihis na ako para pumasok sa paaralan nang dumating ako sa dining area. Napahinto pa ako sa pintuan nang makita ko si Judge Franco na nakaupo sa nakasanayan nitong puwesto. Wala nang bakas ng kalasingan sa hitsura nito, bumalik na rin ang kalamigan sa awra nito na ramdam ko na agad kahit nandito pa ako sa pintuan. Naramdaman siguro nito ang presensya ng ibang tao kaya nag-angat ito ng mukha mula sa kinakain at direktang tumitig sa'kin. Muntikan pa akong napaatras dahil sa impact ng malamig niyang mga mata. "Good morning," pormal niyang bati sa'kin. "Halika na, break

