May dumaang pag-aalinlangan sa mukha ni Judge Franco na tila ba sa ubang pagkakataon ay pinagdududahan nito ang sarili. Walang katinag-tinag ko namang sinalubong ang mga tingin niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang gustong bumigay ng mga tuhod ko pero kailangan kong panindigan ang binitiwang mga salita. Wala akong balak na sabihin kay Judge Franco ang katotohanan na siya ang may gawa ng lintik na markang nasa leeg ko. Lihim kong sinisisi ang sarili kung bakit hindi ko man lang binigyang pansin ang kakaiba kong naramdaman doon. Sa dinami-rami ng mga gumugulo sa isipan ko ay hindi man nasali roon na maaaring mag-iwan ng marka ang ginawang pagsipsip ng lasing na si Judge Franco sa leeg ko. Minsan talaga, maging ako ay nagdududa na sa sarili kong katinuan... hindi lang talaga kon

