"J-Judge, please…" Halos pabulong pero nanginginig ang boses ni Miss Roja nang magawa na nitong magsalita. "I've been serving this school for almost fifteen years. Huwag naman po agad-agad. I– I can explain. Hindi po ito ganoon, Judge. Please. Bigyan ninyo naman ako ng chance." Pinakiramdaman ko ang sarili habang pinapanood ang tila pagmamakaawa ni Miss Roja, pero wala akong makapa ni katiting na simpatiya para dito. "Yeah..." malamig na tugon ni Judge Franco, nananatiling diretso ang postura, "... that's why you have to resign. Otherwise, you'll be forcefully terminated." Windang ang ekspresyon ni Miss Roja habang tila hindi makapaniwala sa mga narinig. "And, Miss Roja," malamig pero kontroladong pahabol ni Judge Frnaco, "Hindi biglaan ang desisyon kong ito. Several complaints about

