Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ko na sa unang tapak ko sa siyudad ay makakasabay ko sa hapunan si Judge Franco Santuri. Habang nakasunod sa kanya ay nanatili ang masama kong tingin sa malapad niyang likod.
Mas lalo tuloy akong naiinis dahil parang naging mas untouchable pa siya ngayon sa paningin ko, ang lapad naman kasi ng balikat niya at hindi ako na-inform na dapat pala ay ganito ka-macho ang isang judge. Iyong mga nakikita ko sa TV ay karamihan matatanda na tapos panot at kung hindi mataba ay payat. Ibang-iba itong si Judge Franco na maliban sa hindi matanda ay mukhang alaga pa sa gym ang katawan.
Wala sa sariling pumasada pababa ang tingin ko, at mabilis ko agad itong iniwas bago pa ako magkasala. Lihim kong pinagalitan ang sarili dahil napansin ko pa talaga ang pang-upo ng walang kamalay-malay na judge. Wala ako rito ngayon upang i-check ang physic ni Judge Franco, nandito ako upang manumbat at gantihan siya.
Isa pa ay hindi pa naman ako totally pumayag sa kagustuhan niyang dito ako titira, napilitan lang ako. At isa pa ay ito ang pinaka-practical na dapat kong gawin. Pero anytime ay lalayasan ko siya kapag kaya ko na. Sa ngayon ay tatanggapin ko muna ang tulong niya habang paplanuhin kung paano pasasakitin ang kanyang ulo.
Akala niya ay katulad ako ni Ate na sumusunod sa bawat gusto niya, puwes nagkakamali siya. Tingnan natin kung hindi niya ako kusang palalayasin kapag sinimulan ko nang guluhin ang tahimik niyang buhay.
"I can feel your stares…" mababa ang boses na pahayag ni Judge Franco sa gitna nang katahimikang bumalot sa'min. "...and bad intentions."
Napahinto ako sa paghakbang habang nakasimangot na nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
Wala naman siyang mata sa likod pero sa tono niya ay parang nakikita niya kung paano ako tumingin sa kanya.
Hindi ko naman talaga tinatago iyon kaya hindi natitinag na sinalubong ko ang tingin niya.
"Bakit, natatakot ka na ba sa bad intentions ko?" matapang kong tanong sa kanya at pinagdiinan pa ang huling mga salita.
"I'm dealing with criminals and law violators every single day," pumapalatak niyang sagot. "I think, I can handle any bad intentions from you," dugtong niya pa.
Nanatili namang neutral ang tono niya pero ang dating niyon sa'kin ay parang ang yabang. Siguro ay dala lang ng galit ko sa kanya kaya nabibigyan ko ng masamang kahulugan lahat ng mga ginagawa niya, pero wala akong pakialam dahil dapat lang talaga na ang makikita ko ay puro bad sides niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil biglang may isang katulong na dumating. Tikom ang bibig na pinanood ko ang paglapit nito at paglagay nito sa paanan ni Judge Franco ng isa pang pares ng indoor slippers na katulad ng suot ko.
Matapos iyong isuot ni Judge Franco ay tahimik nang umalis ang katulong. Wala man lang akong narinig na palitan ng salita sa pagitan ng mag-amo kaya masasabi ko talagang hindi kagandahan ang trato ni Judge Franco sa mga kasambahay niya.
"Ilang beses mo na ba akong nahusgahan simula kanina?" nakataas ang kilay na tanong ni Judge Franco nang muling magtagpo ang paningin namin.
Wala pa man akong sinabi ay mukhang alam na agad niya ang tumatakbo sa utak ko. Judge lang siya, pero judgemental ako kaya dapat ay walang pakialamanan.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko at naiiling na lang na muling pumihit patalikod upang magpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman ako sa kanya habang nakasimangot pa rin ang mukha.
Nababagalan ako sa paglalakad niya, pakiramdam ko ay sinasadya niyang hindi gaanong bilisan ang paghakbang gayong kayang-kaya naman iyong gawin ng mahahaba niyang binti. Ayaw kong isipin na ginagawa niya iyon para sa'kin at nang hindi ako mapagod kakahabol. Sobrang imposible niyon, hindi gano'ng tao itong si Judge Santuri.
Ilang sandali pa at pumasok na kami sa isang maaliwalas na silid. Unang kumuha sa atensiyon ko ay ang malaki lng chandelier na nasa pinakagitna ng silid na tila ba gustong intimidahin ang katulad kong unang beses na napunta sa ganitong klaseng lugar.
Bakit ko nga ba naisip na sa kusina ang punta namin para sa hapunan? Sa yaman nitong kasama ko ay dapat in-expect ko na may pang-royalty siyang dining area.
Hindi lang iyong bonggang chandelier ang nakakagulat kundi ay ang mahabang mesang naghihintay sa'min kung saan ay sobrang daming pagkaing nakahanda. Nagmistulang may handaan lang, overkill para sa isang simpleng hapunan.
Kung gugustuhin ko pala ay pwede akong pumuwesti sa kabilang dulo ng mesa upang kunwari ay hindi kami magkasama.
Iyon nga lang nakahanda ang mga pagkain sa iisang dulo lang ng mesa. Hindi ko tuloy ma-gets kung ano ang silbin ng mahabang mesa at mga upuan kung dalawang tao lang pala ang gagamit nito. Tantiya ko ay kasya pa ang mahigit sampung tao.
May mga kasambahay na naghihintay sa'min at maagap kaming pinaghila nang mauupuan pagkakita sa'min. Medyo nakaramdam ako nang pagkaasiwa dahil hindi ako sanay sa ganitong treatment. Nang sulyapan ko ang tahimik na si Judge Franco ay nahuli ko siyang nakatingin sa'kin.
Mukhang inaasahan niyang mauna akong maupo bago siya. Kung kaming dalawa lang sana ang nandito ay nakipagmatigasan na ako sa kanya sa kahit ganito kasimpleng bagay, pero dahil may mga katulong sa paligid ay hindi na ako gumawa ng eksena at nauna nang naupo.
Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng bibig niya na tila senyales ng isang ngiti, pero nang kumurap ako ay bumalik na sa normal ang ekspresyon niya. Normal means super serious na para bang nasa loob kami ng courtroom.
Nang pareho na kaming nakaupo ay napansin kong hindi umalis iyong mga kasambahay at nanatiling nakatayo ilang hakbang mula sa'min. Pare-parehong tuwid na tuwid ang pagkakatayo ng mga ito habang nakatutok sa baba ang tingin. Kahit hindi sila nakatingin ay hindi ako komportable na kakain na may ibang tao sa paligid.
Nang sumulyap ako sa kasama ko ay tila ba hindi na bago sa kanya ang ganito, nagsimula na nga siyang maglagay ng pagkain sa pinggang nasa harapan niya. Kahit pa sabihing halos magkatabi na kami dahil nasa dulo siya ng mesa at nasa kanan niya ako ay halos isang upuan pa rin ang espasyo sa pagitan namin. Ibang klase rin kasi itong mga upuan nila, parang panghigante sa laki. Sakto lang kay Judge Santuri ang ganitong estilo ng dining chairs dahil malaking tao siya at siguro ay nasa six feet mahigit tapos malaki ang katawan, hindi katulad sa'kin na 5'3" lang tapos balingkinitan ang katawan. Nagmistula akong bata sa ganitong upuan.
"Hindi ba sila pwedeng sumabay sa'tin?" hindi ko napigilang tanong pagkalipas ng ilang sandali. Hindi na ako nakatiis sa presensya ng mga kasambahay sa paligid.
Napahinto si Judge Franco sa ginagawang paglalagay ng mga pagkain sa kanyang pinggan at nag-angat ng tingin sa'kin.
Napakurap-kurap pa ako nang direktang tumutok sa'kin ang kulay metallic grey niyang mga mata. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kaganda ang gano'ng kulay kahit malamig ang titig.
"Hindi," flat at malamig niyang sagot sa tanong ko. Malinaw sa tono niya na wala nang dapat pa pag-usapan tungkol doon.
Hindi ko napigilan ang pag-asim ng ekspresyon ko sa mukha habang naging mapanghusga ang tingin ko sa kanya.
"Ikaw ba iyong typical na mayaman na sobrang baba nang tingin sa mga hindi ni'yo ka-level?" mapakla kong tanong sa kanya.
Kahit gutom na ako at biglang parang nawalan ng appeal sa'kin ang masasarap na pagkaing nasa harapan ko.
"Think whatever you want," pahinamad niyang sagot sa'kin. "Just eat…" dugtong niya pa.
Ibubuka ko na ulit sana ang bibig ko upang makipag-argumento nang basta na lang niyang pinagpalit ang mga pinggan namin. Awang ang bibig akong napatitig sa mga pagkaing laman nang pinalit niyang pinggan sa'kin. Hindi ko alam na para sa'kin pala iyong mga kinukuha niyang pagkain kanina.
"Kailangan pa ba kitang subuan?" untag niya sa saglit kong pagkatunganga.
Agad kong hinamig ang sarili at patay-malisyang sinalubong ulit ang tingin niya. Nakita kong nagsimula na siyang kumain at may laman na ring pagkain ang plato na dapat ay sa'kin pero pinalitan niya. Hindi ko na pwedeng bawiin iyon at isauli itong sa kanya.
"May iba ka bang gustong kainin?" muli niyang tanong nang mapansin hindi pa ako kumikilos.
Sa halip na sumagot ay inirapan ko na lang siya at sinimulan nang kumain. Iniwas ko ang tingin sa kanya at inisip na lang na hindi ko siya kasama. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin kayang balewalain ang malakas niyang presensya.
At ang mas nakakainis pa ay habang tumatagal ay unti-unti na akong naging komportable sa presensya niya. Hindi ko dapat maramdaman 'to sa taong sinisisi ko sa maaga at biglaang pagkawala ng nag-iisa kong kapatid.
Pinanghawakan ko ang naramdaman kong sakit sa nangyari kay Ate, upang hindi ko makalimutan na galit ako sa taong kasama ko ngayon.
Dapat ay wala akong ibang makita kay Judge Franco Santuri kundi ay ang kawalan niya ng puso at pagiging hindi mabuting tao. Dapat ay hindi ko bigyang pansin ang pagpapahiram niya sa'kin ng suot niyang indoor slippers. Hindi rin naman ikinabait ng isang tao kung una niya akong paghainan ng pagkain kaysa sarili niya.
Dapat ay itatak ko sa'king utak na hindi mabuting tao si Judge Franco Santuri upang hindi magbago ang goal ko.