Tinignan niya ang apartment nila. Bungalow lang pero may tatlong kwarto para sa kanila. Malinis din ito at kahit papano ay kumpleto sa gamit at sapat ang pagkain sa bawat araw.
Hindi na rin siya nakakaranas ng gutom at nababayaran ang mga bills monthly. Sa gamot, theraphy lang ng ina at sa pag-aaral sa private school ng kapatid lang sila medyo nagkukulang pero nareresolbahan naman niya agad.
Tanda pa niya bago sila magkaroon ng mas maayos na buhay at sa ilalim lang sila ng tulay nakatira. Madalas ay palaging natutulog ng gutom at inaabot ng ulan sa kalsada.
Wala naman kasi silbi ang amang na bilanggo dahil sa pagbebenta at pag-gamit ng mga pinagbabawal na gamot.
Kaya nangako siya sa sarili na gagawin ang lahat para maiahon ang pamilya sa hirap sa kahit ano mang paraan.
Pagkakalkal sa basura ang pinagkakabalahan nila noon ng nakakabatang kapatid habang nananahi ng basahan ang ina para ibenta nila sa mga driver o sa kalsada.
Hindi sumasapat ang mga nakukuha nilang bote o plastic para ibenta sa mga junk shop kaya nag siside line rin siya sa pagbebenta sa isang stall sa palengke ng gulay.
Inabot naman niya ang highschool dahil sa scholarship pero hindi na nakapag kolehiyo dahil sa wala talaga silang sapat na panggastos.
Humina din ang benta ng may-ari kaya wala silang magagawa ng paalisin na siya nito. Napadpad siya sa isang bar at nakita ang nakapaskil na 'Wanted: Waitress' hindi na siya nagdalawang isip na pumasok para applyan ito.
Medyo alanganin pa ang may-ari na tanggapin siya dahil mas bata ang itsura niya sa edad na labing walo.
Nangako naman siya na sapat na ang gulang niya para magtrabaho sa ganung lugar at walang magiging problema ito sa batas.
Sumang-ayon ang pamangkin nito na tanggapin siya lalo at kailangan nila ng serbidora sa mga customer.
Sa huli ay pumayag na ang may-ari. Masayang masaya si Donna na umuwi para ibalita na may bago na siyang trabaho at mas mataas ang sahod kumpara sa 150 pesos na kita sa palengke.
"Anak? Saan ang trabahong sinasabi mo? Sa bar? Tama ba ang pagkakarinig ko?" Nag-aalalang sabi ng ina.
"Opo ma. Pero waitress lang po ako doon. Saka malaking bagay na ang 350 na sahod kada araw baka mapag-aral ko na ulit si Carol sa highschool" Hindi naman mapalagay ang ina nitong si Amelia dahil baka mapahamak ang anak.
"Wala ka na bang mapapasukan na iba? Alam mo ba ang pinapasok mo? Mga halang ang kaluluwa ng mga lalake doon! Mababastos ka anak!" Naiiyak na sabi nito. Umiling naman si Donna saka hinawakan ang kamay ng ina.
"Ma, Gagawin ko po ang lahat para sa inyo ni Carol. Huwag po kayong mag-alala kaya ko naman proteksyonan ang sarili ko." Napaiyak na ng tuluyan ang ina nito saka siya niyakap.
"Patawad anak! Ako dapat ang naghahanap buhay pa sa inyo ng kapatid mo pero ikaw itong nilalagay ang sarili sa kapahamakan! Kung hindi lang ako ganito sana ay hindi kayo naghihirap magkapatid." Niyakap nalang ito ni Donna.
Naging maayos naman ang pagtatrabaho niya sa bar. Mabait ang amo na si Ofelia lalo na ang pamangkin nito na si Gerry. Naroon din si Raul na nagmimistulang body guard nila sakaling may bigla nalang humablot sa kanya habang nagsasayaw.
Medyo mahina ang bar dahil madami rin silang katabi na ganung establishement kaya naman nag-isip si Ofelia na paraan para mas balikan sila ng mga customer.
May magaganda naman silang babae doon pero tulad ng iba ay nagsasawa din ang mga customer kaya lumilipat sa iba. Minsan ay inalok siya ng amo kung papayag sa naisip nitong gimik sa bar nila.
"Ano po? Sasayaw ako?" Gulat na tanong ni Donna. Apat nalang sila noon naiwan maaga silang nagsara dahil mababa ang kita.
"Oo pero huwag kang mag-alala nakabantay kami lalo na si Raul kung may gagong manyak na lasing na lalapit sa iyo. Hindi ka naman magpapatable. Sasayaw lang ng sexy tapos 'yun na. Para meron silang abangan dito. Unang kita ko palang sa iyo nakita ko na maganda ka kapag naayusan." Masayang sabi nito.
Napaisip naman si Donna. Nanganganib na magsara sila kung palaging kokonti ang customer.
"H-Hindi po kaya ako makilala pag nasa labas ako?" Napailing naman si Ofelia.
"Itong si Gerry ay magaling sa make-up saka kahit na sino ay hindi naman mag-iisip na ikaw 'yung waitress dito lalo madilim naman. Promise kapag nag click itong pakulo natin ay gagawin kong 1,000 a day ka plus commision kapag nakakota tayo sa bawat araw." Pag-uudyok pa nito.
"K-Kailangan ko po bang m-maghubad? H-Hindi po ako marunong sumayaw." Natawa naman si Ofelia.
"Malamang kaya nga sexy show pero parang nang-aakit ka lang habang gumigiling o kekembot kembot habang naghuhuhad. Saglit lang naman tapos may biglang uusok ayun tapos ang show. Tatakawin mo lang 'yun mga lalakeng manonood. Hindi ka magpapatable o magpapatake home para hindi mawala 'yung excitement nilang makita ka. Para rin mas dumami ang matable na babae natin dito." Napatango si Donna kahit kinakabahan.
"Ano payag ka ba? Pwede naman hindi na natin ituloy kung hindi mo kaya. Wag mo pilitin." Sabat naman ni Gerry.
"S-Susubukan ko." Napapalakpak si Ofelia.
"Ngayon mag practice tayo. Ayusan mo siya Gerry. Gawin mong parang victoria secret model! Bilis!" Napatayo na sila at pumunta sa dressing room.
Ilang minuto rin siya nitong inayusan at talagang mas lumutang ang ganda niya. Pumili si Gerry ng sexy na two piece saka pinasuot sa kanya.
"N-Nakakahiya Gerry." Napayukong sabi nito ng lumabas sa maliit na fitting room na naroon. Napanganga naman sa kanya ang babae saka napailing.
"Oh my gosh! Ang ganda mo at sobrang sexy pala! Grabe! Ikaw na donna! Ay teka ito towel" Ibinalot sa kanya ito.
"Ganito ahm. Paglabas mo sa stage may tugtog sabayan mo ng giling o kembot tapos parang lagkitan mo ang tingin sa mga manood. Saka mo dahan dahan tanggalin itong twalya. Tapos ayun na hubarin mo na rin 'yang two piece ni na suot. Ano kaya mo ba?" Napatango si Donna saka napalunok.