bc

The Stalker’s Obsession

book_age18+
110
FOLLOW
1.2K
READ
forbidden
one-night stand
drama
scary
like
intro-logo
Blurb

Laki sa hirap. Isa lang ang pinangarap ni Donna ang magkaroon ng magandang buhay para sa kanila ng inang may polio at nag-iisang kapatid.

Napilitan siyang pumasok sa isang bar upang magtrabaho bilang waitress pero dahil sa angkin ganda at sa pangakong easy money ng amo ay pinasok na rin niya ang pagsasayaw.

Tama naman ito dahil nagkaroon siya agad ng sapat na kita para sa mga pangangailangan nila pero paano niya maiiwasan ang isang stalker na gumugulo sa kanya dahil kahit saan siya magpunta nararamdaman niyang nakasunod ito?

Hanggang saan aabot ang pagiging obsessed nito sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Madilim ang paligid pero kumikislap-kislap ang liwanag mula sa munting ilaw sa ibabaw ng maliit na entablado. Maraming nag-iinumang lasing na sabik sa paglabas ng isang babaeng kanina pa nila inaantay masilayan. Ilan sandali pa ang inantay ng lahat nang biglang magsimulang tumugtog ang nakakahalinang musika at paglabas ng usok kasabay nito ay ang paglakad ng isang naka tuwalya lang na babae sa harap ng stage. Natahimik ang lahat sa nakita at tutok ang mga mata sa susunod nitong gagawin. Umikot ikot ito sa bawat sulok upang makita ng lahat ang mapuputing hita at balikat nito saka tumalikod. Dahan dahan nito tinanggal ang tuwalya at makikita na isang puting tong na panty lang ang tanging suot. Perpekto ang hugis ng katawan nito idagdag pa ang malagatas na kutis na kumikinang sa mga ilaw na kumikislap. Iginiling nito ang maliit na bewang habang sumasabay sa tugtog ng malanding musika. Humarap ito at tanging ang mahabang kulot na buhok lang ang tumatakip sa mayaman nitong dibdib na umaalog sa bawat kembot na ginagawa. Tahimik pa rin ang paligid walang nais mag-alis ng tingin sa babaeng may maamo at magandang mukha pero may nakakademonyong katawan. Hindi mo aakalain na ang tulad nito ay makikita sa ganoong lugar dahil para itong dyosa sa kagandahan. Talong talo pa nito ang mga artistang napapanood nila sa movie o telebisyon sa sobrang karisma at lakas ng s*x appeal. Hinawakan nito ang mumunting tong na panty at dahan dahan hinuhubad na para bang nang-aakit habang tinitignan ang mga manonood. Ipinaikot ito sa ere saka binato sa mga lalakeng umiinom. Para naman mga batang nag-aagawan sa candy na nagtakbuhan ang mga lalake para makuha ito. Kailangan pa pigilan ng mga bantay sa bar upang hindi magkagulo ang mga ito. Isang matandang lalake ang sinuwerteng nakaagaw at agad tinago sa loob na suot na damit. Nagsiupuan na ang mga nagkagulo at nag-atay kung meron pa ulit susunod na show ang kinalolokohan nilang babae. Kumalat ulit ang usok at nawala ang babae sa stage saka bumukas ang ilaw. Hiyawan ang mga nakapanood sa show ng star ng bar. Masaya naman nakatanaw si Ofelia ang may-ari ng bar dahil kumita na naman sila ng malaki sa mas inaasahan. Pumasok ito sa dressing room kung nasaan ang babaeng nagsayaw kanina. Nakabalot na ito ng bathrobe at nagtatanggal ng make-up at wig. "Donna! Magaling! Magaling! Magaling!" Niyakap pa siya nito sa sobrang tuwa kaya napangiti na lang siya. "Akalain mo! Wala ka pang 5 minuto na sumayaw ka pero libo-libo ang kinikita natin! Iba talaga kapag may pagkamisteryosa ang dating sa lalake! Nababaliw sila sa alindog mo!" Nagbihis na si Donna at parang normal na lang ito ulit na babae. Hindi mo na iisipin na ito ang babaeng kinakahumalingan ng mga lalakeng gutom sa laman. Simpleng pantalon na kupas, malaking tshit na pinatungan pa ng jacket at isang cap ang suot na nito. "Pwede po ba ako mag cash advance muna? Bibili po kasi ako ng gamot ni mama. Hindi na kasi kami mabigyan sa center ang tagal pa daw ng next na libreng gamot. Naubos 'yung sinahod ko nung nakaraan ang dami din po kasing gastos sa pag-aaral ng kapatid ko." Napatango naman ang amo at dumukot ng sampung libo sa belt bag. "Oo naman! Sige lang. oh paano bukas nalang ulit?" Masayang tanong nito sa kanya. Tumango naman si Donna at kinuha na ang backpack na bag saka lumabas ng kwarto. Nakasalubong nito si Geralda o Gerry. Pamangkin ito ng may-ari pero parang anak-anakan na dahil ito na ang nagpalaki dito. Cashier/Manager din nila ito sa bar. "Mauna na ako Gerry. Ingat kayo pag-uwi." Inawat naman siya nito kaya napabalik siya. "Sandali Donna!" Pigil nito sa kanya saka hinila siya sa isang sulok. "Bakit?" Takang tanong niya. "Oh" Bulong nito sabay abot nito ng isang envelop na may kakapalan. "Ano 'to?" Takang tanong niya saka tinignan ang laman ng envelop. "Ano pa edi pera. Pinapabigay ng isang customer sabi idiretso sa iyo dahil alam daw may bawas na porsyento ang mga may-ari dito." Natatawang sabi nito. "Ha? Naku Ayos lang sige ibawas na ninyo ang sa inyo. Nag cash advance na rin naman ako ngayon kay madam." Umiling naman si Gerry. "Ok lang! Diba may sakit pa rin ang mama mo hanggang ngayon. Secret nalang natin 'yan saka ikaw naman ang nag-aakyat ng pera dito sa bar! Mataas din naman ang kita ngayon parang pa isang buwan na kita na nga sa ibang bar ang kota natin palagi. Sige na umuwi ka na ingat!" Pagtataboy sa kanya nito. Tinignan niya ang laman nasa mahigit 20,000 thousand pesos ang bilang niya. "Ang laki naman nito. Tamang tama mag eenrol na si Carol sa susunod na buwan." Napangiti si Donna saka sumakay sa motor na ginagamit pampasok. Dumaan muna siya sa drugstore para bumili ng gamot ng ina at sa isang kainan para may panghapunan sila bago umuwi. Nagpapasalamat na rin siya na hindi siya inoobliga sa bar na tumambay doon basta matapos niya ang 'show' ay pwede na siyang umuwi. Naabutan niya na gumagawa ng assignment ang kapatid habang nakaupo ang ina at nananahi ng mga ginagawa nitong basahan para ibenta "Nandito na po 'ko. Carol, ihanda mo na para makakain na tayo." Sabay abot dito ng lechon manok at pansit. "Opo ate!" Nagmano naman siya sa ina na hininto ang ginagawa. "Kamusta anak? Mabuti maaga ka ngayon. H-Hindi ka ba n-nabastos doon? Hindi ka ba hinawakan ng mga lalakeng lasing?" Malungkot na sabi nito. Umiling naman si Donna. "Hindi po mama. Malinaw naman ang usapan namin doon na hanggang sayaw lang po ako tapos ay uuwi na. Ma, Ilang taon na 'to alam na nila ang ayaw at gusto ko. Basta nagawa ko ang usapan hanggang doon nalang." Tumango naman ito at hinawakan ang mga kamay niya. "Pasensya ka na anak at napasok ka sa ganyan trabaho. Kung napagtapos sana kita baka maganda ang buhay mo ngayon at hindi kailangan ipakita ang katawan para kumita ng pera." Naiiyak nitong sabi. Pinunasan naman ni Donna ang mga luha nito saka ngumiti. "Ma, Ginusto ko po ito. Saka po nag-iipon lang ako tapos ay hihinto na ako. Isa pa po mas pipiliin ko na ang ganito kesa noon na mas mahirap pa tayo sa daga." Naiiling na sabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.2K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.3K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.2K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.3K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
15.5K
bc

In Bed With Kuya Red

read
56.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook