Chapter 01

3416 Words
“Baka ma-untog ka” mahina niyang paalala habang papalabas ako nang tricycle. Mabilis ko nilingon ang kamay niyang nakatakip sa edge nang bubong ng tricycle. He was standing outside the tricycle. Tahimik lang at kung umasta ay parang hindi niya ako binalaan sa posibleng aksidente na mangyayari sa akin. Para bang hindi niya tinabunan ang edge nang tricycle para lang hindi ako masaktan. “Thank you,” Sabi ko nang nakalabas na. He didn’t utter a word. Sa halip ay bumalik siya sa loob nang tricycle at umupo. The tricycle moved, leaving me behind. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Palagi kaming sabay sa tricycle. Palagi din kami pareho nang sinasakyan. He always have this moves. He always ignores my thank you’s and smile. Usap-usapan sa buong highschool department ang pagkakagusto niya sa akin. Ngunit kung gaano karami ang nagsasabi o nag papahalata nang pagkakagusto niya sa akin, ganon naman ang kasalungat nang pagtrato niya sa akin. Huminga ako nang malalim. Hindi ko na inisip pa kung ano man ang ginawa ni Gabriel. Tumalikod ako sa kalsada at nag simula nang maglakad papasok sa skina patungo sa bahay. The San Martin is not a big town. Maliit lang ito. Kung tutuusin, ito ang pinakamaliit na lugar sa Cebu. Madali lang makilala ang mga tao dito, dahil nga, maliit lang ang lugar kaya tiyak na nagkikita-kita din ang lahat. Alas kwatro pa lang nang hapon kaya marami-rami pang bata na naglalaro sa daan. The sun is still bright but ready to set. May nag-aayos na nang iba-barbecue para ipaninda mamayang alas-sais. Meron din mga tambay na handang makipaglaro nang basketball sa cover court mamaya. I am simply living in this town. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. I am the third child in our family. Ngunit nang mamatay si Celeste—ang bunso namin, ako na ang naging bunso sa pamilya. May mother is a teacher and my father is a mechanical engineer in Dubai. Ang Kuya Lester ko naman ay nasa Canada, nagtratrabaho bilang Chef at si Ate Gracella ay nasa fourth year na nang kursong accountancy. My sister is living in the City kaya kami lang ni Nanay ang kasalukuyang naninirahan sa bahay. Unang bumungad sa akin ang hardin sa harapan nang terrace namin. My pet, Chiko, a mixed with brown and white fur Shih Tzu and Haku, our family Aspin, greeted me as I opened our house gate. Mabilis ko silang niyakap pareho nang pagkatapos akong salubungin. “What did you two do today, huh?” I asked them while petting their head. Pareho nilang inilabas ang kanilang dila habang nag-wa-wag ang buntot nila. I chuckled when Haku suddely kisses my right cheek. “You both miss me?” I asked again and I laughed when the two of them bark at once. Umiling nalang ako at tumayo. Pinagpagan ko ang aking palda at damit. The two dogs stands up as well. Ngumiti ako sa kanila bago maglakad papasok nang bahay. As expected, wala pa si Mama. She’s a school teacher, mamaya pa siya alas sais o alas otso uuwi. Dumeretso ako sa kwarto ko. I quickly jumped and lay down to the bed. Tinitigan nang tahimik ang kulay puti na kisame. The Sunlight peaked to my bedroom walls. Unti-unti na itong bumababa—hudyat na malapit nang gumabi. It was another ordinary day for me. Wala namang exciting na naganap. Bumuntong hininga ako. Except for the fact that Gabriel—our batch basketball player, once again tried to cover the tricycle’s edge whenever I get out of the tricycle. Umaakto na naman siyang parang walang nangyari. Umiling ako. Maybe the rumors aren’t true. Maybe, he never really likes me. Maybe, it was just a tease to him after we get caught to be together in a locked gym stock room last year. Maybe…I just really hope so much about this. Tumagilid ako at ang una kong nakita ay ang teddy bear na binigay ni Tatay. Huminga ako nang malalim. “Maybe being the girl he likes didn’t mean anything at all,” bulong ko. Ilang minuto akong naging tahimik. I absent-midedly stare at my stuff toys. Teka nga, bakit ko ba ito dapat pinoproblema? Ano naman ngayon kung hindi ‘yon totoo? Ano naman ngayon kung nag assume lang ako? Ano naman ngayon kung jinoke time lang pala nila ako? Marahas akong napabangon. “Come on, Gabriella. Para namang may kagusto-gusto sa’yo.” sabi ko sa sarili ko. That hurts but truth hurts nga ‘di ba? Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at pumunta sa harapan nang salamin para makita ang sarili. I silently watch my whole figure from the mirror’s reflection. Mula ulo hanggan sa paa. I am only a five ‘ one feet tall. Hanggan sa dibdib ang kulay brown kong buhok. Magulo rin ang aking kilay dahil kahit kailan hindi ko pa ito inaahit. Yes, I do have a pointed nose. Malumay din ang mata ko, iyong tipo parang palaging naaawa. I have chubby cheeks kaya. Mamula-mula rin ang maliit na labi ko. I don’t have a petite or sexy body. Tumataba ako tuwing nasosobrahan sa kain. Siguro kung may naiingit man sa akin, iyon itong may katam-taman sa laki ang dibdib ko at sakto lang din ang aking bewang sa aking katawan. Pero other than that? Wala na. Kinulang na nga sa ganda. Kinulang pa sa utak. Saan ako lulugar nito? Bumuntong hininga ako. “Ang purpose in life ko nalang talaga ay ang guminhawa nang matiwasay. Kung hindi? Aba, ano nalang ba ang silbi ko sa buhay na ito?” pagrereklamo ko. Saglit ko ulit pinagmasdan ang mukha bago napag-isipan na mag bihis na nang pambahay at mag saing na nang bigas dahil ilang minuto nalang ay dadating na si Nanay. Hindi nga ako nagkamali, pagkatapos kong mag saing, bumukas ang pintuan nang bahay at bumungad doon si Nanay na nakauniporme na kulay pink habang may bitbit na kulay black na handbag. “Nay,” tawag ko sa kanya nang makita siya. Napatingin siya sa akin. “Kakatapos mo lang mag-saing?” tanong niya. Lumapit ako sa kanya at nag mano. The two dogs excitedly jumped towards her, asking her to pet them. Ginawa naman iyon ni Nanay pagkatapos niyang malagay sa side table ang gamit niya. “Opo,” sagot ko. Kumunot ang noo niya. “Ang tagal naman ‘yata?” she asked. Hilaw akong napangiti. “‘Naka idlip po kasi ako pagdating ko dito,” pagsisinungaling ko. Tinitigan ako ni Nanay nang ilang segundo bago tumango. “May dala akong ulam. I-initin ko lang tapos pagkakuto nang kanin, sabay na tayo kumain,” she said. Tumango lamang ako. Pinagmasdan ko siyang tumalikod sa akin at dumeretso sa itaas kung nasaan ang kwarto nila ni Tatay. When she finally went up, naiwan nalang akong mag-isa sa sala. The house was quiet. Tangi ang mabilis na hininga nila Chiko at Haku lang ang maririnig mo. Bumuntong hininga ako. I went outside. Sumunod din ang mga aso sa akin. Umupo ako sa hagdan nang terrace habang pinagmamasdan ang ulap. Nakabukas na ang ilaw sa poste na nasa harapan nang bakuran namin. Ang ulap ay kulay ube na nahahaluan nang kulay kahel at rosas. The colors blend until to the darkest shade. Marami na ring Nanay na sinisigaw ang pangalan nang anak nila upang umuwi. There are trisikad everywhere. Meron na ring usok na makikita galing sa barbecue-han ni Manoy Allan. This is our outside view. It kinds of chaotic but comforting. It was really weird to feel comfortable in a very noisy and chaotic place than to a quiet and organize home. Tumabi sa akin si Chiko at humiga sa gilid ko habang si Haku naman ay naglalaro sa bakuran. I caressed Chiko’s fur on her head. Napapikit siya dahil doon. “Don’t you get lonely, Chiko? This house used to be so noisy. Pag uwi mo, nasa hardin si Celeste, naglalaro. Tapos nasa terrace naman si Nanay, sinusubukan siyang tawagin. Tapos si Kuya nasa kusina at si ate nasa kwarto niya, nag-aaral. Tapos sa Sala naman, makikita mo si Tatay na nonood nang Netflix tuwing umuuwi siya.” Napalabi ako. Nilingon ko ang ulap ulit. The once colorful sky turns to become dark. I quietly watched the sky for a few minutes hanggan sa tinawag na ako ni Nanay para sa panghaponan. We eat silently. She only asked me about how was my school. Nang masagot ko iyon, wala na siyang sinabi pa. I washed the dishes after habang si Nanay ay dumeretso sa opisina niya upang gumawa nang lesson plan. I deeply sighed. Pinunasan ko ang aking kamay gamit ang trapo para sa kamay bago nagpasyang umakyat sa kwarto. Nang makarating sa kwarto ay agad din akong umupo sa upuan nang aking study table upang mag muni-muni. That was my entire evening. Pagkagising ko sa umaga ay agad din ako nag ayos sa sarili at nang mga gamit sa eskwelahan. Hindi kami sabay pumapasok ni Nanay. Umaalis ako nang 6:15,sa bahay habang siya ay nasa 7:00 na. Tahimik lang akong naghihintay nang tricycle hanggan sa may nakita akong isa lang ang pasahero at pinara ko. Nang huminto ito sa aking direksyon agad akong umikot upang makapasok pero agad ding napahinto nang makita kung sino ang nasa loob nito. Gabriel was fixing his hair while looking at himself in the tricycle’s mirror. Napahinto lang siya nang makita niya ako. Kumurap-kurap ako. He cleared his throat. Bigla siyang umayos nang upo at umiwas nang tingin. Umiwas din ako at umupo sa tabi niya. Tumama ang sleeves nang aming uniform sa isa’t-isa. He smells like a freshly after shower mint. Bigla tuloy akong nahiya dahil alam kong may kaonting pawis na rin ako ngayon dahil sa paghihintay nang masasakyan. Inangat ko ang aking tingin sa may itaas na salamin nang tricycle. Surprisingly, nakatingin din doon si Gabriel kaya nagtama ang aming mga mata doon. It was a long ten seconds stare. Napalunok ako at bigla akong kinabahan. Unti-unti akong tinubuan nang hiya kaya napaiwas ako nang tingin. Ibinaling ko nalang ang sarili sa tanawin sa labas. What was that? Sa pagkakaalam ko, siya ang may gusto sa akin. Bakit ako ito ngayon ang kinakabahan? Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. We never talked kahit na magkaparehong year level lang naman kami at magkatabi ang classroom. At tsaka, ano naman ang pag-uusapan namin? ‘Kamusta?’ hindi naman kami close. ‘Aga mo ngayon, ah’ Hindi naman kami magkaibigan. ‘Goodmorning?’ isn’t it a bit late to say now? Napapikit ako nang mariin dahil sa iniisip. Biglang huminto ang tricycle at dahil masyado akong maraming iniisip, sinubukan kong ilabas ang aking paa upang lumabas dahil sa pag-aakalang nasa tapat na kami nang eskwelahan. He immediately grabbed my right arms before I could really finally go out. Kumunot ang noo ko. “ha?” Kumurap siya. He licked his lips before speaking. “Wala pa tayo sa eskwelahan.” saad niya. Ha? Kumurap-kurap ako bago dahan-dahan nilingon ang pwesto ni Manong driver. Ang tangi nakita ko lang ay isang kulay black na gate nang isang two storey house. “Gab,” Napatingin ako sa labasan nang tricycle. “Bakit?” sabay naming sabi ni Gabriel sa nagsalita kaya nagkatinginan kami ulit. I blinked. “Oh? magkasama kayo?” rinig kog sabi ni Alex sa likuran ko. My cheeks heated. Binaba ko ang tingin sa kanyang kamay na nakahawak sa braso ko. Gabriel noticed it too. Agad-agad niyang inalis ang pagkakahawak niya sa akin. I leaned backward. Binalik ko ang aking paa sa loob nang tricycle. I didn’t say anything kasi ano ba ang sasabihin ko sa harap nang kaibigan ni Gabriel? Hindi naman kami close. Tsaka wala naman akong dapat sabihin pa. Umayos ako sa pag kakaupo at hindi na pinansin ang dalawa. Alex goes in. Umupo siya sa may maliit na upuan. Sa likod niya si Manong driver habang sa harapan niya ang labasan nang tricycle. He grab the hand holder para hindi siya matumba. “Maaga ka yata?” tanong ni Gabriel kay Alex. Hindi man lang sinagot ang tanong nang kaibigan. Nilingon ko silang dalawa. Alex teasingly smirk to Gabriel as he looks to my way and back to his friend. Para silang may sariling mundo dahil sa tinginan nila. I averted my gaze. Ramdam ko ang pag iinit muli nang aking pisngi dahil sa nasaksihan. Hindi man nila sabihin, alam ko na kung ano ang ibig sabihin nang tingin ni Alex. This brute really thinks there is something going on between me and his friend? He really has the gut to tease him? “Pinapa-aga tayo ni Hannah na pumasok ngayon. Gagawa pa daw tayo nang bulletin board.” rinig kong sagot ni Alex. The two of them continued to talk and I silently eavesdropping. Wala naman akong choice dahil kami lang ang pasahero sa tricycle. Hindi rin nag pa music si Manong driver at ang lakas pa nang boses ni Alex. Huminto rin ang tricycle sa tapat nang eskwelahan namin. At dahil maaga pa, wala pang masyadong estudyante na pumapasok sa gate. Naunang lumabas si Alex. Hinintay ko munang makaalis siya bago ako gumalaw para rin lumabas. I stopped halfway when I saw Gabriel’s hands on the top edge of the tricycle’s roof. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya. He did it so naturally. It was like that move was already planted on his hand to move like that. I really would like to ask him why he always do that. Pero pinili ko nalang ang manahimik at nagpatuloy sa pag labas. Sumunod din siya pagkatapos ko. I searched my wallet in my bag to get my own fare. Ganon din ang ginawa nang dalawa. “Bayad po manong,” Napatingin ako kay Gabriel nang naglahad siya nang pera. He was holding a fifty peso bill. Para tuloy akong na pressure dahil magbabayad na siya at tapos may mga estudyante na ring nag sisimula nang dumating. Mabuti nalang talaga at nakapa ko na ang wallet sa bag. “Hala dong, wala akong panukli pa sa’yo. Kayo kasi ang una kong pasahero sa araw na ito.” sagot ni manong. I quickly searched for my coins when I heard him say that. Oo nga naman, dapat talaga barya lang sa umaga. “Ayos lang, Manong. Sa aming tatlo na po iyan and keep the change.” sagot ni Gabriel. Agad akong napatingin sa kanya. My lips parted when I heard it. Ano daw? Alex, being a playful person as he is, he immediately wrapped his arms on his friends shoulder. “Ito talaga ang gusto ko sa’yo e. Ganyan dapat, feeling rich kid. Keep the change,” tawa niya. Natawa rin si Gabriel. The Manong Driver thanked him for it. Hinila naman ni Alex si Gabriel papalakad papasok sa eskwelahan habang naka akbay pa rin. I stood there dumb fooled. Dapat ba akong mag Thank you?! Paano?! I quickly fixed my bag and tried myself to caught up with their pace. Ngunit agad din akong natigilan nang makarating sa id checker sa gate. The guard was still checking my bag while the two was already on their way to our building stairwell. Nang matapos ang guard ay tinap ko muna ang id ko for attendance bago tumakbo patungo sa kanila. It won’t be weird to say thank you, right? atsaka, bakit ba ang tataas nang legs nang dalawang ‘to? Ang lalaki nang hakbang eh. Wala pang alas syete nang umaga kaya hindi pa gaano mainit ang sinag nang araw. Malamig din ang simoy nang hangin ngunit dahil sa ginagawa kong paghabol sa dalawa ay maaga pa lang, pinagpapawisan na ako! “Sandali!” The two halted. Nasa pangalawang palapag na sila nang building pa-akyat na sana sa pangatlo habang ako ay patungo pa lang sa pangalawang palapag. The two glanced at me. Napahawak ako sa railings nang hagdan habang pilit na hinahabol ang hininga. “Bakit?” tanong ni Alex. Saglit akong napatingin kay Alex na ngayon ay ibinaba ang pagkaka-akbay niya kay Gabriel. Binalingan ko nang tingin si Gabriel na ngayon ay tahimik lang at nakatitig sa akin. Huminga ako nang malalim. Kami lang tatlo ang nandito. Maybe there are other students pero wala sila sa bahagi nang building na ito ngayon. I slowly start climbing towards them. Surprisingly, Gabriel slowly meet me half way. Bumaba siya habang ako ay papaakyat. His brown eyes glimmers because of the sunlight. Mas lalo itong nahahalata. Pareho kaming huminto sa pangalawang palapag. Napalunok ako nang nagkaharap na kami. I suddenly got conscious with my look. Ramdam na ramdam ko ang pawis sa noo ko dahil sa ginawa kong pagtakbo. I shouldn’t have run! Dapat ay naglakad nalang ako at tinawag sila kung alam ko rin naman na lilingonin nila ako agad! Hindi ako nagsalita. Agad ko kinuha ang pangbayad ko sana sa tricycle at inilahad sa harapan niya. “Bayad ko,” sabi ko. Mula sa mukha ko, dahan-dahang binaba ni Gabriel ang mata niya. He then stared at it for a few seconds. “Huwag na.” sagot niya. Umiling ako. “Sige na,” pilit ko pa at humakbang papalapit sa kanya para ibigay iyon. Pero dahil sa ginawa ko, umatras siya upang iwasan iyon. Nairita tuloy ako! I just want to repay him! Hindi naman kami close para ilibre niya! “Ayos lang…Gab.” marahan niyang sabi. “Tss. Kunin mo na,” “Hindi na—“ “Alam niyo,” Napahinto kami ni Gabriel at sabay napatingin kay Alex na nakapamulsa habang pinagmamasdan kami. Kinamot niya ang likod nang ulo niya. “Para kayong tanga diyan. Just say, ‘Thank you’ Gabriella. Buraot ang isang ‘yan. Once in a blue moon lang kung manglibre,” napatawa si Alex. Kumunot ang noo ko. Gabriel cursed his friend but Alex just laugh it off. Ang iritadong mukha ni Gabriel ay nagbago bigla nang nilingon niya ulit ako. From being irritated his face turned smiley. Para bang mabait. Parang hindi nagmumura kanina. He shyly smile. “Ano…” he paused. “Ayos lang talaga…Gabriella. Ayos lang.” ulit niya pa. Kumurap ako. Nakakahiya. Tinawag ko pa talaga sila tapos ayos lang pala? Nilahad ko pa talaga ang bayad ko pero hindi rin kukunin? I glanced at my hand. Dahan-dahan kong binaba ang kamay. “I hate being indebted” bulong ko. “Ayos lang talaga…” he said again. Tumango ako. Sige, sa susunod na magkakasabay kami sa Tricycle, ako ang magbabayad sa kanya. I licked my lowerlips. Yumuko nalang ako. Ito talaga ‘yung mga panahon na napapawish ka nalang na sana hindi mo na ginawa ang bagay na ginawa mo. I could have just shrugged it off, right? Nagmumukha tuloy akong papansin? I immediately shoo away my thoughts. Anong papansin? My thoughts are even more embarrassing than actions! I felt a strong but gentle hands patted and caressed my hair. Halos mapatalon ako sa gulat dahil doon. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Gabriel na nakangiti. He wasn’t showing his teeth. He was just simply smiling. My lips parted. “Ayos lang talaga, Gabriella. Ayos lang,” pagkukumbinsi niya sa akin. I blinked. He caressed my hair for a few seconds bago niya inalis ang kamay sa buhok ko. Alex whistled from the background. Napapikit nang mariin si Gabriel bago nilingon ang kaibigan at sinamaan ito nang tingin. I didn’t saw what Alex did. I simply heard him saying, “Diskarte pa,” in the background. Gabriel went to him. Sinundan ko lang siya nang tingin. Alex wiggled his eyebrow and Gabriel whispered things to him that makes him tease his friend more. Umiwas ako nang tingin at humakbang papaalis. “Ah…” panimula ko. Nilingon nila ako. “Salamat ulit,” Gabriel smile. “Una na kami,” Tumango ako. “Bye, Gab!” may panghahalong asar na sabi ni Alex at kumaway. Gabriel forcedly dragged his friend collar away. Lumingon pa ulit si Alex sa akin para bigyan ako nang nakakalokong ngiti at kaway bago sila tuluyang nawala sa harapan ko. Nanatili akong nakatayo. That was quite a…surprise. Napailing nalang ako at naglakad patungo sa classroom ko. For years of knowing him and for months of hearing that he likes me…ito yata ang unang pagkakataon na nagkausap kami nang ganon katagal. I bit my lowerlips. Ako pa talaga ang nauna kumausap. Muli akong napailing. So much more for a morning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD