CHAPTER 24

1132 Words
"The King's Saviour is here." Napatayo mula sa kaniyang upuan si Timothy sa narinig na balita ng kaniyang tauhan. Kumakabog ang dibdib niya at sa unang pagkakataon ay hindi niya mawari ang gagawin sa mga panahong iyon. Hindi pa nakakasagot si Timothy ng may limang indibidwal na pumasok sa bulwagan. Ang lalaking may malaking katawan at kulay kahel na buhok, si Burrow; ang lalaking matangkad at payat na may mahabang kulay pulang buhok, si Orlan; ang lalaking may kulay pilak na mga buhok at kulay pulang mga mata, si Silver; ang babaeng may pilak na mga buhok at kulay gintong mga mata, si Sera; at ang matangkad na lalaking may mahabang kulay pula't itim na buhok at itim na itim na mga mata, ang kanilang pinuno— si Dark. Napaatras si Crow ng makita niya si Silver at Dark. "Deity Chrys? Dark?" Bulong niya. Nilingon niya si Timothy at doon niya nakumpirma ang hinala niya. Ang limang ito kasama na ang amain ni Harrier ay ang mga pinuno ng King's Saviour. "Queen Lisorette confirmed to me that, there is no royalty from Heaven Realm went down the Mortal Realm especially in this secluded area." Matalim na tinitigan ni Dark si Timothy na nakatayo sa kaniyang harapan. Napagdugtong-dugtong na niya ang lahat. Ang pagkawala ng prinsesa, ang pagsulpot ni 'Chrys' sa buhay ni Harriet, ang desperasyon ni Timothy sa paghahanap kay Harriet, ang pag-alis nito at ang takot sa mga mukha ni Timothy. "Where is the Princess?!" Dumagundong ang boses ni Dark sa buong bulwagan. Nalipat kay Crow ang tingin niya at sinenyasan si Orlan na kunin ito. Agad na tumalima si Orlan at agad na nakuha si Crow na hindi handa sa biglang pag-atake nito. "Where is my Princess?!" Tanong niya kay Crow. Naguguluhan si Crow sa sinasabi nito. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ni Orlan pero sa halip na makawala, lalo siyang hindi nakagalaw ng ipulupot ni Orlan ang ahas niyang buntot sa binata. "What do you want? Let the man go and we talk!" Naguguluhang pakiusap ni Timothy. Sinenyasan ni Dark si Orlan na luwagan ang pagkakahawak kay Crow. Hinarap niya si Timothy at saka inutusan si Sera na kumilos para hanapin si Hera na tumayong ina ni Harriet. Agad itong kumilos, walang nangahas na harangan ito dahil kumpara sa mga demi-human, walang makakapantay sa lakas at bilis ni Sera na puro ang dugo bilang anak ng kadiliman. "Then, talk. Where is the Princess? My princess!" Binigyang diin ni Dark ang huling dalawang salita habang nagbabaga sa galit ang kaniyang mga mata. "Deity Chrys! What's happening?!" Nalilitong tanong ni Crow kay Silver. "I am not Chrys. My name is Silver." Malamig na tugon nito. Napansin ni Crow ang patusok nitong mga tenga tulad ng kay Harriet. At doon niya napagtanto na ang mga ito ay kalahi ni Harriet. Gustuhin man niyang sabihin ang lokasyon ni Harriet. Hindi niya iyon magawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang nagtatangka sa buhay ni Harriet. At hindi niya kayang baliin ang kaniyang pangako sa dalaga. Ayaw niyang biguin ito at malagay na naman sa panganib ang buhay nito. "Who's Princess?" Pagtanggi ni Timothy. Tiim-bagang na nilapitan ni Dark ang matanda. Sa bawat paghakbang niya ay siyang pag-atras ng huli. "Who the hell are you to retaliate in my territory?!" Tanong ni Timothy. "I am Dark. The third Prince of the Underworld Realm. And the leader of the King's Saviour who manages the 667 areas in Mortal Realm. You, Timothy Top abducted my fiancée, the Heaven Realm's Princess eighteen Mortal Realm's years ago!" Pakilala ni Dark kay Timothy na narinig ni Crow ng malinaw. Hindi akalain ni Crow na ang lalaking karibal niya sa atensyon ni Harriet ay prinsipe ng Underworld Realm. "Do you know that by abducting the Princess, you're now the number one enemy of the two Immortal Realms?" Tanong ni Dark. "Wh-who is the Princess? I-I don't know what you are saying!" Matigas na tanggi ni Timothy. Saktong pagpasok ni Hera at Sera sa bulwagan. Nanlaki ang mga mata ni Timothy ng makita ang dating kinakasama. "Let that kid go, Timothy! You killed our daughter twenty years ago! Face the truth that you are the one who killed her!" Sigaw ni Hera may Timothy. "She looks like our little Henrietta. I am depressed for what have happened to her when she was killed by the calamity occurred in Area 666. I was devastated and desperate to look for my baby's face that's why I take good care of the kid you brought back. Because I thought that she is the reincarnation of my daughter. But who would have thought that the kid you brought back to me is the Heaven Realm's Princess Harriet?! You're such a jerk Timothy! I hate you!" Pagpapatuloy ni Hera. Nanigas si Timothy sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya matanggap hanggang ngayon ang katotohanan na dahil sa kaniyang kapabayaan noon, namatay ang kaniyang anak na si Henrietta. Sa halip na tanggapin ang mapait na katotohanan, dinukot niya ang batang prinsesa mula sa hardin ng palasyo ng Heaven Realm sa pag-aakalang ito ang anak niya. At dinala iyon sa Area 666 para palakihin at alagaan. Pero, hindi niya talaga alam na si Harriet ay ang prinsesa ng Heaven Realm. Ang akala niya ay iyon ang anak niya na napunta sa Heaven Realm matapos ang kaniyang kamatayan. "No! You are lying! She is my Henrietta! She is my daughter and no one can take my child away!" Nasisiraan ng sigaw niya. "You hid her from her home. You're despicable, President." Bulong ni Crow. "What are you saying?" Naguguluhang tanong ni Timothy. "Do you know how she suffered? Do you know what obstacles Harriet faced to know the answers of her sudden transformations? Do you know how she suffered alone while we can only watch and feel pain while her blood is like a stream from her body and her scream that shattered our hearts? Do you know ho scared she is when she called me last six nights in the middle of the night?! She is scared and shaking while telling me that someone wants her dead! You despicable old man! You don't deserve to be called a father!" Sa unang pagkakataon, lumuha si Crow habang binabalikan ang mga alaala ni Harriet. Natahimik ang lahat maging si Dark. "Who wants her dead?" Tanong niya. Tiningnan ni Crow si Dark at saka sinabing, "ask her yourself." Matapos ang tagpong iyon, ang lahat ng mga tauhan ni Timothy at maging ang mga berserk beasts ay nangamatay sa kamay ng King's Saviour. Ang mga demi-humans ay dinala sa Underworld Realm. At ang mga natitirang tao sa Area 666 ay nagsimulang magdiwang sa kalayaang kanilang natamasa ng gabing iyon. Ang kalayaan na hinihiling at pinapangarap ng Prinsesa ng Heaven's Realm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD