CHAPTER 15

1289 Words
Kinabukasan, nagising si Harriet sa nadaramang sakit na nagmumula sa kaniyang tenga. Hindi niya mawari ang gagawin sa mga sandaling iyon. Gustuhin niya man na sumigaw dahil sa sakit, pinigilan niya iyon sa takot na baka magising niya ang natutulog pang si Crow. Ang sakit na nadarama niya ay dumaloy hanggang sa kaniyang kaibuturan na halos gustuhin na niyang tapusin ang kaniyang buhay. Ngayon pa lamang siya nakaramdam ng ganuong hirap at sakit. Naalala niya ang kaniyang Master na buong ingat siyang inalagaan at inilayo sa lahat ng sakit na maaari niyang matamasa. Sa panahong iyon ng kaniyang buhay, gusto na niyang tumakbo pabalik sa templo pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. 'Kung hindi ko malalagpasan ang sakit at paghihirap na ito. Hindi ako karapat-dapat na bumalik sa tabi ng Master ko.' Sa isip niya kaya naman nagpunta siya sa banyo ng kaniyang kwarto at kinulong ang sarili doon. Nilublob niya ang kaniyang katawan na nanlalagkit na sa pawis sa malamig na tubig. Saglit pa ay nahimasmasan na siya at handa ng umahon pero sa sandaling lumabas mula sa malamig na tubig ang kaniyang katawan ay nagbabalik ang init, hapdi at sakit na kaniyang pilit na tinatakasan. Sunud-sunod na katok ang umaalingawngaw sa loob ng kaniyang banyo. Sigaw at tawag ni Crow sa kaniyang pangalan ang paulit-ulit na naririnig niya. Pero gustuhin man niyang umahon, hindi niya iyon magawa. Hindi niya alam kung paanong nakakahinga siya sa ilalim ng tubig. Pero hindi na niya naisip pa kung ano ang dahilan noon at nanatili lang siyang nakalubog sa malamig na tubig. Kada limang minuto'y nawawala ang lamig niyon kaya naman kada tataas ang temperatura niyon ay agad niyang pinabababa sa pamamagitan ng pagbukas ng gripo. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naroroon. Pero hindi kumulubot ang balat miya na tila ba normal lang ang pagbababad niyang iyon. Kaya naman, napagdesisyunan na lamang niya na matulog na lamang sa ilalim ng malamig na tubig. Dumating ang kinagabihan at nawala na ang sakit na nadarama ni Harriet. Umahon siya sa tubig at nagtapis ng tuwalya. Pero sa pagharap niya sa salamin, nanlaki ang mga mata niya sa pagbabago ng itsura niya. "Anong nangyari? A-ano ito?" Tanong niya sa kaniyang sarili habang hinahawakan niya ang kaniyang tenga. Ang tenga niya na pangtao ay humaba at tumulis. Naisip niya na baka may nakain lamang siya o kaya ay may nahawakan kaya nagkaganoon siya. Napaisip siya kung anong gagawin pero naalala niyang nasa bahay pa niya si Crow. "Pag nakita ito ni Crow... Matatakot siya sa akin panigurado." Mangiyak-ngiyak na kausap ni Harriet sa sarili. Napaupo si Harriet sa sulok at saka inabot ang cellphone niya na nakapatong sa lababo. Nanginginig ang kamay na pinindot niya ang numero ni Chrys na sa kasalukuya'y nagbabasa sa kaniyang kwarto. "Hello?" Nangunot ang noo ni Chrys ng mapansin ang nanginginig na boses mula sa kabilang linya. Tiningnan niya ang pangalan ng tumawag at lalong lumalim ang pagkakunot ng noo niya. "Harriet? What's happening to you? What happened to you?" Nag-aalalang sunud-sunod na tanong ni Chrys. "M-master. P-please tell me that I'm not a b-beast! T-tell me!" Kasunod nu'n ay ang malakas na paghagulgol ni Harriet. Kinabahan si Chrys at agad na bumangon at gumayak para magpunta sa bahay ng kaniyang pinakamamahal na anak-anakan. Ang singkit at nakasara niyang mga mata ay bumukas na naging dahilan para lumabas ang kulay pula niyang mga mata. Hindi niya inaasahan na ngayon darating ang araw na iyon. "No, baby. You're not. Tell me what happened to you. I'm on my way now." Tago ang kaba na lumulukob sa kaniyang dibdib, pilit niyang pinatatag ang kaniyang boses mabigyan lamang ng mumunting lakas ang babae sa kabilang linya. "M-my ears. M-my ears turned weird. Please Master! Rescue me. Crow will be afraid of me." Halata sa boses ni Harriet ang labis na takot sa biglaang mga pagbabago sa kaniya na nadarama ng lalaki sa kabilang linya. "I'm on my way. Don't worry. I'll handle him." Matatag na pagtatapos ni Chrys sa tawag. Samantala, hindi makaalis si Crow sa sobrang pag-aalala kay Harriet na mula pa ng umaga ay nakakulong na sa kaniyang banyo. Gustuhin man niya na pumasok para harapin ito, hindi niya iyon magawa sa takot na baka iba ang maisip ng dalagita. Kaya naman, nakaupo lang siya sa sahig sa may pintuan ng kwarto nito sa ikatlong palapag. Umaasa na lalabas rin si Harriet. Nagluto siya ng pagkain para rito. Pero tulad ng nu'ng umaga, hindi din ito lumabas sa kaniyang kwarto. Labis na siyang nag-aalala para dito at tatawagan sana si Chrys ng makita niya ito mula sa unang palapag na tila ba nagmamadali. Hinarap siya nito at kalmadong kinausap. "I don't want to be rude to you, Crow." Natigilan si Crow sa tono ng pananalita nito. Hindi ito ang Chrys na nauna niyang nakita. At ang mga mata nito na noo'y nakasara, ay nakatingin sa kaniya. "But, you need to avoid my little Harriet from now on." Pagpapatuloy nito. "Why? What did I do to her for you to... Wait! Did something happened to her?" Nag-aalalang tanong ni Crow. "If you want to live a normal life like you have before meeting Harriet, you better leave now. Or else, I can't promise you your future." Kalmado nitong paliwanag. Pero ramdam ni Crow na ang pagpapaliwanag na iyon ay hindi pagpapaliwanag kundi banta. Ngayon lamang siya nakaramdam na parang wala siyang halaga o wala siyang magagawa. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas para manatili sa tabi ni Harriet. Pakiramdam niya ay mahina siya na maging sa amain nito ay natatakot siya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Chrys at sa pintuan ng kwarto ni Harriet. Nagdadalawang-isip siya pero nang marinig niya ang sigaw ni Harriet mula sa kwarto nito, wala siyang nagawa kundi ang hayaang bumagsak ang kaniyang mga balikat. "You mean, I can never see her again?" Tanong niya. Ayaw niyang umalis pero kung para sa ikagagaan ng kalagayan ni Harriet ang pag-alis niya, kailangan niyang magdesisyon na... "She can still work with you and study. But she can only stay here in her house until she get better." Paliwanag ni Chrys. Naramdaman ni Crow ang pag-asa sa likod ng madilim na daan sa mga sinabi ni Chrys. May pag-asa pa siya. Makikita niya pa ulit si Harriet. Agad na nagpaalam si Crow at nagsabing magdadala pa rin siya ng suplay para kay Harriet lalo na at hindi na ito lalabas mula sa araw na iyon. Walang sinagot si Chrys at pinanood lamang si Crow na umalis sa bahay. Agad niyang pinasok ang kwartk ni Harriet at doon niya nakita ang anak-anakan na nanginginig sa takot habang umaagos ang masaganang luha sa kaniyang mga mata. Paulit-ulit nitong sinasabing, "I am not a beast. I am not a beast. I am not a beast!" Pakiramdam ni Chrys ay parang niyuyupi ang kaniyang puso sa tagpong iyon. Agad niyang niyakap ang anak-anakan na minahal niya at inalagaan sa loob ng labing-limang taon. Nang maramdaman ni Harriet ang mapagmahal na yakap ng kaniyang amain ay agad niya itong niyakap ng mahigpit an tila ba anumang oras na mawaglit siya ay iiwanan na naman siya nitong mag-isa. Nagtagal sila sa ganoong posisyon hanggang sa mawalan na ng malay si Harriet. Dinala ni Chrys si Harriet sa loob ng banyo at maingat na binihisan. Pinagmasdan niya ang noo'y bata na palaging nakakapit sa kaniya sa tuwing aalis siya sa templo. Ngayon ay isa ng magandang babae na unti-unti ng nagbabago sa tunay niyang anyo. Maingat niyang nilapag ang dalaga sa kaniyang higaan at bago pa niya ito iwan, pinababa niya ang temperatura sa loob ng silid nito na halos binabalutan na ng yelo. "You need this to survive your transformation. Sleep well, my princess."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD