CHAPTER 16

1325 Words
Mabilis na lumipas ang isang buwan, ikalawa at ikatlo. Nanatiling tahimik si Harriet na ikinabahala na ni Crow. Ilang beses na siyang sumubok na bisitahin ito pero hinaharang siya ni Chrys at pinagbabawalan. Lagi niyang sinasabi sa binata na maayos lang si Harriet at ayaw makipagkita sa kanino man. Pero ang totoo ay nasa loob lang ito ng nagyeyelong silid. Nagdaan ang isa na namang buwan at laking gulat ni Crow na sa wakas ay nagparamdam na si Harriet sa pamamagitan ng pagpasa ng kabuuan ng nobela na isinusulat nito. Nakausap niya din ito sa telepono na lalong nagpagaan ng kalooban niya. "At last. I can rest assured that she is fine now." Bulong ni Crow sa sarili. Bumalik sa dating sigla si Crow na napansin ng mga katrabaho niya. Masaya sila na makitang masigla na muli si Crow matapos ang apat na buwan. Patuloy na tumataas ang benta ng libro ni Harriet na umabot sa puntong sumikat ito. Hindi makapaniwala ang kompanya gayundin si Harriet na nasanay na sa kaniyang pagbabago. Inimbitahan siya ng Top's Development Inc. para sa opisyal na kilalanin ang nakamit na karangalan ni Harriet sa larangan ng literatura. Harriet gave up on the idea of avoiding everyone. She wore a white long dress that paired with a pair of white stilettos. She tied her curly bloody red hair into a ponytail with some strands that made it more regal and elegant. With a light make up and a slight smile. She let everyone see her changes that made everyone shock. She held her high up and put on a cold face while walking with her Master down the aisle. Even Timothy is stunned for the changes of the woman who is used to have a normal ears. But now, the woman in front of me has a pointed ears like... Some says that she's also become a demi-human. Some says that she is so beautiful to be a berserk beast. But everyone only thought of one thing; she is beautiful and regal. Chrys who is walking beside her is proud of his adopted daughter. No one knew even himself that she will be acknowledged like this. But he also knew one thing. And that 'thing' is making him feel fury. Crow, as well as her colleagues are surprised to see that after four months of disappearance and seclusion, he will see the new version of Harriet. But his emotions subsides yet feel another surge of strong feelings when he saw a man with long black-red hair run to accompany Harriet, too. Harriet looks shocked to see the man beside her. She looked at her Master yet she didn't saw any emotions. She let Dark accompany her in front of the man she hated the most, the murderer of the human existence— President Timothy Top. "You look regal tonight, Ms. Oxford. Thank you for coming with short notice." Timothy said while offering his hand toward Harriet. Bahagyang tumango si Harriet bilang kasagutan at saka tiningnan muli si Chrys na tumango lang rin bilang pagbibigay ng pahintulot kay Harriet. Ipinatong ni Harriet ang kaniyang kamay sa nakalahad na kamay ni Timothy. Naningkit ang kaniyang mga mata ng halikan nito ang likod ng kaniyang kamay bago akayin paakyat sa entablado na nakatayo sa gitna. "Ladies and gentlemen, I have two announcements to make for tonight. But before that, I would like to thank you for attending this celebration with further notice. As you can still remember. There is a writer that made a sensation. I would like to give this recognition to Ms. Oxford for your outstanding performance as a novel writer under Rhys Publishing House. You made our Area have hope despite of our current state of situation. We owe you this." Inabot ni Timothy ang isang plake na naglalaman ng pagkilala kay Harriet. Inabot niya iyon kay Harriet. Pero, ng maabot na iyon ni Harriet, natigilan ito ng basahin niya ang pangalan na nakalagay. "Henrietta Oxford... Top?" Nanlalaki ang mga mata ni Harriet ng basahin niya ang pangalan niya na nakaukit sa malamig na plake. Napatingin siya kay Timothy na nakatingin sa kaniya ng buong galak. Pero kabaliktaran nito ang sa iba. Sila ay nagulat sa kanilang natuklasan na inaasahan na ni Timothy nu'ng umpisa pa lang. Balak na niya talagang ipakilala ang nawawala niyang anak— si Henrietta. "I want to announce you another thing. I have a daughter that I lost for seventeen years. And now, I finally meet her once again. I have no intention of letting her go. My daughter, my princess, Henrietta Oxford Top." Nakangiting anunsyo ni Timothy. Nanigas si Harriet sa kaniyang kinatatayuan. Napatingin siya sa lahat. Nanlalamig siya at kasabay ang pag-init ng kaniyang katawan. Nagbabalik na naman ang sakit na apat na buwan na siyang pinahihirap. Matagal na siyang nasa labas ng kwarto niyang puro yelo. Kailangan na niyang umuwi para hindi na maulit ang mga nangyari nang umpisa. Nag-iinit ang kaniyang mga mata at tila ba may lumalabas dito na hindi niya kinakayang tiisin dahil sa hapdi na nadarama. Pilit niyang tinanggal ang kamay ni Timothy na nakahawak sa kaniya. Pilit niya ding inaabot si Chrys na nagmamadali rin na siya ay abutin. Napasinghap ang lahat ng makita ang dugo na dumadaloy mula sa mga mata ni Harriet. Lahat sila ay nagsilayuan at natatakot pero wala rin sa kanila ang may magawa maliban kay Chrys na nangangalaga sa dalagita. Nabalot ng nakakabulag na kulay pula ang paligid ni Harriet. Nabalot na naman siya ng takot at mabilis na hinablot ang kamay ni Chrys para mapawi man lang ang takor niya sa lahat ng nasa kapaligiran. Alam niya na pagkatapos ng gabing iyon, magbabago na ang kaniyang buhay. Gusto niyang takasan iyon pero wala siyang magawa lalo na ng umabot sa kaniyang puso ang init na nagpapahirap sa kaniya noon pa man. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa kaniyang bibig na nagpagimbal maski kay Timothy. Wala siyang magawa kundi ang pagbawalan ang lahat na lumabas. Inutusan niya ang mga tauhan na protektahan ang kaniyang anak pauwi sa bahay nito sa Blood Moon Lane. Hanggang sa huli, wala siyang magawa para sa pinakamamahal niyang anak. Nanghihina pero binabawi ng init ang nadarama ng dalagita. Sa pag-alis nila sa gusaling iyon, ay ang pamamaalam niya bilang isang manunulat na noon pa niya pinapangarap. Sa pag-alis nilang iyon sa gitna ng entablado ay ang pamamaalam niya bilang Oxford. Dahil kung totoo man ang sinabi ni Timothy, mas pipiliin niyang kitilin ang buhay niya kaysa sa maging isa siyang Top na isang makasalanan at mamamatay-tao. Hindi maintindihan ni Crow ang kaniyang nararamdaman sa sandaling iyon. Pinanuod niya lang si Chrys na iuwi si Harriet pabalik sa kaniyang tahanan kasama ang mga tauhan ni Timothy Top. Masaya siya na nahanap na ni Harriet ang tunay niyang ama. Nalulungkot siya dahil ang ama pala nito ay ang taong pinakamumuhian niya. Natatakot siya para sa kalagayan ni Harriet. At nagtataka siya kung paano at ano ang nangyayari kay Harriet. Sa kalagitnaan kasi ng pagsasalita ni Timothy ay nakita na niya ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Harriet. Hindi niya mawari anuman ang nakita niya. Pero matapos sabihin ni Timothy ang kaniyang pangungusap, bigla na lang umagos ang masaganang dugo sa mga mata nito. At sa unang tingin pa lamang ni Crow, alam niya na nasasaktan si Harriet. "That scream of her is the scream I heard from her four months ago." Konklusyon niya. Doon niya napagtanto na ang dahilan pala ng paglayo sa kaniya ni Harriet ay ang bagay na ito. Pero... Paanong nangyari sa kaniya ito? "I advise you to get away from her from now on." Narinig niyang sabi ng isang boses mula sa kaniyang tabi. Nilingon niya iyon at nakita ang paalis na bulto ng lalaking kaninang kasama ni Harriet. Lalong bumaha ng katanungan ang isipan ni Crow. Ni hindi niya alam kung kailan iyon masasagot. O kung masasagot man ba ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD