"Say Master. What kind of hubby do you want?" Biglang tanong ng isa sa mga batang tinuturuan ni Harriet.
'Hmm. Ano nga ba?' Sa isip niya habang nakatingin sa bata.
Sa tagal ng pag-iisip niya at panunuod at paghihintay ng mga tagapakinig niya, nagkibit-balikat lamang siya bilang kasagutan.
"You are still small kids yet you are good at teasing your teacher?" Kunwari'y nagagalit na puna niya sa bata.
‘Malawak’ ang pang-unawa ng mga ito kaya naman sa halip na humingi ng kapatawaran, lalo siyang tinukso ng mga ito.
"We heard that the black-red haired man likes teacher. Why not choosing her as your hubby?" Tanong ni Samantha.
Ngumuso si Harriet dito at mahinang pinitik ang tungki ng ilong ng bata. "I am too young to think about having a husband."
"How about making a lot of babies with the City Lord?" Halos mabilaukan si Harriet sa kaniyang narinig.
"Who taught you that? I never taught you such stuffs." Hindi makapaniwalang tanong niya kay Kyle.
"You said you like children. That's why we are asking you. Why not make your own children?" Paliwanag ni Kyle sa guro.
"Maybe she likes the City Lord of Area 666. I heard he is Master's friend." Sabat naman ni Olivia.
Napatampal na lang sa noo si Harriet sa naging usapan at diskusyon ng mga bata.
"How about the Immortal Steven? He is also handsome!" Ani Raquel.
'The hell?!' Hindi makapaniwalang napatingin si Harriet kay Raquel.
"Maybe Brother Louie is the one Master likes." Sabad naman ni Tommy.
'Ayoko na! Uuwi na ako.'
"Stop discussing stuffs like that. You are too young to know such things." Namumulang saway niya sa mga bata.
"But... We wants to take good care of your future children, Master. In that way, we can repay all the knowledge and kindness you gave us!" Lumambot ang mukha ni Harriet sa sinabi ni Kyle.
"Yeah! And also, we can marry them." Biglang nagbago ang mukha ni Harriet sa sinabi ni Tommy.
"How come you came up with such ideas? And you are pairing me with five men!" Hindi pa rin makapaniwala si Harriet sa naririnig sa mga estudyante. Habang inaalala ang mga sinabi nito, lalong tumitindi ang pamumula ng kaniyang mukha.
"But... You are so beautiful, Master. It's just a pity that I am still little. Or else I can be your hubby instead." Naiiling na hinawakan ni Harriet ang tuktok ng ulo ni Tommy.
"You're flattering me. I am not the most beautiful woman living. Have you forgotten your teacher's mother? If I look like this, then teacher's mother is prettier than me, right?"
"No! You are the most beautiful in our eyes!"
"You are also very kind!"
"Very powerful!"
"You are perfect no matter what. And we love you, Master."
Hindi na namalayan ni Harriet na umiiyak na pala siya dahil sa sobrang kasiyahan. Niyakap niya ang mga bata at hinalikan ang mga ulo nila.
Ngayon pa lang niya narinig ang salitang iyon sa tanang buhay niya. Hindi niya makakalimutan ang mga sandaling ito hanggang sa lagutan siya ng hininga.
Samantala, nakangiting pinapanuod nina Silver, Louie, Evans, Dark at Crow ang mga iyon. Lubos silang nagagalak dahil sa wakas, nakita na nila ang pinakamagandang ngiti ng minamahal nilang dalaga.
Habang lumilipad sa alapaap, lahat ng halaman, puno, kahoy, tubig at lupa ay namumukadkad at lumulusog. Sa bawat paggalaw niya ay para bang maging ang hangin ay lumalamig at sumasabay sa pag-indayog ng puting pakpak ni Harriet.
Lahat ng nakakakita nito ay nagkakaroon ng kalmadong isipan at bukas na puso na nakakakatulong sa kanila at sa kalikasan. Ang saya na dala ni Harriet ay malaki ang epekto sa buong siyudad na nasasakupan ng pamumuno ni Evans.
Nakadungaw sa bintana si Evans. Nakamasid siya sa dalaga na nakagawian ng lumipad tuwing umaga. Kumikinang ang kaniyang mga mata habang pinapanuod niya si Harriet na ibalanse ang kalikasan sa pamamagitan ng kaniyang paglipad.
Nakita siya ni Harriet at agad na bumulusok siya pababa sa entrada ng mansyon ni Evans. Nakita iyon ni Evans at sa pagtayo niya, narinig niya ang doorbell ng mansyon na agad niyang pinuntahan.
"Good morning." Pagbati ni Harriet sa kaniya.
Nakasuot ito ng kulay puting bestida na abot hanggang sa itaas ng kaniyang tuhod. May tila ba siyam na buntot ito sa kaniyang likod na ngayon lamang nakita ni Evans. Hindi kasi halata ang kaibahan nito dahil para itong parte ng kaniyang kasuotan.
Para itong buntot ng mga peacock na tulad niya. Mas malalaki nga lang ang tila mata nito sa dulo na ikinabahala ni Evans.
"What's that?" Tanong ni Evans sa dalaga sa dala nitong basket na ngayon niya lang rin nakita.
"Breakfast for all of you." Nakangiting sagot ni Harriet.
Napansin ni Evans na medyo mabigat iyon kaya naman kinuha niya iyon mula sa kamay ng dalaga at inaya papasok sa kaniyang mansyon.
"I saw some chickens on the hill. I thought it was a bunch of rooster. But you know what they do when they saw me?"
"What?" Kuryosong tanong ni Evans.
"They suddenly become weird. They bowed down and gave me this eggs. I don't want to accept that but they let me saw more eggs in their nests. That's why, I accepted it. They seems to be friendly to me. But, it's still weird." Nakita ni Evans ang kakaibang reaksyon ni Harriet na naging dahilan para matawa siya.
"Hey Evans! Check if I have fever. Maybe I am hallucinating! I am a bird but not a chicken! But those chicken are so weird. They are giving me this treatment like I am the Queen of chicken!" Nagpapanic na kwento ni Harriet.
Lalong lumakas ang tawa ni Evans na naging dahilan para suntukin ni Harriet ang balikat nito ng mahina. "Meanie!"
Tiningnan ni Evans ang laman ng basket at nakita ang mga itlog sa loob. May nakita rin siya na iba't-ibang gulay sa loob na marahil ay ibinigay rin ng iba pang hayop sa burol.
Mangiyak-ngiyak si Harriet habang inaalala ang mga eksena.
Binigay ng mga manok ang mga itlog. Binigay ng mga kambing at kalabaw ang mga gulay. Binigay ng mga isda ang sarili nila. Pero ang pinakagrabe sa mga nangyari ay ang isang malaking ibon na lumilipad sa paligid niya na parang sumasayaw.
'Masisiraan na ba ako ng bait?' Tanong niya sa kaniyang sarili.
"That is an effect of your powers, Harriet. The chickens gave you eggs because the plants and grains they are eating is abundant because of your daily work for it to grow. The goats gave you vegetables because of the same reason. The fish gave you themselves as offering because you always bless the waters. And that damn bird is doing a mating dance. What the?! Tell me what it looks like and I will beat it to pulp next time!"
Natawa naman si Harriet sa huli nitong sinabi. Pero hindi siya makapaniwala na mating dance pala ang ginagawa ng ibon na nakita niya.
"Do you think that I will let you beat that up?! I will pluck every feathers it has and stew it after it turned to a pink skinned flesh!"
Nangilabot si Evans sa plano ni Harriet. Sa isip niya'y, hindi magandang galitin ng isang tulad niya si Harriet. Kung hindi, matutulad siya sa ibon na iyon.
"Hi Louie! Can you please help us cook these?" Tanong ni Harriet sa bagong dating.
"B-but I don't know how to cook." Nahihiyang sagot ni Louie.
"I will teach you. Hey Evans, it's your day off so you must help us up! Or else you will eat nothing and I will pluck your feathers." Pagbabanta ni Harriet.
Nangilabot muli si Evans. Pero kasabay ng mga salitang iyon ay ang pagbaba nina Crow, Silver at Dark na nanunuluyan pansamantala sa mansyon ni Evans.
"I'll help you." Sabay-sabay nilang sabi.
Nagkatinginan ang tatlo at makikita agad ang kompetisyon kina Dark at Crow pero hindi kay Silver na siyang nagturo kay Harriet.
"Master! Please help this pretty daughter of yours. Also... Help me vent my anger to a bird who made that damn mating dance this morning to me!" Hindi makakalimutan ni Harriet ang ibon na iyon.
"The hell?!" "What?!" "Oh shoot!" Sabay-sabay na naman nilang sabi.
Nag-unahan sina Dark at Crow sa paghahanap sa ibon sa labas ng mansyon samantalang si Silver ay naiwan at tinulungan sina Evans, Harriet at Louie sa pagluluto.
Napansin nila ang pagbabago ni Harriet. Mas mabilis iyon sa normal. Lumabas na ang buntot niya na bumabagay palagi sa damit niya. Mas humaba ang buhok nito na unti-unti na namang nagbabago ng kulay. Mula sa pula ay nagiging kulay pilak ito na nagsisimula na mula sa pinakadulo ng kaniyang buhok.
Hindi iyon napapansin ni Harriet dahil ang tanging gawain niya lang sa araw-araw ay ang maggala sa pamamagitan ng paglipad gamit ang kaniyang pakpak.
"You've grown up, my little Harriet." Puna ni Silver sa kaniya.
Tinalian ni Silver ang mahaba nitong buhok tulad ng ginagawa niya. Ginamit niya ang sarili niyang tali para ayusin ang buhok ng dalaga. Bilang ganti, nginitian siya ni Harriet at mabilis na hinalikan ang pisngi.
"Thank you, Master." Pasasalamat niya.
"For what?" Nagtatakang tanong ni Silver.
"You still brought me up even though I am not yours. You protected me and taught me everything I must know. I owe you a lot Master. I don't even know if I can still repay you."
"Silly girl. Just be well and remember your lost memories. That's all you can do for me. And your family."
"My family?" Nagtatakang tanong ni Harriet.
"Yeah. They will be looking forward to see the jade phoenix rise from you."
"Jade phoenix?"
"Yeah. Well, I'll tell you more of that later. Let us cook."
"Okay!"
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kusina. Dinagdagan pa ng kasiyahan ang pagdating nina Dark at Crow na may hawak na isang malaking ibon na halos kalbo na. Wala na halos itong balahibo ng makarating sa mansyon. At ng makita ng ibon si Harriet, tinawag niya ito at pilit na kumawala. Tumakbo ito papunta kay Harriet na abala naman sa pagluluto. Tila ba nagsusumbong ito, pero sa halip na mapansin siya ni Harriet, nagsimula na naman itong maglakad-takbo-lipad palayo sa apat na lalaki maliban kay Silver na abala naman sa pagtulong kay Harriet.
Matapos kumain, dahil sa pagod, nakatulog na lang si Harriet sa sala kung saan nama'y binabantayan siya ng lima.
"It's time for us to take action. She needs to remember those years." Biglang sabi ni Silver habang pinapanuod ang kaniyang alaga na mahimbing na natutulog.
"How can she remember that? You told me that when you met her, her memories are all gone." Tanong ni Dark.
"I investigated it and discovered that Timothy poisoned her. Only Timothy and the Underworld Realm Alchemists can only cure her." Sagot ni Silver.
Hindi maintindihan nila Evans at Steven ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero dahil sa sangkot si Harriet sa pinag-uusapan nila, pilit nilang inintindi iyon.
"How despicable! He claims that Harriet is his daughter. But he made this trick to keep her and made her his." Nanginginig sa galit na bulong ni Crow sa sarili.
"May we know what is the true identity of Harriet?" Tanong ni Steven.
Alam ni Steven na gusto rin ni Evans na tanungin iyon. Pero dahil sa takot sa magiging sagot ng mga ito, siya na lang ang nagprisinta na magtanong sa tatlo.
Tiningnan ni Silver sina Steven at Evans. Naiintindihan niya ang dalawa lalo na si Evans. Sino nga ba ang hindi mahuhulog kay Harriet?
"Harriet is the long lost Princess of Heaven Realm. The carrier of the Fate of Phoenix." Sagot ni Silver.
Hindi na nabigla pa si Evans. Pero ang hindi nila inaasahan ay ang isa pang boses na sumingit sa kanilang usapan.
"What a fake news." Lumingon sila sa pinanggalingan at nakita nila ang malamig na mga mata ni Harriet.
"Harriet!" Sabay-sabay nilang tawag sa pangalan ng dalaga.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Harriet sa anim na lalaki sa kaniyang harapan. Walang nagsalita sa mga ito kaya naman tumayo siya at naghanda sa pag-uwi sa bahay niya.
"If I really am the princess you are claiming to be. Prove it to me. Because I will never believe in something that even my own 'parents' didn't dare to show me." Anito bago siya tuluyang naglaho sa paningin ng anim na lalaki.