“Nakakatuwa naman ’to. Alam mo bang hobby ko na magluto?” natutuwang sabi ni Sienna habang pinapasunod niya ako sa kaniya papunta sa kusina.
Napairap ako, nang saglit niya akong lingunin ay ngumiti ako at tinaas ang dalawang kilay. “I’d like to have some cooking tips from you.”
“So did you read the contract?” She clapped her hands and spun around to face me with a huge smile on her lips.
I closed my eyes happily when I nodded. “Should have read it last night though.”
“Magaling makipag-deal si Master, sisiguraduhin niya talaga na nagiging patas s'ya sa’tin. Hindi ka talaga makaka-hindi sa kan'ya.” She walked backwards as we entered a different room. “So ito nga pala ang kusina, alam kong napakita ko na sa’yo ’to kahapon pero gusto kong ipakita ulit kung paano gumawi rito.”
For the second time, I roamed my eyes around the wide room and tall ceiling. I remember the kitchen being different from the whole house, the atmosphere just felt a little different from the other rooms.
“Sabi ni Master Zaccheus sa'kin daw 'tong buong kusina. What do you think?"
Nagkibit-balikat ako, pumasok ako sa loob ng kitchen island. “Well, it’ll be mine now.”
“Okay lang sa’kin na i-share ko sa’yo ang kusina ko. Magiging asawa ka naman ni Master Zaccheus eh.”
I tried not to cringe. I pushed my hands inside the pockets of my dress. Pinaglaruan ko sa loob ng kanang bulsa ko ang maliit na bote ng drogang binigay sa akin ni Adam.
“’Di ba nasabi ko naman na hindi ako marunong magluto, ’diba?” Sumandal ako sa counter. “Pwede ba akong humingi ng pabor at tulungan mo 'ko?”
“Oo naman.”
“But I want the other maids to join me for breakfast, including you.”
Here goes nothing…
I withdrew my hands from my pockets, I played with the tip of my hair that was draped over my right shoulder. I darted my eyes around the room to make it seem like I’m asking for her permission shyly.
“Masyadong mabilis lang ’yong mga pangyayari. I don’t like this life but I really like what the contract is in for me. All my life I’ve been a... you know what I was, I don’t know anything about being a wife. Kaya gusto kong matutong magluto, gusto ko nang masanay ngayon pa lang. And I want to get along with everyone else here.”
“Baka magalit si Master, Mildred. Para kasing ang pangit na sumabay kami sa’yo na kumain. Fiancé ka na niya kaya parang amo ka na rin namin.”
“I will talk it out with him. Do you have a phone?”
Nagtataka siyang tumango.
“Meron ka bang number niya?”
“Oo, pero—”
“Kakausapin ko lang naman s'ya, Sienna. I have to borrow your phone because I didn’t bring mine. Wala akong saplot na dumating dito at kahit anong gamit na dala, para lang ipaalam ko sa’yo.”
Nagpakawala siya ng buntong-hininga, tumango siya at saka kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Lumapit siya sa akin at inabot ito.
How the f**k did she afford this kind of phone?
I shook my head and dismissed the thought at the back of my mind. I went to her contacts. I found Zaccheus’ name instantly. I just knew his caller name would be “Master."
He picked up after four rings but didn't say anything.
“I’m disappointed in you, hubby. Akala ko ba panunuorin mo 'ko sa CCTV?" I twirled the strand of my hair around my forefinger.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa kabilang linya.
“Mildred.”
“That’s my name,” I said with a giggle. “Can your maids join me for breakfast? Or maybe pati na rin ’yong mga ibang tauhan mo na nakabantay sa labas? Sienna will help me cook. Gusto kong ipatikim sa kanila 'yung first dish ko.”
Nasa biyahe pa lang siguro ito dahil parang may tunog ng sasakyan na umaandar sa background.
“Leave the guards be, just the maids. Better make sure they’ll be back at their post after. I will be watching.”
“Sure, sure,” I rolled my eyes. I looked around the room to look for the camera. I found it sticking at the corner of the ceiling.
“Are you watching now?”
“Don’t burn the kitchen down,” he warned.
I’ll take that as a yes then.
Ngumiti ako at kumaway sa camera.
“By the way, ayoko ng mga damit sa closet ko. Hindi ako mahilig sa mga bestida. At saka kailangan ko rin ng phone dahil mabilis akong mabored.”
“What else do you need?”
“Oh, and flavored condoms and lubricants, too! Just in case we’ll need it, you know,” nagbiro ako. “So iyon lang naman.”
Pagkabilang ko ng tatlong segundo ay tinaas ko ang gitnang daliri ko at nilabas ang dila ko para asarin siya. Pinatay ko na ang tawag at binalik kay Sienna ang cellphone.
“Sa tingin mo ba bibilhan ako ni Zaccheus ng gan'yang klaseng phone? Do you think he’ll spoil me?” tanong ko.
Nanliit ang mga mata niya. “Pinakyuhan mo s'ya, baka hindi na.”
Loka-loka akong tumawa at isang beses na pumalakpak. Sa totoo lang, ay hindi ko gusto ang nagluluto at gumagawa ng mga gawaing bahay. Wala akong hilig sa mga ganuong bagay.
And another naked truth. I never read the contract, I don't need to. Being pregnant for nine months to carry a child? Hell no.
“Let’s start now. Can you suggest a dish na pwedeng lutuin? Filipino dish lang sana saka yung madaling lutuin.”
Pinagpatuloy ko ang pakikipag-plastikan.
***
“Tapos na tayo! Hihintayin na lang nating maluto.” Hinubad ni Sienna ang apron sa katawan niya. Ginaya ko siya at sabay naming sinabit ito sa rack na nakadikit sa pader.
“malapit na bang maluto ’to?”
“Mabilis lang naman, mahigit limang minuto lang,” sagot niya.
“Sienna, pwede bang pakitawag na ang lahat para tulungan tayong makapaghanda na sa lamesa?”
“Sige, babalik ako agad,” tugon niya at lumabas na ng kusina.
Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko bago lapitan ang niluluto sa stove. Binunot ko sa bulsa ang maliit na bote ng droga.
Hindi ko alam kung nanunuod pa ba si Zaccheus. Sinigurado ko na tinatakpan ng katawan ko ang ginagawa ko. Binuksan ko ang takip at binuhos lahat ng laman ng bote sa niluluto. Inabot ko ang sandok at ginamit ito bilang panghalo.
Sumulyap ako sa CCTV at kunwari ay humigop ng sabaw sa sandok sakaling nanunuod man si Zaccheus. Saka ko ito binaba at dumaan sa basurahan para itapon ang walang laman na bote.
Umupo ako sa stool at matiyagang hinintay si Sienna na makabalik.
I needed this to work. There was a slight guilt inside me for lying and toying with Sienna. I enjoyed her company while it lasted since she appeared like a nice and genuine person. But that’s all there is to it. Despite her kindness, I couldn’t find it in myself to want to stay and tolerate the life offered for me here.
I do not trust Zaccheus. Hindi ko pa siya kilala at ayoko siyang makilala. Sapat na ang mga rumors na narinig ko tungkol sa kaniya para mag-alala ako para sa sarili ko at gustuhin kong makatakas. Isa pa, hindi ko gusto ang ganitong klaseng buhay, malayo ito sa buhay na ninanais ko.
Ilang minuto pa ay nakabalik na si Sienna kasama ang mga ibang kasambahay na nagtatago sa likuran niya. Ilan sa kanila ay tila nahihiya, ang iba naman ay tuwid na nakatayo, pilit na umakto ng normal sa harapan ko.
“Hello,” I forced a smile. “Can you guys please help me transfer our breakfast to the dining room?”
Sabay-sabay silang sumagot ng “Opo” habang tumatango.
“Mauna ka na at magpahinga na muna sa hapag, Mildred. Kami na ang bahala sa paghahanda.”
Sinasabi ng utak ko na tumanggi, ngunit hindi na gusto ng katawan ko na gumalaw. Wala talaga akong hilig sa pagluluto, pinilit ko lang ang sarili ko. Nakakapagod ding magpanggap kaya pumayag na lamang ako.
Nagtungo ako sa dining room, pinahiran ko ang pawis sa noo hindi dahil sa kaba kundi sa pagod. Hinanap ko sa silid ang CCTV camera, mapang-asar ko itong kinawayan at umihip ng halik. Umupo ako sa head seat kung saan ang upuan ni Zaccheus para asarin pa siya.
Isa-isang inihanda ng mga maids ang pagkain sa lamesa. Isang dish lang ang niluto namin dahil mabagal daw ako kumilos sabi ni Sienna, pero sinigurado niya na kakasya ito para sa lahat. Kung tutuusin, halos siya lang din ang kumilos, halos taga-abot lang yata ako ng ingredients at taga-halo.
“Everyone, please take your seats. Join me.” Kinapalan ko ang mukha ko at inaya sila.
Nakakatuwa na napakamasunurin nila. Bukod sa dish na niluto namin, may iba ring nakalatag sa hapag tulad ng prutas, gulay, at other breakfast foods like bacon, eggs, and more.
Tumikhim ako. “Nagpe-pray pa ba kayo bago kumain o hindi?”
Sienna, who’s sitting on my right, gave me a look.
I chuckled. “I’ll take that as a no.”
Napailing siya. “Ipaghahain na lang kita.” Tumayo siya at pinaghain ako.
I gasped, covering my mouth. She stopped and looked at me, confused.
“May nakalimutan pala ako sa kwarto ko. Babalik lang ako saglit.”
“Oh, then we’ll wait for you—”
“No, please, hindi niyo na kailangan hintayin ako. Ipagpatuloy niyo lang ang pagkain. Sandali lang ako.” I rose up, straightening my dress. “Enjoy!”
I giggled while exiting the dining room. I walked casually to the stairs. When I reached the staircase, I scurried up excitedly and ran to my room. There was no way that Zaccheus was watching, he said he was a busy man and had a business transaction at the port.
Inabot ko ang baril sa ilalim ng kama, pumunta ako sa closet at naghanap ng belt na pwedeng gawing holster. I saw a perfect plain one. I wrapped it around my right thigh, pushing it between my skin and the leather strap. I kept looking around the room to make sure there weren’t cameras in my bedroom like Zaccheus stated.
At least he knows what privacy is.
Wala pa rin akong tiwala kay Adam. May pagdududa pa rin ako sa drogang binigay niya sa akin. Kung sakaling totoong pampatulog man ito, hindi ko alam kung kailan ang epekto.
I stayed inside the room for a while then exited casually. I walked calmly down the stairs.
I went back to the dining room, praying that Adam didn’t lie to me and that it was actually a drug.
Once I entered the dining room, all heads of the maids had fallen on the table. One fell on the floor, her chair toppled. Sienna, on the other hand, was standing while holding onto her chair and clutching her throat. Her gaze flickered to mine, and anger flooded her eyes.
“You…” she whispered in disbelief.
I smiled sweetly, waving and wiggling my fingers.
She opened her mouth to speak but lost consciousness and fell to the floor.
I went to her and took her phone. I searched for Adam’s name and called him. Surprisingly, after one ring, he picked up.
“Yes, baby? Miss me already?"
My eyes narrowed. “I’m not Sienna. Sorry to disappoint you.”
“f**k! Mildred?”
“I drugged the maids. Where’s Zaccheus right now? Is he watching?”
“He left me here to deal with the transaction. f**k, he must be on his way. Get the f**k out of there right now.”
Pinatay ko na agad ang tawag, binaba ko ang phone at iniwan ito sa lamesa.
Well, I’m f****d.
Pumunta ako sa kusina at hinanap ang maliit na bote ng droga sa basurahan. Kahit isang patak lang siguro ang kakailanganin ko.
Lumabas na ako ng mansyon.
Dalawang guwardya ang nagbabantay sa labas ng gate mula sa malayo. Taas-noo akong naglakad papalapit sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Pinatakan ko ang daliri ko at saka binitawan ang bote.
Nakita ako ng isa at lumapit sa akin. Ngumiti ako at sinalubong siya ng halik.
Naramdaman ko siyang nanigas habang patuloy ko siyang hinahalikan. Unti-unti akong humiwalay, dinilat ko ang mga mata ko. Tinitigan ko siya sa mga mata at ibinaba ito sa labi niya.
I touched his bottom lip with my drug-coated finger. I pushed my thumb inside his mouth. I looked at the other guard behind him on the left, his mouth was wide open while watching us.
“I’m bored. Zaccheus doesn’t want to sleep with me,” I pouted. I looked at the man in front of me and pulled my finger away from his mouth. I pushed his chin up to close his lips. “You guys want to have a threesome with me?”
“’Tol, hindi pwede. Magiging asawa ’yan ni boss, malilintikan tayo,” pagpipigil sa kaniya ng kasama niya.
“Huwag ka nang KJ, naiinggit ka lang yata eh,” singhal niya sa kasama.
“Hindi mo ba narinig? I said threesome. Kasali ka na du’n.”
Tumikhim siya at umiling. “Bumalik ka na sa loob, Miss Mildred.”
“You guys are boring,” I moved away from them. “Everyone here is boring.”
“Paano ka nakalabas, Miss Mildred? Binilinan ni boss ang mga katulong na huwag kang palalabasin.”
Binaliwala ko ang turan niya.
“Come on, we can do it somewhere around here. Sandali lang.” Tinaas ko ang dress ko.
Nakanganga siya habang pinapanood ako.
Bumagsak ang lalaking hinalikan ko sa lupa, wala nang malay. Nilapitan siya ng kasama niya, umupo sa gilid niya at niyugyog ito para gisingin.
Mabilis kong kinuha ang baril sa hita ko at tinutok ito sa kaniya.
Narinig ko siyang nagmura. Tiningala niya ako at tangkang kukunin ang baril niya, pero kinasa ko ang akin at binaril ang kamay niya.
Napasigaw siya sa sakit at napahiga sa lupa habang hawak ang kamay niyang dumudugo.
Pumunta ako sa guard house. May isang makina rito na may mga lever at buttons. Kung ano-ano ang pinindot ko hanggang sa bumukas ang gate.
Nanatiling nakatutok ang baril ko sa tauhan ni Zaccheus hanggang sa makatakas ako at kumaripas ng takbo.
Walang mga sasakyan na dumadaan sa daan sa labas ng gate. Tumakbo lang ako nang tumakbo, tumitingin sa paligid para maghanap ng mga kabahayan na maaaring pagtaguan, pero mga puno lang at patag na damuhan ang makikita.
Sa kalayuan, may sasakyan akong nakita. Napahinto ako sa pagtakbo at kinilatis ito nang mabuti. Hindi iyon ang sasakyan na ginamit nila Adam paalis ng mansyon. Kulay asul din ito at hindi mukhang sasakyan ng mga mayayaman.
Nakahinga ako nang maluwag. Kumaway ako gamit ang dalawa kong kamay sa ere, ang isa ay may hawak na baril.
“Tulong!” sigaw ko.
Naging mabagal ang pagtakbo ng kotse. Unti-unti itong huminto sa harap ko.
Kumapit ako sa dalawang tuhod ko, hingal at pagod na.
Bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang nagmamay-ari nito.
You’ve got to be kidding me.
“No!” I screamed, raising my gun and pointing it at Zaccheus.