Sonata/Lara Hindi parin limot ng isip ko ang nalaman ko noon tungkol sa nakaraan ko. Pero kung iisipin ay siguro may purpose talaga ang pagkawala ng alaala ko. Hindi din magandang alaala ang ginawa ni Hammer. Siguro kung naalala ko iyon ay sira na ang imahe ni Hammer sa akin at baka hindi din kami naging kami ngayon. Pero alam naman niya ang kamalian niya at ayos na iyon. Lumipas ang araw, at ilang araw nga ring na-comatose si Coleen. Pero mabuti at nagising na siya. Mabait parin sa kanya ang kapalaran. Dumalaw kami ni Hammer pero hindi ito umiimik at tulala lang. Siguro ay epekto pa nang pagkaka-coma niya. Narito ako sa bahay ni Hammer. At lahat nga nang gamit ko ay nahakot na namin noon pang nakaraan. Kaya madalang na rin akong nakakadalaw sa bahay. Sa opisina ko nalang din minsan nak

