Sonata Busy ako sa paper works pero hindi ko parin mapigilan na sumagi sa isip ko ang mga nangyari nung nakaraan. Napailing ako at napangiti dahil kahit ano atang pagtataboy ko kay Hammer ay hindi siya titigil. Ayaw din talagang pumayag ng isang iyon na pag bentahan ko si Cholo. Kaya ang nangyari ay nag back-out nalang ang tao. Gusto kong sabunutan si Hammer sa pagka-immature niya pero ano pa bang magagawa ko ng sabihin niya na nais niyang gawing pabahay ng mga nangangailangan ang binili niya. Natigilan ako doon at hindi makapaniwala sa layunin niya pero hindi na ako kumontra dahil maganda naman ang hangarin niya. Well, napansin ko na nagbago din pala ang pananaw niya ngayon. Akala ko ay mas grabe pa siya nung dati pero masasabi ko na may nagbago nga pero may mabuti naman palang pagbaba

