Sonata Napahaplos ako sa braso ko habang nakatingin sa bintana ng kwarto ni Aliyah habang tinitignan ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kanina pa umuulan at mabuti rin iyon para may dahilan ako para hindi umuwi muna sa amin. Sa ngayon ay si Aliyah lang ang masasandalan ko. Dahil kung sa bahay ay tiyak na pabor sila Kuya at Dad kay Hammer. Habang narito sa bahay ni Aliyah ay nakapag isip-isip ako. Ako nalang muna ang lalayo. Siguro kapag natapos na ang anniversary celebration ay magbabakasyon muna ako. Parang toxic na ang mga nangyayari sa paligid ko. Kaya hindi ako makahinga at para akong nai-i-stress. "Miss Lala.." Lumingon ako kay Aliyah at may dala siyang tray. Umalis ako sa tapat ng bintana at lumapit sa kama niya. Naupo ako at siya rin ay naupo matapos niyang mailapag sa kama ang

