CHAPTER 8

1141 Words
Tara na tatay Robert Bilisan na natin at baka naiinip na si Malia, wika ni Alice sa family driver ng pinagsisilbihang pamilya. Mabuti pa nga hija at binilin din sa akin ni Ma'am Theressa na dumiretso na tayo ng uwi pagkasundo kay Malia dahil may aattendan silang party. Alas dyes na ng gabi pero hindi parin dinadalaw ng antok ang dalaga.Kung ano ano ang kanyang naiisip, at paminsan minsan ay sumasagi parin sa isip nya ang mga napag daanan. Ang pagkamatay ng ama na kahit hindi sabihin ay ramdam nyang isinisisi sa kanya ng kanyang ina. " itay,inay magbabike lang ako sa labas, Naku Alice Naghahanap ka lang ng sakit ng katawan,panu kong sumemplang ka dyan puna ng ina. Hayaan mo na mahal at ng matuto ang anak natin magbisekleta. Sige na anak basta wag kang lalayo. Tatawagin na lang kita pag manananghalian na. Yeeey salamat po itay,sabay yakap sa ama. Masayang masaya siya at malayo na ang kanyang nararating sa pagbibisekleta, "naku tanghali na baka hinahanap na ako nila inay at itay,uuwi na ako,baka mapagalitan ako kapag nalaman nila na lumayo ako ng biglang may tumunog sa kanyang bisekleta at huminto ito sa gitna ng kalsada, patay nasira ang kadena, sinubukan niyang ayusin ito at hindi napansin ang sasakyang parating, malakas na busina ang kanyang narinig pero huli na para umiwas, naramdaman na lamang niya na gumugulong siya, akala nya ay katapusan na nya,pero pag mulat ng kanyang mata nakita nya ang kanyang ama na nakahandusay sa kalsada.Itinulak sya ng kanyang ama dahilan kaya gumulong sya sa damuhan sa tabi ng kalsada.Pero ang kanyang ama ay hindi pinalad na makaligtas. Itayyyyyy!!!!!!!! Lumuluhang pinilig ni Alice ang ulo sa mga ala-ala ng kanyang ama. Babalik na sana sya sa kanyang kama ng mapasulyap siya sa labas ng kanyang bintana. Natatanaw nya ang isang lalaking nakaupo sa tabi ng pool na tila malalim ang iniisip. Andito pala tong lalaking to, si Gregory ang kanyang tinutukoy. Hindi pala sya kasama nila ate Theressa. Mataman nyang pinagmamasdan ang lalake ng mapansin niyang nakatingin din ito sa kanya, Halaah nakita kaya nyang nakatingin ako sa kanya? Baka kung ano na naman isipin nun. Sabay alis sa may bintana. Iisipin na naman ng mokong na yun na pinagpapantasyahan ko sya.Baka isipin nya na pinagpapantasyahan ko ang gwapo nyang mukha,mapupungay na mata, matangos na ilong,makakapal at itim na itim na kilay,na lalaking lalake ang dating, yung kissable lips nya, masarap kaya sya humalik? at yung katawan sheessshhhh yung abs,yung matitipunong braso. Ano kaya pakiramdam ng mayakap ng mga brasong yun. Bigla siyang natigilan. Ano ba Alice pinagpapantasyahan mo ba sya??? Saway nya sa sarili. Tigilan mo yan Self tigilan mo yan ha patuloy na pangangastigo sa sarili. Nagpasya siyang bumaba sa kusina at magtimpla ng gatas,baka sakaling makatulong para sita ay dalawin ng antok. Paakyat na sana siya ng kwarto dala ang baso ng gatas ng marinig si Gregory sa may terrace na wari'y may kausap sa telepono. Ewan ba nya at parang nais niyang malaman kung sino ang kausap nito kaya palihim siyang nakinig sa may likod ng pinto. " No Claire! ,pumayag ako sa gusto mo but it doesn't mean na maari mo pang ipilit ang mga bagay na yan." may diin ang mga salitang binitawan ng binata sa kung sino man ang kausap sa telepono. Sino si Claire? Bakit parang may kaaway sya? patuloy parin ang pakikinig nya ng biglang... Arayyyy!!!! Biglang bumukas ang pinto at nauntog siya dahil sa pagkakadikit nya rito at muntikan pang matapon ang dala nyang gatas Biglang nanlaki ang kanyang mata ng makitang si Gregory ang nagbukas ng pinto. Anong ginagawa mo dyan? mariing tanong ni Gregory. Ah eh, ilalock ko sana yung yung pinto,sagot niya sabay kamot sa ulo, kaso may tao pala sa labas pa iwas nyang sagot. Anong narinig mo??? galit nitong tanong. Wa-wala tanggi niya. Anong narinig mo? ulit nito na mas nagtaas na boses. Wa- wala nga sir Gregory,napasandal siya sa pinto sa takot sa lalake. Itinukod ni Gregory ang mga kamay sa pinto at kinulong siya dito,bahagya din nitong inilapit ang katawan nya sa kanya,dahilan para di sya makakilos, dahan dahan inilapit ng binata ang mukha nito sa mukha nya. Alam mo bang hindi magandang nakikinig sa usapan ng may usapan. Mahina nitong sabi na ang mukha ay isang pulgada na lamang ang pagitan sa mukha nya. Kaya ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga at nagpatindig sa kanyang mga balahibo. Hindi ko akalaing ang magandang babaeng katulad mo ay may itinatagong kapangahasan,pabulong parin nitong wika,habang nakatitig sa kanyang mga mata. Nangagatog na ang kanyang tuhod sa kaba,mabuti nlng at naibaba nya sa maliit na mesa sa tabi ng pinto ang baso ng gatas na hawak nya kung hindi at bumagsak na ito sa sahig at nabasag. So-sorry ,hindi ko naman sinasadya na mapadaan ako,paliwanag niya kahit nangangatog na ang mga tuhod nya. Paalisin mo na ako.Matutulog na ako. Alam mo bang hindi ako basta basta tumatanggap ng sorry, pabulong parin na wika ng binata na hindi tumitigil sa pagmamasid sa kanyang mukha. Akmang magpupumiglas sya ng biglang. Nanlaki ang kanyang mga mata ng biglang siilin siya ng halik ng binata,halik na parang puno ng galit,para kanino? sa kanya,ganun ba kalaki ang kasalanang nagawa nya? o para sa kung sinong kausap nya kanina.Kung kanina nangangatog lng ang mga tuhod nya ngaun ay tuluyang nawalan sya ng lakas kaya napahawak sya sa mga braso ng lalake. Mas lalo syang nagulantang ng dahil sa paghawak nya sa braso ng lalake ay lalo nyang nahila ito papalapit sa kanya. Damang dama niya ang paglapat ng umbok ng harapan ng binata sa kanya,bago palang siya natauhan at malakas na itinulak si Gregory sabay sampal dito. Dali dali syang tumakbo paakyat sa kanyang kwarto at wala ng lingon lingon pa. Alice! tawag ng lalake. I'm sorry, Hindi na nya naintindihan ang nga sunod na sinabi ni Gregory. Animo'y bingi na nagdere deretso at nagkulong sa kwarto. Sa loob ng kwarto hindi malaman ni Alice ang mararamdaman, kung maiiyak ba sya o magagalit,inis na inis sya sa sarili dahil kasalanan nya kung bakit nangyari yun. Tanga tanga mo kasi Alice,muling kastigo nya sa sarili.Bakit kasi nakikinig ka sa usapan ng may usapan. At yung lalaking un,napaka antipatiko at bastos. Kelangan bang halikan ako? Porke't mabango ang kanyang hininga? Porke't mapupula at malambot mga labi nya? May karapatan na syang halikan ako ng walang pakundangan? Porke't porke't... biglang pumasok sa isip nya ang paglapat ng maumbok nitong harapan sa kanya kanina. Aahhhhhh!!!!! ano ba tong naiisip ko!!!! mahinang sigaw nya sa sarili. Ano ba Alice may pasampal sampal ka pa dun sa tao bakit parang nagustuhan mo naman ha? Muli na naman nyang sinampal sampal ang sarili.Ang manyak ng isip mo Alice Rodriguez. Dapat nagagalit ka kasi hinalikan ka hindi yung namamanyak ka sa kanya saway nya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD