CHAPTER 7

417 Words
Nga pala Alice, Bakit po ate Therressa? Si Greg ang maghahatid sa inyo ngayon, Malia requested na ang tito nya ang maghatid sa kanya at syempre hindi iyon matanggihan ng kapatid ko. Batang yun talaga sunod palagi ang luho pagdating sa tito nya. Biglang naalala ni Alice ang tagpo kanina lang umaga. Tsk patay. Bakit Alice? Wa-wala po ate. Oh sya sige na,lumakad na kayo at baka malate pa kayo. Malia anak, behave sa school ah. Yes po mommy. I love you nak. I love you too mommy. Natutuwa siyang pagmasdan ang tagpong iyon ng amo at ng alaga. Pero nakaramdam din siya ng kaunting lungkot dahil ni minsan hindi nya narinig na tinawag sya ng kanyang nanay na anak, tanging sa pangalan lamang siya tinatawag nito. Nasa ganoon syang pag iisip ng biglang, Tulala ka na naman, naiisip mo ba ang kagwapuhan ko? si Gregory na di nya namalayang nasa tabi nya na pala. Mamaya mo na ako pagpantasyahan habang nasa sasakyan,sa ngayon tara na dahil baka malate pa si Malia sa pag de-day dreaming mo. aba't apaka hangin din pala ng mokong nato! hindi kita pinagpapantasyahan, at sino bang may sabing gwapo ka ha? Ikaw,diba nga narinig kita sinabi mo kanina nangingiting sagot ni Gregory. Naalala na naman nya ang tagpo sa kusina kaninang umaga, nasampal nya ng bahagya ang sarili at nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Yaya....tawag ng alaga, hindi dyan dito tayo sa car ni tito Greggy. Oo nga pala baby,pasensya na nakalimutan ko at nagmamadaling lumipat ng sasakyan. Pagkahatid kay Malia ay sunod naman syang ihahatid ng binata sa university na pinapasukan, Pero tumanggi siyang magpahatid, naasiwa parin sya dito. Kanina nga habang byahe ay tahimik na lamang sya dahil nahihiya padin sya sa binata. Bumaba na din sya ng sasakyan,. San ka pupunta? tanong ng binata Mag tataxi na lamang ako,malapit na lang naman ang pinapasukan ko dito. Ihahatid na kita. Wag na po Sir Gregory okay na po ako. Ako ang malalagot kay Ate Therressa pag di kita hinatid. Sakay na! utos nito. Nag aalangan man ay sumunod na lang ito. San ka sasakay? Dito ka sa harapan,baka pagkamalan pa nilang driver mo ako,pagsusungit na naman nito. Kita mo tong lalake na to,kanina ngingisi ngisi,ngayon nagsusungit na naman,may sayad din yata to eh, bulong ni Alice sa kanyang sarili. May sinasabi ka ba? Wala po sir GREGORY. ****************************** Natapos ang buong maghapon na ang inis sa binata ang laman ng isip ni Alice at ang pagkapahiya na naranasan nya noong umaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD