WARNING: SPG. "H—huh? Paano?" Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat sa sinabi niyang iyon. Bakit ako? Hindi ba dapat ay siya? "Hindi ako marunong!" angil ko ngunit nananatiling galit ang expression ni Brandon. Halata ang pagkabitin sa kaniyang mukha. Panay pa ang pag-igting ng panga niya na kung hindi ko lang alam na 'di niya ako kayang saktan ay naisip ko nang gusto niya akong sapakin ngayon sa kahibangan ko. Pero kasi... ito na lang iyong utos ni Kuya na kaya kong sundin. Naging pasaway ako sa kaniya bilang kapatid, kaya kahit ito na lang ay magawa ko ng tama. Hindi ko naman naisip na mamomroblema pa ako kung paano ito ikinakabit. Mayamaya ay gumalaw din si Brandon. Yumuko siya at inabot ang pants niya, suot niya pa rin iyon ngunit nakababa na sa kaniyang paanan. Kinuha niya mul

