Akala ko ay ayos na ako sa isang beses na sinundo ko siya sa trabaho niya. Hindi rin pala— hindi rin ako nagkamali na mas hahanap-hanapin ko si Shantal pagkatapos nang nangyari kahapon. Kaya heto ulit ako, aminado man sa nararamdaman ay mapagkunwari pa rin. "Bakit ka ba nandito?" asik ni Shantal na para bang isang malaking kasalanan na nandito ako sa tapat ng building nila. Naiinis lang ako sa katotohanan na baka nga naabala ko sila ng lalaking iyon. What is his name again? Migs? Tch. Mas gwapo naman ako kumpara sa kaniya. Mas kaya ko naman siyang ipagmayabang at ipaglaban. Kumibot ang labi ko. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko lalo ngayon na ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't-isa. Lalo pa at hawak-hawak ko ang kamay niya. Mas naaapektuhan ako. O baka ganito lang talaga ako pagda

