Nag-commute na muna ako sa pagpasok dahil sabi nga ni Brandon ay hindi niya ako maihahatid. Ayos lang naman din, hindi ko na iyon pinansin sa pinagsamang kilig at kasiyahan ngayon. Hindi ko alam kung ano ang magiging plano niya tungkol sa pagpapakasal namin, pero nagsuot na ako ng white dress just in case 'di ba? O kung may plano man nga na palitan pa ang damit ko ng wedding gown mamaya ay madali na lang iyon para sa akin. Kahit nagtataka na parang biglaan ay ipinagkabit balikat ko na lang iyon. Wala akong idea sa naging usapan nila ng wedding planner, kung kasama ba ito sa surprise wedding namin ni Brandon. Anong gagawin ko? Magkukunwari ba akong magugulat para hindi naman halata na in-expect ko na ito? Bumungisngis ako. Animo'y nililipad ako ng hangin at lulan ng ulap, wala akong iba

