Chapter One

2841 Words
NAPASINTIDO si Riegen nang kumirot ang ulo niya. Ilang araw na siyang walang tulog dahil sa sunod-sunod nilang misyon. Naubusan din sila ng stock na dugo kaya uhaw na uhaw na siya. Sinuyod kasi nila ang buong Cebu para matiyak na wala nang natirang laboratory si Dr. Dreel. Sa susunod ay sa ibang lugar sa bansa naman ang target nila. Pero matinik talaga ang kalaban, nakakalusot pa rin ang mga ito. “May dalawang pendant ng mga imortal ang nawawala maliban sa ibang alahas katulad ng singsing at bracelet. May nakapagsabi na may isang bampira na nagdala ng pendant dito sa Pilipinas. Sumugod dito ang ilang tagapangawisa ng templo para mahanap ang pendant. Kailangan maibalik iyon nang maayos sa templo bago pa matunugan ng mga kalaban. Siguradong malaking gulo ito kapag nagkataon. Gagamitin lang nila sa kasamaan ang mga pendant na iyon,” pahayag ni Dario. Sa kasalukuyang nagpupulong ang buong grupo sa mansiyon ni Dario sa CDO. Tahimik si Riegen makalipas malaman ang tungkol sa pendant. Ayaw na sana niyang makialam tungkol sa isyu pero kasapi siya ng grupo kaya kung ano ang pagkakaabalahan ng pinuno nila ay kailangan niyang sumunod at makiisa. Masyado na silang maraming misyon at iilan lang naman silang miyembro, ang iba ay hindi pa roon naglalagi. “Mukhang bigating pendant pa ang nawala,” ani Jegs, na katabi niya sa silya. Ito ang kadikit niya palagi lalo na sa misyon. “Pinag-iinitan nila ang mga pendant ng imortal dahil sa daglay nitong kapangyarihan. Gusto ni Dr. Dreel na lumakas pa ang koneksiyon niya kaya nililikom niya ang mga bampirang pakalat-kalat sa mundo upang gawing tuta,” si Leandro, na nakaupo sa tapat nila, long table lang ang pagitan. Sila lang madalas ang laman ng meeting. Ang magkapatid na Harley ay busy sa negosyo at ibang misyon kaya minsan lang naglalagi sa mansiyon. Si Zyrus naman ay laman ng laboratory at minsan ay nagdu-duty sa mga ospital bilang pathologist, marami itong linya sa larangan ng medisina. While Marco, the weird among them, he called him mushroom. Pasulpot-sulpot lang. Naintindihan nila ‘yon. Marco can’t stay in topical places like the Philippines, especially during summer. Pero kung naroon man ito, kailangan may malamig itong kuwarto o kaya’y underwater facility. Kakaiba si Marco sa lahat ng bampira. Ito ata ang male version ni Frozen. Nabubuhay ito sa malamig since naglalabas ng yelo ang katawan nito. Pagkatapos ng pagpupulong ay nagpaalam na siya sa kanyang mga kasama. Pero hindi pa siya nakakaalis ay inantala na siya ni Jegs. Inabutan siya nito sa pinto. “May pinatay na naman ang pangkat ni Dr. Dreel sa bayan ng Talisay. Puntahan daw natin sabi ni Dario,” ani Jegs. Bumuntong-hininga siya. “Para ano pa? Patay na ang biktima, ‘di ba?” naiinip na saad niya. Gusto na kasi niyang matulog. “Hindi ‘yon, eh. Kailangan malaman natin kung ano ang theory ng mga pulis sa pagkamatay ng biktima. Kailangan natin malaman kung ano na naman ang hanap nila sa isang biktima.” “Malamang dugo pa rin.” “Kailangan makakuha tayo ng impormasyon.” “Okay.” Sumunod na lamang siya kay Jegs. Hindi niya maintindihan bakit tamad na tamad siyang kumilos. Naging productive siya nitong mga nagdaang araw pero parang mortal na na-drain ang lakas niya. Palibhasa ilang araw na rin siyang hindi nakakatikim ng dugo ng tao. Pagdating naman nila sa pinangyarihan ng krimen ay nabuhayan siya ng dugo nang makilala niya ang babaeng biktima. Isa ito sa naging kliyente niya. Si Ms. Rona Moreles, na nagpagawa ng rest house nito roon sa Talisay. Nasa fifties na ang edad ng babae pero dalaga pa rin ito. May tatlong buwan na ang nakakalipas matapos ang project niya rito. “Kilala mo ba ang biktima, Rieg?” tanong ni Jegs, habang nakamasid sila sa paligid. “Oo.” Iginala niya ang tingin sa paligid. Obvious na sariwa pa ang krimen dahil sa amoy ng dugo. Lalo tuloy siya nag-crave. Humilab ang sikmura niya. Hindi puwedeng tumagal na gutom siya, mahihirapan na naman siyang kontrolin ang pagiging bampira niya. “Nawawala ang ilang organs ng biktima. Pinatay siya ng isang gutom na bampira. Malamang hindi nakuha ng mga iyon ang totoong pakay kaya ginawa na lang pagkain ang biktima,” komento ni Jegs. Naalala niya, naikuwento na ni Ms. Moreles na nagkaroon ito ng karelasyon na bampira noon pero hindi lamang niya natanong kung sino dahil hindi siya naging interesado. Pero nabanggit ng babae na binigyan ito ng bampira ng kuwintas pero ibinenta ng babae, dahilan kaya nakabili ito ng ilang properties sa iba’t-ibang lugar. Ayon din sa kuwento na naririnig niya sa ilang katiwala ng babae, biglaan daw ang pagyaman ni Ms. Moreles. Napaisip siya bigla. “Hindi kaya pendant ng imortal iyon?” bigla’y nasabi niya. “Ha?” untag ni Jegs. Kunot-noong nakatitig ito sa kanya. “Ah, wala,” aniya. Umatras sila ni Jegs nang may dumating na grupo ng mga pulis lulan ng police mobile. Balak palang sana nilang lapitan ang bangkay pero naunahan na sila ng mga pulis. Hindi mapakali si Riegen, sumingit pa rin siya sa nag-uumpukang mga tao para lang makalapit sa bangkay. May napansin kasi siyang pamilyar na bagay na suot ng babae sa leeg. Akmang lalapitan niya ang bangkay ngunit biglang may kamay na tumulak sa dibdib niya palayo sa bangkay. Napaatras siya ng dalawang hakbang. Malakas din ang tumulak sa kanya. “Walang lalapit sa biktima, pakiusap lang!” sigaw ng babaeng pulis na siyang tumulak sa kanya. Kumurap-kurap siya. Napadoble ang lingon niya sa babaeng pulis. Her braveness caught his attention. She looks fit with her traditional combat police uniform, with a 45-caliber inside the rubber holster hanging on her waist. Her hair was neatly inserted inside her cap. She looks stunning and gorgeous. Shit! Tinamaan ata siya! He could feel his heart beating so damn weird! Kakaiba ang impact sa kanya ng appeal ng babae. Halos ayaw na niya itong alisan ng tingin. Sinusundan niya ang bawat galaw nito, maing ang bawat pagbuka ng bibig nito habang nagmamando sa mga tao. Pakiramdam niya’y silang dalawa lang ang naroroon sa lugar, hindi niya dama ang presensiya ng paligid. Fuck! What’s happening to me? kastigo niya sa sarili. Natulos na ang mga paa niya sa lupa, sa mismong boundary na nilagyan na ng lubid para hindi makalapit ang unauthorized person. Nagulat siya nang muling may kamay na tumulak sa dibdib niya.  Nag-init ang kaibuturan niya. Kahinaan talaga niya ang pagkakataong may babaeng kumakalabit o humahawak sa dibdib niya. Nabubuhay ang p*********i niya. Ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang dibdib ay nag-iwan ng nakakahibang na init na dagling dumantay sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat at laman. Tumulin ang t***k ng puso niya. “Mister, nakakaintindi ho ba kayo?” wika ng babae na halos sinisigawan na siya. Nakatitig lamang siya sa mukha nito. Hindi niya ito dininig. Mamaya’y may humaklit sa balikat niya at kinaladkad siya palayo sa crime scene. Nahimasmasan siya nang makita si Jegs sa harapan niya na pinagtatawanan siya. “What?” kunot-noong tanong niya. “Kita mo na. Lakas ng tama mo roon sa babaeng pulis, ano? Nawawala ka sa sarili, eh. Kanina pa kita pinagmamasdan. Kakaiba ang titig mo sa babae, restituto,” ani Jegs, nanunukso. Tumawa siya nang pagak. Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin sa mga abalang pulis. Hindi na niya nakita ang babae. “I just felt she’s special,” aniya. “Iyon ‘yon, eh! Love at first sight?” tundyo ni Jegs, tinapik nito ang balikat niya. “s**t! Tinamaan ata ako, p’re,” ngingisi-ngising sabi niya. “Silly! Tara na nga!” Inakbayan siya nito. Naglakad na lamang siya kasabay nito.   ISANG linggo nang nasa field si Melody. Siya ang may gusto na sumama sa special action force na binuo ng pulisya upang tumugis sa mga bampira. Noong una ay hindi talaga siya naniniwala na totoo ang mga bampira, pero sa tuwing naiisip niya ang hindi niya malimutang lifesaver na si Gen ay nakukumbinsi siya na tama ang sinabi nito noon na isa itong bampira kaya hindi tumatanda. Hindi siya naniwala sa sinabi nito noon dahil ang alam niya ay likhang isip lang ng mga manunulat ang bampira. Fifteen years na ang nakalipas magmula noong huli niyang nakita si Gen pero may pagkakataon na naiisip pa rin niya ito. Noong college siya ay nakalimutan niya ito since marami na siyang nakasalamuhang tao, nagkaroon ng crushes, friends pero walang naging kasintahan. That was a hard thing to happens in her life, having a relationship with opposite s*x. Aywan ba niya bakit mailap sa kanya ang mga manliligaw. Hindi naman siya maselan. Lately lang niya muling naalala si Gen, nang makumpirma na mga bampira ang mga pumapatay sa mga tao. Habang pabalik na sila sa istasyon mula sa pinangyarihan ng krimen ay biglang huminto ang sasakyan nila sa gitna ng madilim na bahagi ng kalsada. Naliligiran sila ng matatarik na punong kahoy. Mamaya’y nagpaputok ang mga kasama nilang nakasakay sa likuran ng police mobile. Inihanda naman niya ang kanyang baril. Nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan ang driver nila na tinamaan ng bala sa dibdib. “M-Melody! Tumakbo ka na!” sigaw pa nito habang nasa gipit na ng kamatayan. Kumilos naman siya. Bumaba siya ng sasakyan at tumakbo sa kagubatan. Panay ang kubli niya sa mga malalaking puno dahil inuulanan siya ng bala. Hindi siya makabaril sa kalaban dahil hindi niya alam kung saan nagmumula ang bala. Mamaya’y may kung anong tumama sa dibdib niya. Tumalsik siya sa mayabong na damuhan kasabay sa pagdilim ng paligid niya. BUMALIKWAS nang upo si Melody nang manumbalik ang kamalayan niya. Hingal na hingal siya. Maaliwalas ang paligid dahil sa liwanag ng buwan. Inakala niyang patay na siya dahil ang alam niya’y tinamaan siya ng bala sa dibdib. Pero punit ang bahagi ng damit niya sa dibdib kung saan tumama ang bala. Wala naman siyang bulletproof na suot. Nang buksan niya ang kanyang damit ay nakita kaagad niya ang suot niyang kuwintas na may pendant na kalahating buwan na may mata sa gitna—na binigay pa sa kanya ni Gen noong natuklaw siya ng ahas sa gubat. Kung hindi siya nagkakamali, sa pendant tumama ang bala. Isinalba ng pendant ang buhay niya. Katunayan kanina lang niya isinuot muli ang kuwintas makalipas ang mahigit isang dekada. Matagal niyang itinago ang kuwintas na iyon dahil nagagalit ang papa niya sa tuwing sinusuot niya iyon. Hindi raw kasi bagay sa babae ang ganoong kuwintas. Isinuot lang niya iyon dahil naisama sa mga damit na inilabas niya mula sa maleta. Akmang tatayo siya ngunit napaupo siyang muli nang makarinig siya ng yabag na papalapit sa kanya. Hinagilap niya ang baril na dala niya kanina pero hindi niya makita. Hinugot na lamang niya ang kalibre kuwarenta y singko na sukbit niya sa tagiliran. Nang pakiramdam niya’y papalapit na sa kanya ang kung sino mang nilalang ay dagli siyang tumayo at kinalabit ang gatilyo ng baril paharap sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan ang hitsura ng lalaki. Bigla siyang kinilabutan nang maglabas ito ng pangil at namumula ang mga mata. Pero ang nagpagimbal sa kanya ay ang pagbinbin ng bala niya sa ere. Hindi iyon tumama sa lalaki. Nakalutang lamang ang bala. Akmang ipuputok niya ulit ang baril ngunit biglang nanigas ang gatilyo. May kung anong kuryente na tumulay sa kamay niya dahilan upang mabitawan niya ang baril. Titig na titig siya sa hitsura ng lalaki na unti-unting nagiging normal. Naglaho ang pangil nito. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari. Iniisip niya na panaginip lamang ang lahat, na hindi siya nakaharap sa totoong bampira. Inalipin siya ng kaba sa isiping katapusan na niya, na mamamatay siya sa kamay ng bampirang ito. Subalit nang maging normal na ang mukha ng lalaki ay biglang napamilyar sa kanya ang hilatsa ng mukha nito.  Hindi lamang niya maalala kung saan niya ito nakita. Nang kumilos ito upang lapitan siya ay saka naman siya umatras. Ngunit huminto siya sa paghakbang nang may kung anong kumagat sa kanang binti niya. “Ugh!” daing niya. Napaupo siya sa lupa nang mapansin ang ahas na siyang tumuklaw sa binti niya. Nangatal ang katawan niya. Parang naulit lang ang nangyari noong bata siya, noong nakagat din siya ng ahas. Mamaya ay may dumakip sa ahas. Nang iangat niya ang paningin sa kanyang harapan ay namataan niya ang lalaki na ginilitan ng leeg ang ahas gamit ang mahaba nitong kuko. Kinabahan siya nang lapitan siya nito. Umuklo ito sa harapan niya. Walang imik na nag-aapurang hinubad nito ang combat shoes niya at kinulukot pataas ang pantalon sa kanang bahagi kung saan siya nakagat ng ahas. Nang makita nito ang sigat ay walang abog na pinisil nito ang binti niya at sinipsip ang dugo mula sa sugat. Iniluluwa nito ang nakukuhang dugo, saka inulit ang proseso. Natitigilan siya habang pinagmamasdan ito. Sa isang iglap ay sumariwa sa isip niya ang kaganapan noong bata siya—noong nakagat din siya ng ahas at may lalaking tumulong sa kanya. Ang lalaking ito… ito ba si Gen? “Damn! I can’t do this!” bulalas ng lalaki. Nagulat siya nang bigla siya nitong buhatin. Nahilo siya at mabilis na nakalimot.   “JUST call me Gen…” Nagmulat nang mga mata si Melody. Ang panaginip niya ay totoong naganap. Napanaginipan niya ang lalaking tumulong sa kanya noon. “Gen…” sambit niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Natagpuan niya ang kanyang sarili na nakahiga sa malaking kama. Ang paligid ay maaliwalas. Kulay rosas ang paligid, mula dingding, kisame o kahit kurtina ng bintana. Dahan-dahan siyang umupo. Saka lamang niya napansin ang suot niyang pink na bestida. Ibinaling niya ang tingin sa bed side table na may nakapatong na tray ng pagkain. Umuusok pa ang baso ng kung anong inumin. May dalawang sandwich at may mga gamot sa gilid ng baso ng tubig. Napansin niya ang sticky notes na nakadikit sa bawat kobyertos. Eat me. Drink me, take me, sabi sa mga nakasulat. Kinuha naman niya ang sandwich at tasa ng mainit na tsokolate. Kumain siya. Nang maubos niya ang isang sandwich ay hinawi niya ang kumot na nakatakip sa katawan niya. Naramdaman kasi niya ang kirot sa kanang binti niya. Binalot na ng benda ang sugat sa binti niya. Ibig sabihin, ligtas na siya sa kamandag ng ahas. Malamang dahil kung hindi naagapan ay baka matigas na siyang bangkay. Minuto lang ang itinatagal ng buhay ng tao na natuklaw ng makamandag na ahas. Naubos na niya ang pagkain at nainom na niya ang mga gamot pero wala pa ring dumarating kung sino man ang butihing nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad patungo sa palikuran. Malinis ang palikuran pero walang anumang kagamitan maliban sa sabong panlig, shampoo, toothpaste, toothbrush. Mga bago lahat ng mga iyon. May pink na tuwalya ring nakahanda. Pagharap niya sa salamin ay may nakadikit na munting papel doon at may nakasulat. Feel at home, sweetie. Kinilabutan siya sa nabasa. Pero kung maliligo siya, saan siya kukuha ng damit na susuutin? Bahala na. Naligo siya dahil malagkit na ang pakiramdam niya sa kanyang balat. Pagkatapos niyang maligo ay pinagbubuksan niya ang mga aparador. Mga damit pambabae ang naroroon. May nakasulat na naman sa ilang damit. Wear me. Napangiti siya. Pakiramdam niya’y nasa isang panaginip pa rin siya—na nakatira siya sa isang palasyo at ano mang sandali ay makikita niya ang kanyang prince charming. She’s hopeless romantic, waiting for Mr. Right. Gusto niyang lumabas ngunit hindi niya mabuksan ang pinto. Oras na ng tanghalian. Nagulat siya nang bumukas ang munting bintana malapit sa pinto at may pumasok na tray ng pagkain. Kaya pala may nakasahod na mesita roon. Sinubukan niyang buksan ang munting bintana pero naka-lock na. Sisilip sana siya sa labas. Binasa niya ang instruction na nakadikit sa mesa. Nakasaad doon na ilagay lamang niya sa mesa na iyon ang mga gamit na mga kobyertos. Napaisip siya. Bakit? Nasaan ba ako? Kinagabihan, ganoon ulit ang nangyari. May pumapasok na pagkain at tinatanggap niya. Nagtataka na siya. Kahit buksan niya ang bintana ay wala naman siyang nakikitang tao sa labas. Mataas na pader na ginagapangan lang ng berdeng halaman ang nakikita niya. Para siyang nasa loob ng selda na para sa VIP prison. Oo, para siyang bilanggo roon. Natulog na siya at nagising pero wala pa ring dumarating na tao para bisitahin siya. Nakadama na siya ng pagkainip. Wala naman siya sa ospital. Dalawang araw na siyang naroroon sa kuwarto na iyon. Ni wala siyang dalang personal na gamit dahil naiwan ang bag niya sa istasyon nila. Malamang pinaghahanap na siya ng mga katrabaho niya. Kahit cellphone ay hindi niya nadala. Dahil sa labis na pagkainip ay pinakialaman na niya ang mga gamit sa kuwartong iyon. Binuksan niya ang munting kahon na nasa loob ng aparador. Namangha siya nang makita ang iba’t-ibang uri ng mamahaling bato na siyang laman ng kahon. Ma nakita siyang pamilyar na bracelet. “Teka, akin ‘to, ah,” aniya. Pero ang bracelet na ganoon ang pagkakasalansan ng mga perlas ay ibinigay na niya sa lalaking nagligtas sa kanya noong nakagat siya ng ahas. Iyon lang din ang bukod tanging bracelet na ginawa ng Lola niya na hinaluan ng jade stone. Posible kayang may kapareho iyon? “Bakit narito ito?” nalilitong tanong niya. Para makasigurado, tiningnan niya ang dalawang perlas na may nakaukit na initial ng pangalan niya. Litrang ‘M’ at ‘J’. Meron nga! Kanya nga iyon. Pero naibigay na niya iyon sa lifesaver niyang si Gen, ah? Paano napunta iyon doon? Kumislot siya nang biglang namatay ang ilaw. Nangangapang ibinalik niya ang bracelet sa kahon at ibinalik sa aparador kahit hindi sa maayos na lalagyan. Wala na kasi siyang makita. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ay sumampa siya sa kama at tahimik na naupo.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD