bc

Sangre 6: Riegen Franco, My Devil Lover (Filipino)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
6.1K
READ
possessive
age gap
fated
aloof
confident
tragedy
bxg
mystery
monster
city
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

Tumaas ang standard ni Melody pagdating sa lalake dahil kay Gen, ang lalaking minsang iniligtas siya sa kamandag ng ahas. Sa murang edad ay humanga siya kay Gen na halos doble ang edad sa kanya.

But after almost a decade, she was busy with her profession as a policewoman. She forgets about Gen. Until she meets Riegen Franco, the arrogant, gorgeous engineer and a buyer of her grandfather's property. Dahil sa presensiya ni Riegen ay nabuhay muli ang alaala ni Gen and she insists that they are the same guy, especially when she discovered that Riegen was a vampire.

Mabilis ang pangyayari, hindi siya tinantanan ng lalaki hanggang sa pumayag siyang maikasal dito. Everything seems to be perfect, but later, she noticed some changes in her husband's behavior. Parang may mali.

chap-preview
Free preview
Prologue
Identity: Name:    Riegen Franco Age:       215 years old Height:  6’1’’ Eyes:      light blue Favorite Color: Blue/ Red   Special Ability: He knows how to telekinesis power. He loves endangered species, like venomous snakes. He was able to control nature's element as his special ability.              Short Profile: Riegen was one of the youngest vampires in his generation, but at his young age, he knows how to live free with a human without anyone knows his dark side. He knows a mamba prince as being kind and can possess venomous snakes like black mamba. Aside from his wildness, he has a natural appeal that not all vampires had. He was weird among others and his behavior was difficult to understand when he’s transformed into a vampire.                   Prologue   HINAHAPONG tumigil si Melody sa lilim malaking puno ng sampalok. Kumubli siya sa likod ng puno para hindi siya makita ng mga kalaban nila. Hawak niya ang laruang baril na yari sa buko ng dahon ng saging. Pinagawa pa niya ang laruang iyon sa kababata niyang lalaki na si Martin. Hindi niya alam, magmula lang naman nitong nagsampung taong gulang siya ay nagkahilig na siya sa mga larong panlalaki. Ang mga kapatid niyang lalaki ang madalas niyang kalaro at ilang kapit-bahay. “Melody! Sumuko ka na! Ikaw na lang mag-isa! Bang! Bang!” sigaw ng kuya Ruel niya, na nasa panig ng kaaway. Kinabahan siya nang malamang ubos na ang mga kasama niya. Tumakbo siya palayo sa mga kaaway. Nang matiyak na malayo na siya ay umupo naman siya sa lilim ng punong talisay, kung saan natatakpan siya ng malalagong talahib. Takim-silim na, hindi na niya masyadong maaninag ang nasa malayo dahil nag-aagaw ang dilim sa liwanag, dagdagan pa ng mayayabong na dahon ng matatarik ng punong kahoy. Pinagmasdan niya ang tuluyang paglubog ng araw mula sa dulo ng karawagan. Makalipas ang ilang sandali ay nanlalambot siya. Ginugupo siya ng antok, marahil ay dahil sa pagod. Ilang oras din kasi silang naglalaro at nagtatakbuhan. Sa grupo nila, siya lang mag-isa ang babae. Mayamaya rin ay kumislot siya nang makarinig siya ng tila may humilagpos sa gigilid. Hindi niya matukoy kung ano ang bagay na ito, at hindi rin niya nahimigan kung saang bahagi. Madilim na ang paligid pero naaninag pa naman niya ang daan dahil sa liwanag mula sa maaliwalas na kalangitan.  Akmang tatayo siya ngunit napasigaw siya nang may kung anong kumagat sa kanang hita niya. “Aray!” daing niya nang manuot ang sakit sa hita niya. Nanlaki ang mg mata niya nang mamataan ang malaking ahas sa kanyang harapan. Dumugo ang sugat sa hita niya na siyang tinuklaw ng ahas. Namanhid ang hita niyang nakagat. Tumulay ang pamamanhid na iyong sa buo niyang katawan. Nangatal siya, pinagpapawisan ng malamig at nahihilo na siya. Hindi na niya makita ang ahas. Bigla itong nawala. Tumingala siya. Nakabitin na sa ere ang ahas at hindi na gumagalaw habang hawak ng matangkad na lalaking may maitim na kasuutan mula ulo hanggang paa. Inihagis nito palayo ang ahas, pagkuwa’y dagling umuklo ito sa harapan niya. Walang imik na hinawakan nito ang hita niya na nakagat ng ahas, saka nito banayad na pilisil ang paligid ng sugat. Itinaas pa nito lalo ang maong short pants na suot niya upang makita nito ang buong sugat. Walang anu-ano’y hinipsip ng lalaki ang dumudugo niyang sugat nang paulit-ulit. Ang nakukuha nitong dugo ay idinudura nito. Panay ang daing at iyak niya dahil sa sumisigid na kirot. Hindi tumigil ang lalaki sa ginagawa, hanggang sa pakiramdam niya’y naglalaho ang pamamanhid ng hita niya. Mamaya’y may kung anong dahon itong dinurog at ipinatak ang katas niyon sa mismong sugat niya. Pagkatapos ay tinalian nito ng panyo nito ang hita niyang may sugat. “Ayan, okay na iyan. Siniguro kong wala nang natitirang kamandag ng ahas sa sugat mo,” nakangiting sabi nito pagkatapos gamutin ang sugat niya. Tulalang nakatitig lamang siya sa mukha nito. Mamaya’y may dinukot ito sa bulsa nito. “Sa iyo na ito,” anito saka isinuot sa leeg niya ang isang kuwintas na may pendant na kalahating buwan na may mata sa gitna. “Salamat,” wika niya, malapad ang kanyang ngiti. “Bakit n’yo po binigay sa akin ang kuwintas n’yo?” magalang na tanong niya. Pasimpleng pinagmamasdan niya ang lalaki. Hindi siya sigurado kung ilang taon na ito pero mukhang kaedad lang ng binata niyang tinuhin. May kadiliman kaya hindi niya masyadong maklaro ang mukha nito pero sigurado siya na guwapo ito at malaki ang pangangatawan, matangkad din. Mas matangkad pa ito sa kanyang ama. “Para kapag malaki ka na ay madali kitang mahanap,” sagot nito. Hinaplos nito ang ulo niya. “Kaya huwag mong iwawala iyan kahit anong mangyari. Palagi mo iyang isuot, ha? Proteksiyon iyan sa mga mababangis na hayop at mga sakuna.” Tatangu-tango lamang siya pero ang totoo, hindi niya masyadong nauunawaan ang sinasabi nito. Tumapat sa liwanag ang mukha nito kaya napansin niya ang magandang mga mata nito. Kinabisado niya ang bulto nito at ang kulay ng eyeballs nito na matingkad na kayumanggi, minsan paningin niya ay parang kulay dugo. Parang dugo talaga ito, o baka naman nagmamalik-mata lamang siya. “Melody!” narinig niyang sigaw ng kuya Ruel niya. “Hinahanap ka na ng mga kasama mo, Melody,” sabi ng lalaki. Sumampa ang mabigat nitong kamay sa balikat niya. “Ano ba ang tunay mong pangalan?” tanong nito na kaagad natandaan ang pangalan niya. Parang ayaw pa niyang tumayo. “Melody Jacinto po,” pakilala niya sa buong pangalan. “Salamat po, uncle,” aniya pagkuwan. Uncle ang tawag niya sa mga malalaking lalaki. Ngumisi ang lalaki. “Just call me, Gen,” anito. Inalalayan siya nito patayo. “Ingatan mo ang kuwintas ko, ha, Melody? Para kapag malaki ka na, mas madali kitang mahanap.” Ikinintal niya sa kanyang isipan ang pangalan nito. Namilog ang mga mata niya. “Bakit n’yo naman po ako hahanapin?” curious na tanong niya. “Ahm, para maging magkaibigan tayo.” “Pero kapag malaki na ako, ikaw po matanda na.” Tumawa ang lalaki. Natawa rin siya. Hinaplos nito ang ga-balikat niyang buhok. “Hindi ako tumatanda. Paglaki mo, ganito pa rin ang hitsura ko,” ani Gen. Namangha siya sa sinabi nito. Naguluhan siya sa sinabi nito. “Bakit hindi ka po tatanda?” hindi natimping tanong niya. “Because I’m immortal. Isa akong bampira.” Ang alam lang niya ay bampira, nanonood sila ng horror movie at mga bampira. Natawa siya. Iniisip niya, siguro ay binibiro lang siya ng lalaki. “Hindi po ba sa TV lang ang bampira?” wika niya. “Uhm, yes, pero puwede rin silang maging totoo.” “Talaga po?” Na-excite siya sa sinabi nito. “Yes, kaya ingatan mo ang kuwintas ko. Iyan ang palatandaan ko.” “Sige po!” “Melody! Nasaan ka?!” tawag ulit ng kuya niya. Palapit na ito sa kinaroroonan nila. Tumayo naman si Gen. “Sige na, salubungin mo na ang kasama mo,” udyok nito sa kanya. Aalis na sana siya nang may naisip. “Ay!” aniya at dumukot din sa bulsa ng salawal niya. “Para po sa inyo,” aniya sabay abot sa lalaki ng bracelet na yari sa tinuhog na maliliit na puting perlas at may dalawang perasong jade stone. Bigay pa iyon ng Lola niya noong nabubuhay pa. Kinuha naman ito ng lalaki at isinuot sa kaliwang braso nito. Stretchable ang tali ng bracelet kaya nagkasya sa malaking braso ng lalaki. “Maganda, ah. Para saan naman ito?” anito. “Sabi kasi ng Lola ko, kapag daw may taong tumulong sa akin ay bibigyan ko ng bracelet. Maraming ganyan ang Lola ko. Ang iba ay naipamigay ko na sa mga kaklase kong babae na tinutulungan ako sa mga project ko. Nag-iisa na lang iyan. Namatay na kasi ang Lola ko kaya wala nang gagawa.” Bigla siyang nalungkot. “Oh, sad to know about your grandmother.” Hinagod nito ang likod niya. “Okay lang ‘yan, for sure happy na siya sa heaven. Pero paano ‘yan, wala ka nang bracelet dahil ibinigay mo na sa akin?” anito. “Okay lang po. Para naman ‘yan sa mga tumulong sa akin. Ingatan mo po ‘yan, ah?” “Oo ba.” pinisil nito ang pisngi niya. Pagkuwan ay pinulot niya ang laruan niyang baril. “Aalis na po ako,” paalam niya rito. “Sige. Ingat.” Ngumiti siya at kumaway sa lalaki. “Melody!” tawag na naman ng kuya Ruel niya. “Nariyan na po!” sagot naman niya. Tumakbo na siya patungo sa direksiyon kung saan niya narinig ang boses ng kuya niya. Nag-abala pa siyang lingunin ang lalaki. Nagulat siya nang wala na ito sa kinatatayuan nito. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Hindi na niya ito makita ni anino. Nagpatuloy na lamang siya sa pagtakbo. “Saan ka ba nagsusuot, ha? Gabi na! Nagagalit na si Papa!” sermon sa kanya ni Ruel, nang salubungin siya nito. Napatingin ito sa binti niyang may nakataling panyo. “Anong nangyari sa binti mo?” tanong nito. Kinabahan siya. “Wala po, natusok kanina ng sanga ng kahoy habang tumatakbo ako,” pagsisinungaling niya. Baka kasi bigla siyang dalhin sa ospital kapag sinabi niyang nakagat siya ng ahas. Takot siya sa injection. Takot din siya sa mga doktor at nurse kaya hanggat maari ay ayaw niyang pumupunta sa mga pagamutan. Kaya kahit masama na ang pakiramdam niya ay ayaw niyang sabihin kahit kanino sa pamilya nila. “Tara na. Maghahapunan na tayo. Napagalitan pa tuloy ako ni Papa. Sa susunod huwag ka nang sasali sa laro namin, ah? Sa bahay ka na lang at maglaro ng manika,” palatak ni Ruel nang nagsimula na silang maglakad. Nakabusangot siya. Ayaw na niyang maglaro ng manika. Gusto niya baril-barilan. Inaaway naamn siya ng mga kalaro niyang babae. Hindi raw kasi siya marunong maglaro ng manika. Lalo siyang nalungkot nang mabatid na sa susunod na taon ay lilipat na sila sa Maynila. Mahina na raw ang kita ng mga magulang niya roon sa Cebu kaya uuwi sila sa lugar ng papa niya sa antipolo. Gustong-gusto niya roon dahil malapit sa dagat at kagubatan. Limang taon pa nga lang siya roon sa Mactan Cebu ay babalik na naman sila sa Maynila. Lilipat na naman siya ng paaralan. Panibagong pakikisama na naman sa mga kaklase. Nanlumo siya at inalipin siya ng lungkot. Dumungaw sa bintana ng kuwarto si Melody. Natatanaw niya buhat doon ang karawagan kung saan sila madalas naglalaro ng mga kapatid niya. Marami na siyang magagandang alaala sa lugar na iyon. Pero darating ang araw, makakalimutan din niya ang ilang kaganapan sa buhay niya sa lugar na iyon. Naalala na naman niya ang lalaking tumulong sa kanya nang biglang kumirot ang sugat niya dahil naidagan niya sa matigas na silya. Para hindi niya makalimutan ang pangalan ng lalaki, isinulat niya ito sa kanyang notebook. Itatago niya iyon. Sinubukan din niya iguhit ang mukha ni Gen sa papel. Kahit papano ay marunong siyang gumuhit kahit hindi naman kahusayan ng iba. Hindi naalis ang ngiti sa kanyang mga labi habang iniisip ang lalaki. Sana makita ko siya ulit paglaki ko. Aalis na sana siya sa harap ng binatana nang mahagip ng paningin niya ang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatayo sa lilim ng punong mangga. Itim ang kasuutan nito. Gabi na noon pero maliwanag ang buwan. Napadungaw siya ulit sa bintana. “Si Gen!” tili niya. Kinawayan niya ito ngunit biglang naglaho ang lalaki. Napalis ang ngiti niya. Bakit ito tila umiiwas sa kanya? Alam ba nito na aalis na siya sa lugar na iyon? Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Mabigat ang kanyang dibdib. “Melody! Matulog ka na!” Narinig niyang sigaw ng mama niya sa kabilang kuwarto. Marahil ay narinig nito ang boses niya na sumigaw. “Opo!” pasigaw namang sagot niya. Isasara na sana niya ang bintana nang may itim na ibong dumapo at naghulog ng nilukot na papel. Kaagad din itong lumipad palayo. Pinulot niya ang maliit na papel na nalukot at binuklat. May nakasulat, sulat kamay. Sa bawat panibagong araw, ay may panibagong hamon. Mayroong lumilisan, mayroong dumarating. Subalit ang alaala ng kahapon ay nanatiling buhay sa isipan. Humayo ka at tuklasin ang iyong bagong mundo, subalit bumalik ka kung saan ka komportable at masaya. Dahil ang buhay ay hindi uusad kung wala ang iyong nakaraan. Mag-ingat ka palagi. See you soon… Gen Nag-init ang bawat sulok ng kanyang mga mata at lumaya ang maninipis niyang luha buhat doon. Tumango siya bilang tugon sa sulat. Itinago niya ito. Nakatulog siyang may luha sa mga mata…        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.6K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.3K
bc

Reckless Hearts

read
256.4K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.9K
bc

OSCAR

read
226.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.2K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook