Chapter 4

1645 Words
Mahigit isang linggo na rin simula nang umuwi kami sa Pilipinas, at sa nagdaang mga araw ay tanging tungkol sa kasal at mga kailangang gawin sa opisina ang bukambibig nila mama. Ganoon din naman ang usapan namin ni Kael, ang kaibahan lang ay halatang pareho kaming walang interest dahil sa organizer namin pinapagawa ang lahat maski pa ang mga gowns pati na rin ang damit na susuotin ng mga lalaki. Hindi ko naman ine-expect na magiging lovey-dovey couple kami, lalo na kapag hindi namin kasama sila mama. At isa pa, ayoko rin naman na mapalapit na naman sakanya, dagdag pa yung nasaksihan ko noon sa CR. Napahinga ako nang malalim saka sumandal sa swivel chair ko at hinimas ang sentido. Sa sobrang daming kailangang tapusin na trabaho ay talagang naisingit ko pa sa utak ko ang pangyayaring iyon, napailing nalang ako. Wala sa sariling napatulala ako sa glass window kung saan kitang-kita ang ganda ng mga ilaw sa naglalakihang building. Alas onse na nang gabi ngunit nandito pa rin ako sa opisina, wala na ang mga empleyado ko rito maliban sa mga guards at ang mga tao sa CCTV room. Napahilot ako sa batok, dahil bukod sa tumulala sa laptop ko at mag isip ng kung ano-ano ay hindi ko din natapos ang balak ko sanang gawin. Bukas nalang siguro, next month ko pa naman balak ilabas iyong bagong produkto na naiisip ko. Napabaling ako ng biglang mag beep ang phone ko, there was a text message from Kael. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung ano man ang ipinadala nito. Kael: "Why haven't you come home yet? Where are you?" I sighed, magkasama na nga pala kami sa iisang bahay, ewan ko ba kung anong trip ng mga magulang namin. Ako: "I'm still in the office. I'm just going to get my stuff sorted out and go home." Pagka-send ko non ay ibinaba ko na ang phone ko sa mesa at nagsimulang likupin ang mga gamit kong nakakalat. Hindi naman na ako nagtagal doon at matapos masigurong malinis ang opisina ko at nakuha ang mga kailangan ko'y lumabas na ako. Pagbukas ng elevator ay dumiretso na ako sa exit, bago pa ako tuluyang makalapit doon ay binati ako ng guard, tinanguan ko nalang si kuya dahil wala na akong gana pang magsalita. Nilagpasan ko siya at tinungo ang nag-iisang kulay asul na sasakyan na nakapark sa sulok. Walang alinlangan na binuksan ko ang pintuan ng driver's seat at itinapon sa tabing upuan ang bag na dala ko saka komportableng isinalampak ang sarili sa unang upuan. Pinagana ko ang engene at pinaharurot na paalis ang sasakyan ko. "Oh, I thought you were asleep." Bungad ko sakanya ng maabutan siyang nakaupo at nakasandal sa headboard habang naninigarilyo. "I'm waiting for you." Walang ganang saad niya, napatango nalang ako at inilapag kung saan yung bag na dala ko. "Mags-shower muna ako," sabi ko, bumaling sa'kin ang walang buhay na mga mata nito. Nakatitig siya sa'kin kaya ginantihan ko iyon, ang kaso lang ay bumaba ang tingin ko mula sa dibdib niya na natatakpan ng puting t-shirt pababa sa kulay itim nitong sweatpants. Napalunok ako at dumiretso na sa CR at hindi na inabangan kung may sasabihin ba siya kaya siya tumitig. Matapos kong isuot ang pantulog ko ay lumabas na ako, napatigil na naman ako ng makitang naroon pa rin sa pwesto si Kael at parang hindi man lang ito gumalaw. Mahigit 30 minutes din ang itinagal ko, ah? Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na papuntang kama saka nahiga. Mahina pa akong napadaing dahil sa wakas ay nakapagpahinga na rin ang katawan ko sa malambot na kama. Iniharap ko ang likod ko kay Kael, bahala siya kung ayaw niya pang matulog, basta ako ay antok na antok na talaga. Unti-unti ng lumalalim ang tulog ko nang maramdaman ko ang paggalaw ni Kael sa likod ko at ang pagyakap nito sa baywang ko, napaigtad ako dahil sa ginawa niya. "Bawal 'yan." Saad ko kahit pa nanginginig na ang boses ko, "why?" Tanong nito, aba't?! Malamang naman, no! Wala kaming relasyon! "Dahil ayaw ko, 'yun lang 'yon." Ani ko, narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Please? I'm tired. Pagod na pagod ako, kaya pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang." Aniya, hindi pa rin nito tinatanggal ang braso sa pagkakayakap sa'kin, mas lalo lang iyong humigpit. "At ano naman? Anong kinalaman ng yakap mo sa'kin, huh?" Tanong ko pa, "Ang kailangan ko lang ay ang yakap mo, kapag pagod ako." Nanatiling tikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya, napabuntong hininga nalang ako at hinayaan na yumapos sa'kin ang lalaki. "Thank you." Aniya, tumango ako. Napadilat ako dahil pakiramdam ko ay ang bigat ng dibdib ko, hindi ko ginalaw ang katawan ko at mata lang ang ginamit para tignan kung sinong nakadagan doon. Damn! Naroon si Kael at payapang natutulog, pero mas lalo pa akong nagulat nang makita ko ang braso kong nakapulupot sakanya at ang isa naman ay nakahaplos sa buhok niya, what the hell?! Balak ko sanang itulak siya pero napatitig ako sa mukha nito, ngayon ko lang siya nakitang matulog ng mahimbing, nitong mga nakaraang araw kasi ay mas maaga pa siya kaysa sa'kin kung magising. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayapos ko sakanya at marahang inilapag ang dalawa kong kamay sa magkabilaang gilid nang kama, ayoko siyang magising dahil sa biglaang paggalaw ko. Mamaya nalang siguro ako kikilos kapag nagising na siya, pero paano kung abutin pa ito ng ilang oras bago bumangon? Naknam. Hindi ko na inalala ang mukha nitong payapang natutulog sa ibabaw ng dibdib ko, marahan ko siyang itinulak para mapunta siya sa kanang bahagi nang kama, tagumpay ko namang nagawa iyon, kaso lang ay nagising na siya, "Gutom na ako," palusot ko, sandali niya akong tinitigan bago ngumiti. "Good morning," aniya, Tinanguan ko lang siya saka ako umalis sa kama at pumunta sa banyo para mag-ayos nang sarili. Hindi ako masyadong nagtagal doon dahil wala akong ganang maglagay ng mga skin care na nakasanayan ko noon. Ewan ko ba, patagal nang patagal, patamad ako ng patamad maglagay non. Paglabas ko ay hindi ko tinapunan si Kael ng tingin, feeling ko ay hindi naman niya napansin dahil nakatalikod ito at may kausap sa phone, kita ko lang sa gilid ng mga mata ko. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal, hindi ko na siya kayang hintayin na ihanda iyon, gutom na talaga ako. Eggs, hotdogs, and hams lang ang iniluto ko, pang almusal lang naman eh. Pagtapos ko iyong ilapag sa lamesa ay kumuha na ako ng baso, pinggan at kutsara't tinidor para saming dalawa. Itinimpla ko na rin ang mango juice at nilagay iyon sa mesa kasama ang isang pitsel ng tubig. Sakto namang pag-upo ko ay siyang pasok nung lalaki sa kusina. "Kain na." Anyaya ko sakanya na tinanguan naman nito. Umupo siya doon sa single na upuan, 'yung pinakauna. Nang masiguro na okay na at pwede ng lantakan ang pagkaing inihanda ko ay kinuha ko 'yung kanin na sinangag ko, tapos ay kukuha na sana ako ng ulam pero naunahan na ako ni Kael, siya na mismo ang naglagay ng mga ulam sa pinggan ko. Ngumiti ako sakanya at tumango lang siya. Tahimik kami sa hapag, pero ang puso ko ay nagwawala. Hindi kasi ako sanay na hindi siya pilyo kapag ganitong magkaharap kami, siguro ay ito talaga ang ugali niya, nakakatakot ang itsura niya kapag seryoso. Salubong na salubong ang makakapal ngunit may korteng kilay nito, hindi rin mabasa kung anong ekspresiyon ng mga mata niya, tanging ang lips and jaw lang nito ang gumagalaw bawat subo niya. "Natalie..." Napadiretso ako nang upo nung tinawag nito ang pangalan ko, nag-angat lang ako ng tingin sakanya bago ibalik ang atensyon sa pagkain. "'Yung narinig mo noon sa CR, hindi kami gumagawa nang milagro." Simula niya, napataas ang kilay ko. "Bakit mo sinasabi sa'kin 'to ngayon?" Tanong ko, "dahil alam kong umiiwas ka sa'kin pagtapos nung nangyaring 'yon. Kaya gusto kong linawin ang side ko." Saad niya, "Kung hindi niyo ginagawa ang nasa isip ko, bakit niya iniungol ang pangalan mo?" Sarkastikong tanong ko, katulad niya ay nagulat din ako sa pagkapait ng boses ko don, binitawan niya ang hawak na kubyertos at hinarap ako. "The one that's moaning is not Sandra-" Pinutol ko ang sasabihin niya, "ah, so ibig sabihin ay dalawang babae ang naroon?" May ngisi ko pang akusa sakanya, "what the hell? Ilang beses ko bang sasabihin na wala ngang nangyari samin? At dalawa lang kaming naroon!" Singhal nito, halata sa kanyang mukha ang pagpipigil. "Ano? Gusto mong isipin kong walang nangyari sainyo? Putangina, walang matinong tao ang magsasama sa iisang banyo lalo na kung babae't lalaki ang naroon!" Hindi mapigilang sigaw ko, padabog akong tumayo sa pagkakaupo at aalis na sana pero pinigil niya ang braso ko. "Natalie, wala tayong mapag-uusapang matino kung pareho tayong mainit." Kalmadong saad nito, "hindi ba sabi mo ay hindi na dapat tayo lumalandi sa iba kahit pa hindi totoong kasal itong gagawin natin? Panindigan mo, Kael. Dahil kaya ko iyong gawin hindi mo man sabihin." Sabi ko. Binawi ko ang braso ko sakanya at nagmamadaling umalis sa kusina. Pumasok ako sa kwarto at ini-lock iyon, alam kong mali ang ginawa ko. Hindi ko man lang pinakinggan ang sasabihin niya, pero hindi ko kasi magawa. Nag-uunahan ang galit sa'kin, hindi ko siya magawang pakinggan. Naiinis ako kapag naaalala kong magkasama sila sa banyo nung babaeng iyon, walang ginawa? Ano 'yon, nag kwentuhan lang sila at sa banyo nila naisip na pumunta? Naiiritang inihilamos ko ang palad sa mukha ko. Sinabihan niya ako noon na 'wag na akong lumandi pa sa iba, sinabi niya 'yon! Pero, siya pa ngayon ang gumagawa non! Iniwan na nga niya akong mag-isa sa parke, tapos malalaman ko pa na kaya pala siya biglang nawala ay dahil may kasama siyang iba. Tangina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD