Chapter 3

3617 Words
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, sinong nagsabing pwede nilang pakialaman ang kurtina sa kung paano ito nakaayos noon?! Iritable akong napalingon doon, nung una ay nagtaka pa ako dahil iba ang kulay ng kurtina rito kaysa sa kwarto ko, pero agad ko ring narealize na nasa ibang kwarto pala ako. Babalik nalang sana ako sa pagtulog ngunit ng pagbaling ko sa kanan ay halos sumigaw ako, naroon si Kael at nakaharap sa'kin, payapang natutulog habang nakayakap ang kanang kamay nito sa baywang ko! Itinulak ko siya palayo kaya naalimpungatan 'yung gago. "H'wag mo 'kong yakapin." Saad ko sakanya at pumikit. "What the f**k?!" Bulalas nito, nahuli ko pang sinamaan niya ako ng tingin pagmulat ko ng mga mata ko. "Bakit? Asawa lang kita sa papel, kaya 'wag mo 'kong mayakap yakap at baka masapak kita." Diretsong sabi ko sakanya, "hindi ko naman sadya, ah. Magkatalikod tayong natulog kagabi, malamang ay umiikot tayo sa kama kaya naging ganoon ang puwesto natin." Paliwanag niyang hindi ko pinaniwalaan. "So, sinasabi mo bang ginusto ko rin na yakapin ka?" Pataray kong tanong, ngumisi naman 'yung lalaki. "Oo! Kagabi nga'y habang nakatalikod ako biglang yumapos sa'kin ang malambot mong palad. Hindi naman kita tinulak doon kahit pa nga naiinitan ako!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nang lalaki at sinipa sipa ito hanggang sa makaratjng ito sa dulo nang kama. "Tarantado ka! Hinding hindi ako yayakap sayo, kahit pa umulan ng sandamakmak sa yelo sa mundo!" Sigaw ko sakanya, pero ang gago ay tamang tawa lang habang dinedepensahn ang sarili. "Aminin mo na Talie, namiss mo rin naman ako, diba?" Sinamaan ko siya ng tingin, "walang kwenta. Bakit ko naman mamimiss ang taong gumago sa'kin?" Tawang mapang asar ang pinakawalan nang lalaki pero nawalan ng emosyon ang mukha ko. Ramdam kong maging ang puso ko ay namanhid, kung alam mo lang kung anong sakit ang naramdaman ko noong panahon na 'yon. Baka hindi ka na muling makatawa o makatingin man lang sa'kin ng diretso. 'Yon ay kung mayroon kang pakialam sa'kin noon. "Ginago? Kahit minsan, hindi ko ginawa sa'yo 'yan." Aniya at tinitigan ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit parang nakakapaso ang bawat titig nito sa'kin, parang may halong galit at pananabik kung ito'y tumitig sakin. Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa lalaking seryosong nakatingin sa'kin at bumangon na sa pagkakahiga sa kama. Tinungo ko ang maletang dala-dala ko kahapon at inilabas ang mga gamit na gagamitin ko ngayon araw. Naramdaman ko ang titig ni Kael sa'kin sa salamin, kaya naman ay diretso rin akong tumingin sa salamin na nasa harapan ko. Hindi katulad kanina, seryoso at madilim na ang ekpresyon nang lalaki. Gayundin ang tingin na ipinukol ko sakanya bago ako bumalik sa paghahalungkat ng damit. Inilabas ko lang ang two-piece na kulay red para gamitin sa balak kong swimming mamaya. Sayang naman kasi kung nandito na kami pero hindi man lang kami makakaranas ng pool dito. Tapos ay kinuha ko ang sunscreen, sunblock, lotion at kung ano ano pang beauty products na galing pa sa mismong kompanya ko. Ng mailagay ko na sa isang maliit na bag ang mga dadalhin ko pagbaba mamaya kapag tapos maligo ay ang pamalit damit ko naman ang hinagilap ko. "May balak ka bang mag swimming mamaya?" Kalaunay tanong ni Kael na nananatiling nakahiga sa kama at nakatingin sa salamin. "Hindi ba halata? Kita mo nang nagready ako ng swimsuit eh." Pambabasag ko sakanya, "swimsuit ba 'yon? Akala ko telang hindi naayos ang pagtahi kasi kita rin naman ang kaluluwa mo kapag sinuot mo 'yon." Tila ba nanguuyam ang tono ng boses nito, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Kaya nga swimsuit diba? Dibdib at ang private part lang ang tatakpan. Kung nanonood ka ng mga models o nakapagswimming kana somewhere, malamang ay alam mo ang ibig kong sabihin." Saad ko, hindi niya ako sinagot at tinignan lang ang lace black and white dress na above the knee ang haba na kinuha ko mula sa maleta at ang tube na kulay white pati na ang skintone na cycling. Tumaas lang ang kilay nito bago umiling sa kawalan. "Anong iniiling iling mo diyan?" Tanong ko matapos mapansin ang ginawa niya, "wala naman." Tumayo si Kael sa pagkakahiga saka dumiretso sa banyo, ampotchie! Ako naunang naghanda, pero siya ang unang nakapasok sa loob! Habang hinihintay siyang matapos maligo ay inayos ko nalang lahat ng dadalhin ko pagbaba namin mamaya. Tumagal ng halos kalahating oras ang pananatili niya sa banyo kaya umupo ako sa kama at tumingin sa bintana para masilayan ang kulay asul na langit. Kahit papaano, nakakagaan pa rin ng pakiramdam ang kagandahang mayroon ang kalangitan. Wala sa sariling napangiti ako sa kawalan, kahit pala na sa'yo na ang lahat, hindi parin maiiwasan ang lungkot na sasaglit sa puso mo. Kahit pa makuha mo lahat ng yaman sa mundo, kahit pa mahal na mahal ka nang pamilya mo, hindi pa rin pala maiiwasan na makaramdam na parang may kulang sa buhay mo. Makuha mo man lahat ng luho mo, hinding hindi mo maiiwasan ang makaramdam ng pait sa puso mo, lalo na kapag may sikreto kang tinatago at hindi mo masabi dahil natatakot kang malaman ng iba ang kamalian mo noon. Napabaling ako nang bumukas ang pintuan nang banyo at iniluwal noon si Kael na nakatapis lang ng towel sa baywang. Ilang sandali ang tinagal ng titig ko sa mukha niya bago ibaling sa iba ang tingin ko dahil tumikhim siya, "tapos ka na bang suriin ako?" nangaasar na tanong niya, imbis na patulan pa siya ay tumayo nalang ako sa pagkakaupo at walang lingon lingon na pumasok sa banyo at nilagpasan nalang siya. Pagkatapos kong icheck ang sarili ko sa salamin ay pilit akong ngumiti bago harapin si Kael na naghihintay na nakaupo sa couch. "Tara na, baka kanina pa tayo hinihintay." Sabi ko, sinuri niya ako nang tingin at nakasimangot na tumango at tumayo para hintayin akong makalapit sakanya. Inilahad nito ang braso niya kaya kumapit ako doon para maalalayan niya ako. Walang salitang namuntawi sa mga bibig namin habang lumalakad, pansin ko lang na panay ang tingin nito sa suot kong kulay itim at puti na dress at may lace sa bawat gilid, above the knee ang haba nito at see through kaya kitang kita ang kulay puti kong tube. Pati tuloy ako napacheck sa salamin ng elevator kung may mali ba sa suot ko, maging ang sandals ko na celine ay tinignan ko dahil baka may dumi o ano. Chineck ko rin ang hindi gaanong kakapal na make up sa mukha ko, dahil baka may mga markang naiwan doon na hindi na blend ng maiigi. "May mali ba sa suot ko?" Hindi mapigilang tanong ko sakanya nang makapasok kami sa elevator. "Mayroon, pero kahit sabihin ko naman ay hindi ka magpapalit ng dress." Sibaktong pa rin ang mukha nito kaya ngumisi nalang ako. Nagpatuloy nalang kaming lumakad patungong elevator, bawat makasalubong namin ay bumabati samin, tanging tango lang naman ang tinugon ko pero ang kasama ko ay parang bato at hindi man lang ito bumabati pabalik. Ilang minuto lang ang hinintay namin bago bumukas ang elevator kaya naman agad kaming sumakay doon, "Thanks God! Akala namin ay masyado kayong napagod kagabi at alas siyete na ay hindi pa kayo bumababa!" Napailing ako sa salubong ni mama samin, bumati kami at nakipag beso tapos ay umupo sa mesang inihanda para saming dalawa lang, hmp. Nagulat ako nang hindi na nila kami tanungin kung anong gusto namin at sila na mismo ang nagsabi sa waiter, napahinga nalang ako nang malalim, grabe na 'to. Napatingin ako kay Kael kaya nakita kong nakatitig ito sa'kin, tinaasan ko siya nang kilay pero nanatili sa'kin ang atensyon nito. "Ano bang problema mo?" Hindi mapigilang tanong ko, "ikaw, marami akong gustong itanong sa'yo. Pero sa hindi malamang dahilan, natatakot ako sa posibleng isasagot mo." Makahulugang saad nito, ako naman ang natahimik, may kinalaman ba ang tanong niya sa kung anong nangyari noon? Umiwas ako ng tingin sakanya at sakto namang dumating ang pagkain namin kaya mayroon akong ibang pinagka-abalahan. Aminado naman akong masarap 'yung pagkain, hindi ko nga lang malasap dahil bawat susubo ako ay tititigan ako nang lalaking kaharap ko, tangina. "Pwede bang sa pagkain ka mag-focus at 'wag sa kung paano ko sumubo?" Iritang sabi ko sakanya, napangisi naman 'yung gago, kumunot ang noo ko at saka lang nag sink-in sa utak ko yung nasabi ko. "Bastos." Ani ko, "What? Nakatingin lang ako, ikaw 'tong kung ano-anong sinsabi." Depensa ni Kael, pinandilatan ko siya kaya tumawa nalang ang loko. "Hindi ba kayo papasyal muna dito? Tutal naman ay may ilang araw pang natitira bago kayo uuwi sa Pilipinas." Suhestiyon ni papa na sinangayunan nila mama, kaya naman ay wala akong choice kundi ang pumayag sa gusto nila. Balak ko sanang isama sila Yva pero sila na rin mismo ang tumanggi at sinabing mas maganda kung kaming dalawa lang ni Kael ang magsama upang mas magkakilala kami. Iniikot ko ang mata ko habang naghahanap ng susuotin, kilalang-kilala ko na ang lalaking 'yon noon pa man, sinungaling siya, tsh. Nakakainis, balak ko pa namang mag swimming tapos ay pinapagala nila kami. "Are you done?" Tanong ni Kael mula sa likod ko, "hindi pa, nakikita mo bang nagpalit na ako ng damit?" Pabalang kong sabi, "pakibilisan, hapon na." Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ko ang off shoulder body con dress na kulay burgundy saka ako pumasok sa banyo. Nang matapos akong maligo ay dumiretso ako sa dressing room na karugtong lang din ng banyo, tinuyo ko nang maigi ako katawan ko bago isuot ang undergarments ko na kakulay din ng dress na susuotin ko. Inilagay ko na rin ang skintone ko sa paa hanggang hita bago tanggalin ang towel na nagsisilbing panuyo ng aking buhok. Matapos kong i-blower ang buhok ko ay make-up naman ang ginawa ko, dahil natural na wavy ang buhok ko ay hindi kona kailangan pang kulutin iyon o lagyan ng design dahil kusa na iyon. Manipis na powder, mascara, blush on na light red, eyebrow, eye liner and light red lipstick, Done. Isinuot ko na ang Burgundy dress ko na tinernuhan ko ng Odeli d'Orsay Flat cream na may pagka-pink ang kulay non. Matapos kong ayusin sarili ko ay lumabas na ako ng dressing room, naabutan kong nakaupo si Kael sa kama at nakatitig sa kawalan. "Tara na," agaw ko sa pansin nito, bumaling ito sa'kin nang nakangisi pero agad din na napalitan iyon ng pagkatulala. "W-what the f**k are you wearing..." Usal nito, tinarayan ko siya, "damit malamang, bilisan mo na, akala ko ba ay hapon na?" Asar ko pa sa lalaking tulala pa rin na nakatingin sakin. Hindi ako mapakali sa pagtitig niya, nanginginig ang tuhod ko. "A-ano ba?!" Singhal ko, napakurap-kurap ang lalaki bago naiiling na tumawa. "This is so fucking..." Bulong pa nito na narinig ko naman, "hindi ka pa ba tatayo riyan? Mauuna na ako kung ganoon." Inirapan ko pa ang lalaki bago magpatiunang lumakad palabas ng pinto, hanggang sa tuluyan kong mabuksan ang pintuan ay hindi pa rin ito gumagalaw sa kinauupuan. Sumandal ako sa hamba ng pinto saka siya pinakatitigan, "tititig ka nalang ba sa'kin?" Pagtataray ko, umismid siya saka tumayo at pinagpag ang suot niyang asul na polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko, tinernuhan ito ng lalaki ng kulay itim na pantalon ay brown na sapatos. "Yeah, yeah, let's go..." "Dito muna tayo!" Sigaw ko sabay nguso, kulang nalang ay hilahin ko ang lalaki para lang pumayag ito na sumakay kami sa carousel, "no, I won't ride that shit." May diing saad nito, pinaglandas pa nito ang daliri sa buhok nitong kanina pa magulo dahil sa kakahagod niya. "Bakit ba kasi?! O sige, ako nalang ang sasakay." Ani ko saka ako pumila para makabili ng ticket, minsan lang naman eh. At isa pa, ano naman kung hindi na kami bata? Malalaki naman ang kabayong narito, at hindi lang naman mga bata ang nakasay, ah! Hinawi ko ang buhok kong tumatama sa pisngi at labi ko, tapos ay gamit ang panyo pinunasan ko ang pawis na lumandas sa leeg ko. Napalingon ako kung nasaan si Kael kanina, wala na siya roon, siguro ay nainip na at pumunta sa ibang lugar. O baka naman ay umuwi na dahil hindi naman talaga niya gustong pumunta rito. Ipinilig ko ang ulo ko saka itinuon ang atensyon sa pila, bahala siya sa buhay niya, kung ayaw niya edi 'wag! Bakit ko ba naman kasi naisip na yayain pa siya? Kahit noon pa man ay hindi na niya sinusunod kung anong gusto ko, ni minsan nga ay hindi pa kami pumupunta sa park! Nang maalala ko yon, napahinto ako sa paglakad. Sabagay, ano nga ba ang aasahan mo sa isang taong hindi mo naman karelasyon. Ano mang sabihin o gawin mo ay wala siyang pakialam dahil wala namang kayo. Dahil sa naisip ay nawalan na ako ng ganang sumakay pa sa carousel, umalis ako sa pila at umupo sa bench. Tumingin ako sa langit dahil pakiramdam ko ay sa ano mang oras ay tutulo ang luha ko, what happened before was never really his fault. It was my fault for believing him, for trusting him, for loving him... Loving someone without committing to them is all wrong, dahil wala kang karapatan sakanila. Ang nangyari samin noon ay hindi matatawag na relasyon, isa iyong pampalipas oras lang, pampalipas ng init ng katawan. Kaya hindi ko maintindihan ang galit na naramdaman ko noong nakita ko siya sa club. Sa sobrang galit at kalasingan ay hindi ko siya nakonpronta. Umalis ako sa club na 'yon na masama ang loob, kung siguro ay inisip ko ang kalagayan ko noon kaysa sa ibang bagay, wala siguro akong pagsisisihan ngayon dahil sa katangahang desisyon ko. Kahit nakatingala ay hindi parin nito napigilan na kumawala ang mga luha sa mata ko, isang tahimik na hikbi ang pinakawalan ko. Mabuti na lamang at narito ako sa sulok at busy ang mga tao sa kanya kanyang gawain, isa pa ay medyo madilim na rin kaya hindi na ako pansin dito kahit magdamag akong umiyak. Pinilit kong pakalmahin ang sarili, pero habang ginagawa ko 'yon ay patuloy na bumabalik ang ala ala sa isip ko. Paano kung hindi ako nagpumilit magmaneho nung panahong iyon? Paano kung hinayaan ko nalang sila at hinintay sila Yva na umuwi? Anong mangyayari kung hindi ako nagpakalasing noong panahon na 'yon? Mas lalong lumakas ang hikbi ko, sorry, I'm really sorry. Kanina ko pa tinatawagan si Kael pero hindi ito sumasagot, nagri-ring naman ang cellphone niya, ah? Kung pwede lang na mauna na akong umuwi sakanya ay kanina ko pa ginawa! Nilalamok na ako dito sa pwesto ko, pero ang lalaking 'yon ay hindi pa rin sinasagot ang tawag ko! Kung saang lupalop man siya nagpunta ay sana hindi siya masaya. Naiinis na ipinadyak ko ang paa ko sa sahig, nababaliw na ba ito?! Bakit niya pinatay ang phone niya?! Grr! Halos maibato ko ang cellphone ko sa inis, konti nalang talaga at tatawagan ko na ang driver namin para magpasundo. Para naman malaman nila mama na hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking ito, dahil sa oras na kailangan siya ay bigla itong mawawala! Lagpas isang oras na rin simula nung magkahiwalay kami, ni hindi man lang nag-abalang itext ako kung saan kami pwedeng magkita para makauwi na! Badtrip! Umalis nalang ako sa pwesto at nagikot-ikot nalang muna sa bawat sulok ng parke na 'yon. Siguro ay nageenjoy iyon na maging mag isa at nakikipagusap sa mga babaeng natitipuhan nito, katulad noon. Napangisi ako nang makita ang malaking mall, hmm, siguro ay nandito iyong lalaking 'yon. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok doon, ang una kong pinuntahan ay ang cinema, baka kasi trip niyang manood, diba. Iniikot ko ang paningin ko sa bawat sulok doon, pero hindi ko siya nakita. Bagsak ang balikat na lumabas ako doon, talaga bang ngayon niya pa naisip na makipag hide and seek sa'kin? Napanguso ako, ang lakas talaga ng tama ng lalaking iyon, akalain mo ba namang iniwan ako mag isa. Natawa ako sa naisip, lagi naman niya akong iniiwanang mag isa. Ano pa bang bago rito? Kahit pa umulit ang panahon, hindi magbabago ang trato niya sa'kin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha, bakit ba napakahina ko kapag tungkol na sakanya ang usapan? Siguro ay dahil kahit matagal nang panahon na lumipas, ay nandito pa rin ang sakit at poot sa puso ko. Siguro, katulad nung una, hindi ko parin matanggap ang lahat ng nangyari noon. Walang buhay akong naglakad patungo kung saan, ewan ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung saan nalang siguro huminto ang paa ko ay doon ako. Napatigil ako sa paglakad ng mapansin ang papasukan ko, napasapo ako sa noo nang makita kong sa lalaking CR 'yon. Muntik pa akong masabihang namboboso don, ah! Liliko na sana ako para tunguin ang CR ng mga babae, kaso ay agad din na napahinto ng may marinig akong mahinang daing ng babae sa loob ng CR ng lalaki. What?! Tama ba ang naririnig ko o sadyang sabog lang ako?! Paano naman magkakaroon ng babae sa CR ng boys?! Nilibot ko ang mata ko sa paligid, walang tao, dahil bukod sa may hallway pang dadaanan bago makapunta sa banyo, alas otso narin nang gabi. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto hindi naman sa pagiging chismosa, curious lang. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang daing ng babae, tila ba ay pigil na pigil nito ang boses na lumakas pa. Lalong kumunot ang noo ko sa narinig na inusal nga babae. "Kael..." Para akong nanigas sa pagkakatayo ng maging malinaw ang pagkakaintindi ko sa ngalan na tinatawag nang babae. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Siguro ay mali lang ang pagkakarinig ko? Pero, ano namang paki ko kung sakaling may milagro nga silang ginagawa? Hindi naman kami kasal at isa pa wala akong karapatan! Pero, kung sakaling siya nga 'yon ay sana naman nagsabi siyang mauna na akong umuwi, hindi yung naghihintay lang pala ako sa wala. Naghihintay na bumalik siya, naghihintay na susunduin niya ako sa lugar kung saan niya ako iniwan. Mapait akong napangiti, hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin ako sa imposibleng mangyari. Wala kaming relasyon, ang magaganap na kasal sa susunod na buwan ay ang mga magulang namin ang may pakana. Kaya kahit ano pang kagaguhan ang gawin niya ay okay lang, dahil hindi naman kami opisyal na magkarelasyon, katulad noon. Napailing nalang ako, balak ko na sanang lisanin ang lugar pero biglang tumunog ang cellphone ko. Sa sobrang pagpapanic ay hindi ko malaman ang gagawin ko, kung tatakbo ba ako doon palayo, kung papatayin ang cellphone ko o ang tumatawag nalang. Mabilis kong tinanggal ang ringtone nang cellphone ko, alam kong narinig din nung mga nasa loob iyon dahil nawala ang daing nung babae. Pinihit ko ang banyo para sa mga babae para sana doon magtago kaso ay nakalock naman! Bakit? May tao ba dito?! Pumihit nalang ako patalikod at nakayukong tumakbo, kaso lang ay bago pa mangyari 'yon ay bumangga ako sa dibdib ng kung sino! Putang buhay 'to! "I'm sorry, miss. Are you okay?" May pagaalalang tanong nung lalaki, tumango nalang ako. Aalis na sana ako kaso tinawag ako nung lalaking nakabangga ko, paglingon ko ay saktong bumukas ang pinto nang banyo at nagtama ang mata namin ni Kael. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito pero wala akong paki! Nakakahiya, baka kung anong isipin niya! "Hey, mukhang masama ang pagkakabangga mo sa'kin dahil namumula ang buong mukha mo." Tawag pansin sa'kin nung lalaking nabangga ko, inalis ko ang tingin kay Kael at bumaling sa lalaki. "Pasensya na sa abala, pero ayos lang ako. Mauna na ako." Saad ko bago nagmamadaling lisanin ang lugar na 'yon. "Kael!" Dinig kong tawag nung babaeng kasama ni Kael sa banyo, "Natalie!" Tawag ni Kael sa'kin, Hindi ko siya nilingon at tinakbo na ang daan patungong parking, bakit ba hindi ko naalala kanina na dito pala niya iniwan ang sasakyan niya? Sana ay dito nalang ako dumiretso, sana hindi ko nalang narinig 'yon. Habol ko ang hininga ng makarating ako doon, sa sobrang kaba ay nakalimutan ko kung anong kulay at itsura nang kotse nang lalaking iyon. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad-takbo na ginagawa, siguro naman ay mamumukhaan ko iyon kapag nakita ko. Halos mapasigaw ako ng biglang may humatak sa braso ko at hilain palait sakanya, iniharap niya ako sakanya. Saka ko lang siya tinignan sa mata, halata ang pagkahingal nito at ang pawis na walang awat na tumutulo mula mukha hanggang sa leeg. "Ano 'yon? May kailangan ka?" Walang ganang tanong ko, "it's not what you think." Aniya, nagtaas ako nang kilay. "Why? Alam mo na ba ngayon kung anong nasa isip ko?" I asked him, sarcastically. "Let me explain, please..." He pleaded, I smirked. "Magsisinungaling kana naman? Bumalik ka sakanya, baka nabitin ka lang kaya ka ganyan." Bakas sa boses ko ang pagka-ampalaya, marahas kong binawi ang braso kong hawak niya. "Wala kaming ginagawang ganoon!" Pigil na singhal nito, "sinong ginagago mo?! Narinig ko siya, Kael! Narinig ko ang pagdaing niya sa pangalan mo!" Napapitlag ito sa pagsigaw ko, biglang lumambot ang tingin nitong kanina ay nagaalab. "Hindi kita pipigilang gawin ang mga bagay na nakasanayan mo, pero sana naman nag text ka. Hindi yung tawag ako ng tawag pero hindi ka sumasagot! Pinatayan mo pa ako!" Kumunot ang kilay nito dahil sa sinabi ko. "Natalie, please. Walang nangyari samin ni Sandra." Tumango nalang ako sa sinabi niya. "Gusto ko nang umuwi, gabi na masyado at pagod na rin ako." Saad ko, sandali ako nitong tinitigan bago tumango . "Okay...we'll go home now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD