Chapter 2

4704 Words
Habol-habol ko ang hininga ko habang nakatingin sa salamin, tangina talaga nang lalaking 'yon! Matapos niyang sabihin 'yon kanina ay humarurot na ako paalis doon, hindi ko man lang nilingon sila mama nang tawagin ako, badtrip! Ngayon tuloy ay halos kalahating oras na akong nakatambay dito sa banyo. "Natalie! Ayos ka pa diyan, te?" Narinig ko ang boses ni Yva mula sa labas, Huminga ako nang malalim bago umayos nang tayo at tumungo palabas ng pinto. Sumalubong sa'kin ang nag-aalalang mata nung dalawa, "anong nangyari? Tinawagan kami ni tita dahil bigla ka raw umalis kanina." tanong ni Elliera, "sumama kasi bigla ang tiyan ko," palusot ko, tumango nalang sila kahit halatang hindi naniniwala. "Balik na tayo doon, may nakita akong pogi." Sabat ni Yva na nakalagay pa sa mukha ang dalawang palad, "mas pogi pa rin si Nathan." Napailing nalang ako dahil sa sinagot ni Elliera, "tara na." Yaya ko sakanila, agad naman silang sumunod sa likuran ko. "Natalie, what happened? May masakit ba sa'yo? Gusto mo bang ipadala kita sa hospital?" Napahawak ako sa noo ko dahil sa sunod-sunod na tanong ni mama, "ayos lang po ako, wala kayong dapat ipag-alala." Sagot ko sakanya bago iikot ang paningin ko, hindi dumagdag at hindi rin nabawasan ang mga taong narito kanina. "Sigurado ka iha? Baka gusto mo nang magpahinga, mayroong suit ang anak ko dito. Maari kayong magsama sa iisang kwarto, dahil next month naman na ang kasal niyo." Para akong nabingi at namanhid dahil sa sinabi ni Mrs. Zamora, next month agad?! Para akong aatakihin sa puso dahil dito, eh! "Teka, kasal?!" sabay na singhal nung dalawa, "ay, hindi ba kayo nasabihan ni Natalie? Ikakasal siya sa anak ko, napag-usapan na namin ito." Sagot ni Mrs. Zamora sabay nguso sa anak niyang nakamasid lang samin...sa'kin. Hindi ko nalang siya pinansin at iniwas ang tingin ko sakanya. "Seryoso po ba?!" Para 'kong bumalik sa reyalidad nung marinig ko ang boses ni Yva, "s**t! Mahihimatay yata ako! 'Yung prince charming ko ikakasal sa iba! Ang malala, sa bestfriend ko pa!" Tila ba hinayang na hinayang ang boses at mukha nito, "para ka namang ano, isipin mo nalang nananaginip ka tapos bigla kang sinampal kaya ka nagising." Asar pa ni Elliera, "atleast ako nagising, eh ikaw? Kahit yata sapakin kana hindi ka pa rin gigising sa katotohanang wala kang pag-asa diyan kay Nathan!" Ngumisi si Yva pero sumama ang mukha ni Elliera, hindi ito sumagot kaya ngiting panalo si Yva. "Mama, kailan po ba magsisimula ang-" Inilagay ni mama ang hintuturo niya sa pagitan ng labi ko, "magsisimula na." Aniya ng may ngiti sa labi, "tayo na at bumaba." Tumango nalang ako sa sinabi nito at pinauna na silang lumakad. "Sis, kapag sawa kana at ayaw mo na sakanya, bigay mo sa'kin. Ako naman, sharing is caring!" Napairap nalang ako dahil sa kabaliwan ni Yva, "alis na. Susunod ako." Ngumiti lang ito sa'kin at yumakap kay Elliera kahit tinataboy siya nito, masama siguro ang loob dahil sa sinabi nito kanina. Natawa nalang ako dahil sa mukha ni kuya Nathan, namula iyon at nag-iwas siya ng tingin, matagal naman na niyang alam na may gusto si Elliera sakanya, sadyang wala lang talaga itong interest sa love. Napaigtad ako nang pumulupot ang isang braso ni Kael sa baywang ko, kaya naman napatingin ako sa lalaki na ngayon ay nasa kaliwa ko at may nakakalokong ngisi sa labi. Lumingon din siya sa'kin nang mapansin ang titig ko sakanya, mas lalong lumawak ang ngisi nito saka dahan-dahang inilapit ang bibig sa tainga ko. "Talie...baby," bulong nito, hindi ko alam kung bakit ako nanginig dahil sa sinabi nito, dahil ba sa napakalandi ng boses niya at ang init ng hininga niya?! O dahil sa ganoong paraan niya sinabi iyon noon...putapita! Itinulak ko siya palayo, narinig ko pa ang mahinang hagikhik niya bago ako nagpatiunang lumakad palayo, bwisit! Nagmamadali ngunit maingat akong bumaba sa hagdan, kahit pa araw-araw akong nakatakong ay kailangan ko pa rin na mag-ingat lalo na sa hagdanan, baka mamaya ay matisod ako at ito pa ang ikamatay ko. Joke. Ngunit sa kasamaang palad ay natapilok ako, kung kailan namang isang hakbang nalang! Handa na sana akong bumalanse para tuluyang hindi matumba pero may sumalo sa'kin bago ko pa magawa ang nasa isip ko. Awtomatikong napapikit ang mga mata ko nang lumapat ang ulo ko sa matigas nitong dibdib, ang dalawang braso ng lalaki ay mabilis na pumulupot sa aking baywang, samantalang ang isang kamay ko'y umikot patungo sa likod niya at ang isa ay nakalapad sa dibdib ng lalaki. "Are you okay, miss?" The man asked me, ako naman ay tumango-tango habang unti-unting binubuksan ang mata, hindi pa ako nakakainom pero nahihilo na ako. "I'm fine, salamat-i mean thanks." Pasasalamat ko bago bumitiw sa pagkakakapit sakanya, ngumiti naman ito kaya lalong naging singkit ang mga mata niya. "Pilipina ka?" Namilog ang mata ko sa tanong niya, "nope, pero doon na ako pinalaki ng parents ko." sagot ko. "Ako rin," kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "sa pilipinas ako pinalaki nila mama." dugtong niya pa, tumango nalang ako tapos ay nilibot ng tingin ang paligid, balak ko na sanang magpaalam nang makita ko sila Yva na nakatingin samin pero naglahad ng kamay yung lalako sa harap ko. "I'm Kirk Herson. What's your name?" Ngumiti ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Natalie, it's nice meeting you, Kirk." Ngumiti din siya sa'kin, hindi naman nagtagal ang pagshake hands namin, baka kasi makita nila mama at isipin nilang nakikipag-flirt pa ako sa iba kahit na malapit na ang kasal ko. Tumingin ulit ako kila Yva pero nagthumbs up lang ang mga ito sa'kin, ano yon? Nakakunot ang noo kong nakatitig sakanila, pero tumawa lang ang mga loko at hinatak ang dalawang lalaki na dumaan sa harapan nila at nakipag-sayaw. Napansin siguro ni Kirk na lagpas sakanya ang tingin ko, kaya naman nilingon niya rin ang pwesto nung dalawa. "Mga kaibigan mo?" tanong niya, "yeah," simpleng tugon ko, magsasalita pa sana si Kirk pero bigla itong natigilan at napatitig sa likuran ko. "Are you both done talking? Your mom called me, she's asking where we are. They were going to start the celebration. Hurry." Napairap ako sa hangin nang marinig ko ang boses nung gago, sinundan ko lang ito ng tingin dahil lumagpas siya sa'kin at tumungo kung saan. "Oh, is he your boyfriend?" alinlangan pang tanong ni Kirk, "no, my fiance." His eyes widened and his mouth curved 'O'. "You're getting...married?" I sighed, "arranged married." pagtatama ko, pero ang mukha nung lalaki ay naging masigla ulit. Hindi naman 'to totoong wedding, kung hindi lang nagpaawa si mama ay hindi ako papayag sa kabaliwang 'to! "Ibig sabihin ay hindi niyo gusto ang isa't-isa?" Ngumisi ako dahil sa tanong niya, ako? Kami? Magugustuhan ang isa't isa? Mukhang mauuna pang bumigay ang mga tuhod ko bago mangyari 'yon. "Malabo, masyadong mayabang at mataas ang tingin ng lalaking 'yon sa sarili niya." Tumawa yung lalaki na para bang isang malaking katatawan ang sinabi ko, may mali ba? Totoo naman na mayabang siya. "Really?" Tumango ako, "siya nga pala, mauna na ako sa'yo. Paniguradong hanap na ako nila mama." Muli itong ngumiti sa'kin, "sure." Aniya at inilahad ang kamay para ituro ang direksyon na tatahakin ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at agad nang umalis doon para puntahan ang iba. Lalagpasan ko nalang sana sila Yva dahil may ibang kasayaw pa ito pero iniwan nila iyon at kumapit sa braso ko. "Sino 'yong lalaki? Ang pogi, huh! Mata palang, maglalaway kana!" Natawa ako sa sinabi ni Yva, "gago, si Kirk yon. Pero tama, ka pogi nga siya." sang-ayon ko pa, totoo naman, manipis at mapula ang labi nito. Perkpekto rin ang kilay na para bang pinatattoo niya 'yon, ang mata nitong kulay asul pati ang matangos na ilong at ang jawline nito na ang sarap sigurong halikan. "Masyado talaga kayong lalakero, 'di niyo 'ko gayahin." Pareho kaming huminto ni Yva at tinignan si Elliera mula ulo hanggang paa, "gayahin? Anong gayahin? Gusto mong pahalagahan namin ang isang lalaking walang paki at hindi kami pinapansin?" Muntik na akong bumulalas nang tawa dahil sa pilosopang sagot ni Yva. "Sa ganda naming ito, sa tingin mo ba hahayaan naming maging sunud-sunuran sa lalaki na parang aso? No way, kung ayaw sa'tin 'wag natin ipilit. May darating pang iba na hindi mo kailangang mag hubad sa harapan nila para lang makita nilang mahalaga ka." tila isang anghel ang dumaan dahil natahimik kami pare-pareho, bakit ko ba naman kasi naisip na sabihin yon?! "S-sorry..." sinserong saad ko, "no need, tama ka. Bakit pa ba ako nagpapakatanga? Hahaha, tara na." Nagpatiunang umalis si Elliera, kami namang dalawa ay naiwan. s**t! Bakit ba naman kasi, hayyy. "You know that I didn't mean it." Tinapik-tapik ni Yva ang balikat ko, "I know, she knows. We both know. Tama ka naman eh, masaya akong kahit kapatid mo siya ay hindi mo siya kinampihan." Pilit itong ngumiti atsaka sumunod na rin sa iba. Pinanood kong lumakad ito papalayo sa'kin, ayoko lang naman na umasa si Elliera na darating ang panahon na magiging sila ni kuya Nathan. Ayokong asahan niya na baka hindi ngayon ang panahon nila, ayokong marinig na naman sakanya na baka sa susunod na taon ay himalang mahulog ang loob ni kuya sakanya. Malabong mangyari iyon, sa sobrang labo ay hindi ko maipinta iyon sa isip ko. Dahil kahit anong gawin niya, hindi siya magugusuthan ng isang taong walang intensyong mahalin siya. Hindi mo mapipilit na suklian ka ng taong gusto mo dahil wala naman siyang obligasyon na gawin 'yon, wala siyang sinabing gustuhin mo siya kaya wala kang karapatan na sabihin na dapat ay gusto ka rin niya. Napailing nalang ako, sa dinami dami ng pwedeng mahalin, doon pa talaga sa walang chance tayo naaning. Tinungo ko na rin ang pwesto nila mama, nakita ko pang parang may hinahanap si mama ngunit nung makita ako ay napanatag ang mukha nito. Pilit nalang akong ngumiti at saka umupo sa pinakadulong upuan, pagod na akong makipag-socialize. "That guy, are you interested in him?" Muntik pa akong mapatalon nang biglang may nagsalita, "sinong guy?" takhang tanong ko sa lalaki. He scoffed, "the one that you were talking down the stairs." tumingin ako kay Kael, "wala ka ng pakialam doon." pagtataray ko, "anong wala? Asawa kita." ako naman ngayon ang nanunuyang umubo. "Asawa? Masyado pang maaga para managinip ka, isang buwan pa bago maging opisyal ang pesteng arrange marriage na yan." inis na saad ko, "arrange marriage?" Nakakunot ang noo nito pero malamig ang tingin sa'kin. "Bakit hindi ba? Ang mga parents lang natin ang nagdesisyon na magpakasal tayo dahil sa negosyo nila." Inirapan ko siya saka ako dumekwatro. "Kasal pa rin 'yon. Basta may marriage 'yun na 'yon." Para bang pagod na ang boses nito, hindi ko nalang siya pinansin kahit umupo siya sa tabi ko. "Do you want to dance with me?" Napatingin ako kay Kael dahil sa sinabi niya, "ayoko, mamaya patirin mo pa ako." sagot ko, kaso mukhang mali yata. Malungkot na gumuhit ang ngiti sa labi niyo, yumuko at tumawa ng mahina. "Yeah, right. Bakit mo gugustuhing makipagsayaw sa gago na tulad ko?" Napatitig ako sakanya dahil doon. Gago ka naman talaga, bosit! "Iyak ka muna," Nginisian ko pa ang lalaki, ang akala ko ay makikisabay siya pero hinawakan lang nito ang kamay ko at saka tumitig sa mga mata ko. "Talie," Napalunok ako dahil sa tono ng boses nito, napakalambing non at parang nagmamakaawa na, marahan niya akong hinatak para maglapat ang katawan namin. Ipinuwesto niya ang kanyang labi sa tainga ko, "makisama ka naman, may nagmamasid sa'tin. Kailangan nilang makita na masaya tayo sa desisyon ng mga magulang natin." Napalitan ng pagkainis ang kabang nararamdaman ko kanina. Gusto ko siyang itulak kung hindi ko lang napansin na nakitingin sila Mrs. Zamora at sila Mama samin. Pilit akong ngumiti kay Kael, "f**k you, sana maging masaya ka bago magsusunod na buwan, dahil pinapangako ko sa'yong hindi ko papatahikim ang sistema mo." Lumayo ako sa kanya matapos kong ibulong iyon. Ngiting ngiti naman si gago, nauna na akong tumayo sa harap niya at hinintay siya. "Let's go." aniya at hinawakan ang palad ko saka ako hinatak sa may gitnang bahagi ng sayawan, nakisingit pa ito sa iba para lang marating namin young bahaging iyon. "Kailangan ba dito? Pwede naman sa sulok nalang." hindi niya ako sinagot at pinagmasdan lang ako mula ulo hanggang paa, pagtapos ay napabuga ito ng hangin saka seryosong tumingin sa'kin. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko, nakatitig lang ito sa mata ko na para bang nagsusumamo na tanggapin ko iyon. At para wala ng away ay matapos titigan 'yon ay tinanggap ko na, yumukod ito nang konti bago ako hawakan sa balakang at hilahin palapit sakanya. Sa sobrang gulat ko'y kamuntikan pa akong mapasigaw. "Magdahan-dahan ka nga!" Mahinang singhal ko sakanya, "alam mo bang hindi bagay yung suot mong damit-" kinurot ko ang kamay nyang hawak ko kaya napadaing ito. "Ano bang pakialam mo? Saka pwede kong suotin lahat ng gusto kong suotin dahil ako naman bumili nito!" Iritadong sabi ko sakanya. "That's not what I want to say." Tumatawa tawa pa ito, "ang ibig kong sabihin ay hindi bagay ang suot mong skirt at iyang tube mo na sana nag bra ka nalang sa sobrang iksi. Anniversary ang pinuntahan mo hindi club." Tila ito pa ngayon ang agrabyado saming dalawa dahil nakasimangot siya. "Ano naman kung maiksi ang tube ko? May ipagmamalaki naman ako. Atsaka pareho lang 'yon, hindi ka man sa club nagsasayaw atleast sumasayaw ka pa rin." Naiiling pa ito na parang ayaw tanggapin ang sinabi ko, pakilamero talaga eh. "Alam kong may ipahmamalaki ka, pero hindi mo kailangang ipangalandakan na mayroon. Nakakapikon ang tingin ng ibang lalaki sa'yo dito." Halata sa mukha nito ang pagkabanas at ang panga nitong umiigting sa t'wing babaling ang tingin sa ibang lugar. Sinundan ko ang nga tinitignan niya at tama siya, marami ngang nakatingin sa'kin na parang hinuhubaran na ako sa isip nila. "Hayaan mo sila, mayroon naman ang coat na nakatakip eh." Pagsabi ko non ay sa'kin naman bumaling ang matalim nitong tingin. "Ano? Kahit pa may coat ka nakikita pa rin ang legs mo, cleavage, at iyang puson mo!" Napataas ang kilay at ang sulok ng labi ko dahil sa sinabi at ang reaksyon ng mukha niya. "Bakit, selos ka?" mapang asar na tanong ko, tila parang nahimasmasan ito at agad na inayos ang postura namin. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa sayaw namin. "Ang boring ng slow dance." Sabi ko, pero hindi niya ako pinansin at tinuloy lang ang pag-agapay sa'kin. Ngumuso nalang ako at sinabayan ang bawat hakbang at ikot namin. "Kael.." Muling tawag ko sakanya, walang buhay ang mga mata nitong tumingin sa'kin. "Nabo-boring ako dito, gusto mong tumambay sa pool?" Tanong ko sakanya, "ayoko, ikaw nalang ang pumunta roon." Sagot niya at binitawan ako, tumayo lang siya sa harapan ko habang nakapamulsa. Naguguluhang nakatitig ako sakanya, anong trip niya? Pati tuloy ang ibang kadikit naming nagsasayaw ay napahinto dahil nababangga kami. "Ang akala ko ba pupunta ka sa pool side? Alis na." Matigas na saad nito, napakurap-kurap ako saka ngumisi sakanya. Moody ampota. "Okay, pag hinanap-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumalikod ito at naglakad palayo sa'kin. Aba?! Napakagago talaga nung lalaking 'yon. Kani-kanina lang ay nagagalit, tapos ngayon ay hindi naman namamansin, naga-adik ba siya?! Pinadyak-tadyak ko ang nga paa ko sa sahig saka umirap bago tuluyang umalis sa sayawan at pumunta sa pool side. Nakakirita siya! Walang pinagbago, kahit limang taon na ang nakalipas, gago pa rin siya! Hindi ko man makita ang sarili ko sa salamin, alam kong sa mga oras na ito ay hindi maipinta ang mukha ko. Naglabas ako ng isang malakas na pagbuga bago tanggalin ang Valentino sandals ko at ilagay sa bandang kanan ng uupuan ko. Naupo ako sa dulo ng pool at binabad ang dalawang paa ko na kulay nude ang kuko at kakatapos lang i-pedicure. Tahimik akong pinagmamasdan ang ganda ng paligid, talaga namang kumikinang ang bawat tignan mo dito. Asul na asul ang kulay ng tubig sa pool, sosyal sa sosyal kung titignan ang glass na bubong na humaharang sa itaas na bahagi para kung sakaling umulan ay hindi papasukan ng tubig ulan ang bawat parte dito sa loob. Bale tatlong pool ang mayroon dito, isang mahaba at 6ft, isang square ang hugis at 4ft lang at ang langhuli ay bilog na pool na mayroong 1ft. Pero hindi 'yon hiwa-hiwalay, kumbaga iisang pwesto lang sila pero iba-iba ang tubig dahil paniguradong may mga batong nakaharang sa ilalim non. Ang 6ft ang siyang unang mapagtutuunan ng pansin, ang 4ft ang pangalawa dahil nasa dulong bahagi ito ng 6ft, ang 1ft naman na hugis bilog ay napapagitnaan ng 6 at 4ft. May anim na cottage din sa bandang dulo sa kanan at anim na cr ang katapat non pero ilang metro din ang lalo ng pagitan ng dalawa. Sa taas non ay mayroon pang mga cottage na anim din kung bibilangin at ganoon din ang cr. Ibinalingin ko naman ang tingin ko sa bandang kaliwa, mayroon doon na isang maliit na bar para bilhan ng alak kung tinatamad ng pumasok sa loob. Sa tabi nung malaiit na bar ay ang mga lamesa na european style, pabilog ito na pang magkarelasyon o dalawahan lang ang pwedeng maupo. Hindi naman sa nangju-judge ako, pero ang dugyot nung dalawang nakaupo doon, nasa unahan pa naghahalikan akala mo naman talaga ay walang nakakita sakanila. Itinirik ko ang mga mata ko at bumaling naman sa bandang kanan. Mayroon naman doon na dalawang swing hanging chair na silver sa magkabilaang dulo. Doon naman sa katabi nila nakalagay ang sunod sunod na lounge chair, kung uupo ka man ay pwede mong pindutin ang nasa bandang gilid para mag glow in the dark ka. I mean umilaw ang inuupuan mo. Maganda siya, sa sobrang ganda ay gusto ko nang matulog dahil pagod na akong tumungin tingin dito, chaena! Bakit ba naman kasi kailangan pang magsayaw bago i-announce yung aniversary nila tapos mamaya ay sasayaw ulit. Pagkatapos talaga ng announcement ay lalayasan ko sila at papasok na sa kwarto kung saan ko mailalagay ang mga beauty products ko at makakapagpahinga ng tahimik. Napalingon ako sa tabi ko ng mayroong hindi ko kilalang lalaki ang umupo, "can I?" tinaasan ko siya ng kilay, "nakaupo kana diba?" sarkastikong sagot ko, magpapaalam kung kailan nagawa na niya. "Hahaha, are you alone?" Tanong pa nito, tinignan ko na parang tanga ang paligid ko bago ibalik sakanya ang paningin ko. "May nakikita ka bang kasama ko?" Pamimilosopa ko pa, umiling ng lalaki saka umayos ng upo. "Suplada, para kang iniwan ng mga lalaking minahal mo." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito, tf?! "Excuse me?! Hindi ako iniwan dahil ako mismo ang nang-iiwan." Malalim ito kung tumawa, lalaking lalaki talaga kung maririnig ng iba. "May I know your name?" He asked again, "Natalie." Simpleng sagot ko, "I'm Steven." Aniya at nilahad ang kamay, dahil nga sanay ako sa ganoon ay tinanggap ko ang palad niya. Mabilis ko rin na binawi ang kamay ko, baka mamaya ay maissue pa kaming dalawa. Hindi ko siya type, may itsura siya pero hindi ko siya type. "Do you have a boyfriend?" Mariin akong napapikit dahil nagtanong ulit siya, "I have a fiance." sagot ko, he looked amused as he looked at me. "Where is he? Hindi halatang ikakasal kana." Luminga linga pa ito sa paligid na parang may hinahanp. "Bakit, kailangan bang narito palagi ang fiance ko sa tabi? Kailangan ko rin bang ipakaratula na ikakasal na ako para lang maging halata 'yon?" Napatitig si Steven sakin. "Hahaha, I like you." Nakangiting saad nito, pero para akong naestatwa nang makita kong nakatayo sa likuran niya si Kael at masama ang tingin. "Do you want to die?" mahinahon ngunit nakakatakot ang boses nito, hindi pa man na tuluyang nakakalingon sakanya si Steven ay sinipa na niya ito na naging dahilan para mahulog ito sa pool. "Kael!" Sigaw ko, "What?! Ito ang gusto mo eh, no?! Ang makipagharutan at makipaglaro sa mga lalake!" Napapitlag ako dahil sa lakas ng boses niya, hindi ko tuloy alam kung tutulungan kong makaahon si Steven o papakalmahin muna si Kael dahil ang iba na narito ay pinagtitinginan na kami. "We're getting married! Kahit sana ngayon lang, pwede bang hintayin mo munang matapos ang kontrata natin bago ka makipaglandian sa iba?!" Awtomatikong umangat ang kamay ko para sampalin siya, "anong sinabi mo?! Hindi ako nakikipaglandian, gago ka!" Singhal ko sa lalaki na ngayon ay nakatulala nalang sa'kin habang hawak hawak ang pisngi niya. "At pwede bang kumalma ka? H'wag mong sirain ang masayang okasyon ng parents ko." Saad ko bago siya talikuran at tuluyang kalimutan na nasa pool pa lala si Steven, kaya naman na niya sigurong umahin doon, malaki na siya. "Natalie!" Hindi ko siya nilingon kahit pa nga halos umalingawngaw na ang boses niya sa sobrang lakas ng pagtawag niya sa pangalan ko. f**k you, Kael! Dumiretso akong pumasok sa loob at doon ay naabutan kong nagbibigay na ng speech sila mama. Balak ko nalang sanang pumanhik sa itaas pero nacorner ako ni kuya Nathan. "Doon tayo sa harapan mauupo." Aniya, tumango nalang ako at sumunod sakanya. "Thank you for all the guests that are here. Today is me and my husband's anniversary, and we decided to open this new resort for celebration and gift to each other. We are so happy because we've been married for 28 years and still going strong." Everyone clapped when mom stopped talking. Huminga ito nang malalim bago tumingin kay papa. "Thank you for always being there for me, through our hardships." Papa smiled while looking at mama, "for the first time that we laid our eyes on each other, I know that we were meant to be together." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni mama, sounds so cheesy but she's always telling that to us. Papa gave her a peck on her lips, "You seduced me." Papa jokingly said and laughed out loud when mama gave him a death stare. "Just kidding, since that day we met, I saw this coming. I don't know what to say, but the joy in my heart is overflowing because we have reached this point. Our marriage was not easy, our relationship was not perfect. But we stayed for each other because I love you." May ngising naglalaro sa labi ni papa habang sinasabi ang litanya niya, "So, are you saying that I don't love you?" parang nagtatampong tanong ni mama, "hahaha, I love you more. Whether you admit it or not, we both know that I love you more." Bawi ni papa, I smiled, will I ever find a love like them? "But I know you love me, and that hasn't changed because you love me even more." Kulang nalang ay maging liga ang lugar na ito dahil sa tilian at sigawan ng mga tao dahil sa banat ni papa. Ito talagang dalawa 'to. "Okay, okay. Happy 28th Anniversary, honey. Stay with me." Bati ni mama, "I love you, 'till my heart stops beating. Happy Anivesary." Papa kissed mama on her forehead down to her nose and lips. "So, I would like you all to meet our children." Mama looked at us, naunang tumayo yung dalawa kong kuya at ako naman ang huli. Pinagitnaan nila kong dalawa habang naglalakad kami paakyat sa stage. "My handsome son and beautiful daughter." She's looking proud at us, who wouldn't? Lahat ng gustuhin o hilingin ng mga tao ay nasa amin na. Nang makalapit kami ay sandali kaming nagyakap yakap bago humarap sa mga tao. Nakangiti silang nakatingin samin at pumapalakpak, nginitian ko rin ang iba sakanila pero iniiwas ko ang tingin kay Kael. Tarantado ka talaga. "This is my oldest son, Nevill Espinosa. My second son, Nathan Espinosa-" Napatigil si mama ng sumigaw si Yva, "whooo! Baka akin 'yan!" Pero agad din itong napatakip sa bibig ng pagtinginan siya, tapos ay biglang humirit. "Si Nevill kasi!" Aniya, nagtawanan nalang kami. "And last, my youngest. Natalie Espinosa, she'll be married next month." Pagpapakilala samin ni mama, hindi ko alam kung bakit parang bigla ko nalang ginustong lumubog sa kinatatayuan ko nang makitang itinuturo nila Mrs. Zamora ang anak nila. "That's all I want to say. Let's continue our party. Have fun." Matapos 'yon sabihin ni mama ay nagpaalam na ako sakanila at nagpatiunang lumakad paalis doon. Kahiya naman, nawala bigla ang kalabog ng dibdib ko nang makasalubong ko si Kael na seryoso ang mukha. "Oh, mauuna na ako sa kwarto." Sabi ko sakanya, "sabay na tayo. Magtataka sila kapag nauna ka. Kumain muna tayo." Napabuga nalang ako ng hangin at sumunod sakanya papauntang lamesa. "Hiii!! Dito ka sa tabi ko, bruha!" Tinignan ko ng masama si Yva, uupo sana ako sa hinatak nitong upuan sa tabi niya pero hinawakan ni Kael ang braso ko at dinala sa katabing upuan na uupan niya. Pinaghatak niya ako ng upuan, at ng masiguradong maayos na ang posisyon ko ay inayos niya ang suot na suit and tie bago umupo sa tabi ko. "Excited na kami sa darating niyong kasal!" Natitiling sabi ni mama, "maging ako! Ano sa tingin mo ang magiging gender ng unang apo natin sakanila?" Halos masamid ako dahil sa sinabi ni Mrs. Zamora. Apo agad?! Masyado yata silang nagmamadali! "Kahit anong gender naman, ang mahalaga e nabuo dahil sa pagmamahalan nila." sabat ni Mr. Zamora, nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagismid ni Kael, pilit nalang akong ngumiti nang magtama ang tingin namin ng papa niya. Tumahimik nalang ako at nakinig sa usapan nila tungkol sa kompanya, ni hindi ko man lang nagalaw ang pagkain sa harap ko dahil nawalan ako ng gana. Nang maboring kakatitig sa pagkain ko ay sinulyapan ko sila Yva, nagulat pa ako nang masalubong ko ang tingin nilang nag-aalala, tumango nalang ako at ngumiti sakanila. "Excuse me po, pagod na po talaga ako. Pwede bang mauna na akong magpahinga?" Sabad ko sa usapan nila mama, ang akala ko ay maiirita sila dahil wala sa oras ang pagpapaalam ko pero nginitian nila ako. "Ayos lang na mauna na kayo ng asawa mong pumanhik sa kwarto niyo. Alam naming napagod ka rin sa byahe." Napakurap kurap ako dahil sa ginawang pagkindat sa'kin ni Mrs. Zamora. Anong ibig sabihin non?! Wala naman kaming gagawing kababalaghan doon, ah! Pilit nalang akong ngumiti sakanila at tumayo para yumuko. Pasimple ko rin tinignan yung dalawa at sumenyas na bukas nalang kami mag-usap. Agad na sumunod sa'king tumayo si Kael at nanatili sa tabi ko. "Kung ganoon, magpapaalam na po kami." Magalang na sabi niya saka yumuko rin. Tumingin ako kay mama at papa, nakita kong nakangiti sila sa'kin kaya gumanti ako. Tumalikod na ako at hindi na hinintay pa si Kael, kahit pa maraming taong nagsasayaw at palakad-lakad ay hindi ko na pinansin. Mabunggo man nila ako o ako ang makabunggo ay wala na akong paki, hilong-hilo na talaga ako. Nang makarating ako sa hagdan ay akmang hahakbang na sana ako pero may pumigil sa braso ko, "kahit kailan ay hindi ka talaga marunong manghintay." Tila ba inis na saad nito sa'kin. "H'wag mo akong umpisahan ngayon, Kael. Pagod ako." mahinang sambit ko sakanya, "kaya nga aalalayan kitang umakyat dahil halata naman sa'yong isang bangga nalang ay tutumba kana." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at hinayaan siya akayin ako hanggang sa makarating kami sa kwartong nakahanda para samin. Binuksan nito ang pinto at walang alinlangang binawi ko ang braso ko sakanya at lumakad papasok. Huminto ako sa tapat ng sofa at hinubad ang heels ko pati na ang coat na nakasabit sa balikat ko. Hindi na ako nag-abalang maligo pa para magpalit ng pantulog dahil hindi ko na talaga kaya, pumipikit na ang mga mata ko. Kaya kahit suot ko parin ang tube at skirt ko ay dumiretso na ako sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan doon. Hindi ko na muling tinignan si Kael, basta ang alam ko ay matapos niyang isara ang pintuan ay dumiretso siya sa cr. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang lamunin ako ng dilim hanggang sa hindi ko na namalayan ang paghimbing ng tulog ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD