Chapter 1

3336 Words
I was busy packing my luggage because my mom told me to go after her to New York. I really hate the way they celebrate their anniversary! Bakit kailangan pa nilang pumunta sa iba't-ibang lugar at ang lalayo pa?! Kung hindi ko lang talaga mahal ang parents ko ay hindi ko sila susundin! Napasulyap ako sa cellphone ko dahil nag-ring iyon. "Anong problema?" Paunang bungad ko kay Elliera, "problema agad? Nabalitaan kasi namin na pupunta kang N.Y para sa anniv nila tito, pwede ba kaming sumama?" Napatirik ang mata ko dahil sa itinanong nito, lalong magtatagal sila mama doon dahil sakanila eh! "Okay, wala naman akong magagawa. Kapag hindi kayo sumama, tiyak na ako ang kukulitin nila at tatanungin kung nasaan kayong dalawa ni Yva." Ang mga tili nilang dalawa ang susunod na maririnig sa linya, "thanks!!! Kami bahala sa mga blind dates mo!" Napairap nalang ako at nagpaalam na rin. Nagdahilan ako na iaayos ko pa ang mga gamit na dadalhin, pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang pag usapan namin yung blind dates sa cellphone. Mas exciting kaya sa personal! Lalo na kapag nasa harapan niyo lang ang natitipuhan mo. Ayoko nang hindi ko kilala, sa itsura ako bumabase eh. Matapos masiguro na ayos na ang lahat nag kailangan kong dalhin ay humiga muli ako sa kama, hindi pa man ako bumabiyahe ay pagod na ako para doon. Napamulat ang mata ko dahil sa kung sino man ang kumakatok sa pinto, "sandali!" sigaw ko, kakamot-kamot ang ulo ko habang tinatahak ang pintuan, istorbo. Nakasimangot ako nang buksan iyon kaya tinawanan ako nung dalawa, "gaga ka, natutulog ka pa eh ba-biyahe na tayo." Inirapan ko si Elliera saka tumalikod para kunin ang maletang inihanda ko. Sinipat ko muna ang sarili ko dahil baka mamaya ay magulo na ang itsura ko dahil sa pag-idlip. "Oo na, maganda kana, tama na ang pagsipat sa sarili." Pang-aasar pa nila Yva, nginisian ko nalang silat at inayos ang coat kong kulay brown na bumabagay sa suot kong crop top na kulay puti. Inayos ko rin ang skirt kong hindi lalagpas sa hita ang haba, at ang kulay itim kong boots na hanggang tuhod at may heels na 3 inches. "Tara na, baka tumawag na naman si mama at sabihin hindi siya kakain hangga't hindi ako nakakarating." Pabiro kong saad, pero totoo 'yon. Lagi niya kong dinadramahan dahil minsan na nga lang kami magsama-sama ay madalas pa akong late. Huminga nalang ako nag malalim at umiling, palibhasa ay ako lang ang anak na babae kaya sila ganyan. Habang umaakyat kami sa hagdanan patungong rooftop ay nakasunod ang mga may buhat sa gamit namin, hindi naman na naming kailangan na bumyahe gamit ang kotse para pumuntang airport dahil may helicopter na susundo samin na pag-aari din ng pamilya ko. "Gosh! Exited akong maglibot ulit sa New York!" Halata nga sa boses nito ang saya, umindak din si Yva Para sabayan si Elliera. "Ilang beses na tayong nakapunta roon, hindi ko na nga mabilang eh." Basag ko sakanila, inirapan lang nila ako at nagpatiunang buksan ang pinto sa rooftop at patakbong lumapit sa sasakyan namin. Pinauna ko na 'yung dalawa na umangkas sa loob at pinasunod ko ang gamit namin, hiningal ako sa pag-akyat, shete! Nang maging maayos ang paghinga ko ay inalalayan na rin ako ng chaperone nila mama para maka-angkas na rin. Ngumiti kami sa isa't-isa bago ako umupo sa tabi nung dalawa at ganoon rin naman siya sa tapat namin. "Whaaa! Siguro ay maraming pogi doon sa resort na bagong bili nila tita!" Nag-apir pa 'yung dalawa pero hindi ko na pinansin, mas maganda pa ang tanawin sa baba kaysa sa pinag-uusapan nila, joke. "What if doon natin makita si Mr. Right? Aaackk!" Gatong pa ni Yva na mas lalong ikinalakas ng tili nilang dalawa. Napahilot naman ako sa noo dahil sa ingay nila, isa pa sila mama, sa bawat bansa na pinupuntahan nila ay gustong-gusto nila na bumili ng kung ano-ano. Ang dam-rami na nilang pagmamay-ari! Lalo na ang resort at restaurant sa iba't-ibang lugar! Hindi ko nalang pinansin ang usapan nung dalawa at itinutok ang atensyon sa tanawin, kailangan ko ng energy para mamaya. Sabay-sabay naming inayos ang sarili dahil la-landing na ang sinasakyan namin, another jetlag na naman ito, shet. "Bilis na girls! Matagal pa naman ang biyahe natin!" Nagmamadaling sabi ni Yva saka hinatak kaming dalawa ni Elliera patakbo sa loob ng airport. Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa'kin kaya pareho silang napahinto, "tanginang 'to, naka-heels ako!" Tinawanan lang nito ang reklamo ko sakanya at muling hinawakan ang mga kamay namin para tumakbo ulit. Hindi na ako umalma at nagpatangay nalang, punyeta. Hindi naman nagtagal ang inihinto namin sa reception dahil tinatakan lang nito ang passport namin, natawa pa nga ito dahil punong-puno na nang tatak ang passport namin. Hindi na kami naghintay pa sa lounge at dumiretso na, hindi na rin nag-abala pa ang mga guard na kapkapan kaming apat kasama ang chaperone nila mama. Well, what can I say? May share ang parents ko dito. Naglakad na kami papunta sa airplane na sasakyan namin, hindi na ako nagtaka kung bakit kaming apart lang ang naroon, malamang ay samin din tong sinasakyan namin. Ayaw kasi ni papa na makisama kami sa iba, ayaw na ayaw niya ang naghihintay pa kaya bumili siya ng sariling kanya. "Good morning, madam. Here's your breakfast." Saad nung babaeng FA, tinanguan ko lang siya kaya tumungo naman siya doon sa dalawang nakataas pa ang mga paa dahil nangalay daw sa sinasakyan namin kanina. Putapita. Tinignan ko ang relo na nasa bisig ko, alas 9 palang pala ng umaga, hapon na siguro kami makakarating doon. Naglagay ako ng headphone sa tainga at full volume ang tugtog na pinlay ko para hindi ko marinig ang ingay nung dalawa. Hindi rin nagtagal ay unti-unting pumikit ang mata ko habang nakamasid sa labas ng bintana. May yumugyog sa balikat ko kaya naman nagising ang diwa ko, "balak mo nalang bang matulog dito?" Hindi ko na pinansin si Yva at nag-inat nalang bago tumayo sa pagkakaupo. Doon ko lang din napansin na kami nalang pala ang naroon, ang chaperone ay nasa labas na katabi ang mga gamit namin. Pinatay ko na ang tugtog sa cellphone ko at tinanggal sa tainga ang headphone na isinabit ko nalang sa batok ko. "Grabe, sarap talagang matulog sa biyahe!" Tumawa 'yung dalawa sabay tingin sa'kin, "pake niyo ba? Edi sana ginaya niyo." Pagtataray ko na lalong ikinabuhos ng tawa nila. "Sis, gusto namin fresh kami pagdating doon, paano nalang kapag nakakita kami ng prince charming tapos napansin niyang may panis na laway kami sa pisngi? Edi wala na, babush na agad." Pinakyuhan ko nalang silang dalawa at naunang sumakay sa kotseng naghihintay samin para dalhin kami sa resort kung nasaan sila mama. "Excited na talaga akong makita sila tita, lalo na 'yung kuya mo! Hahaha!" Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano eh, "hanggang ngayon ba naman crush mo pa rin siya? Wala ka namang chance eh." Nginisian ko pa si Elliera pero ngumisi din ito, "aba? Hindi ka sure, ang alindog ko ang bahalang humatak sakanya papunta sa'kin." kunwaring nandidiring tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, "ayaw kitang maging kamag-anak, kaya tigilan mo na ang pagpapantasya sa kuya ko." saad ko sakanya, humalakhak naman si Yva. "Sabi sayo ako nalang eh." Hinaplos-haplos pa nito ang braso ni Elliera. "Magpakasal na tayo, masyado akong nasaktan ng kapatid ng first love ko." Nag-asta pa 'tong parang naiiyak, wala namang luha. "Sinasaktan ka na nga ng first love mo, pati ba naman kapatid? Mga mapanakit talaga ang mga letter 'N'." Ampota? Binatukan ko silang dalawa kaya pareho silang ngumuso, "para kayong mga baliw." sabi ko na mas lalong nagpahaba sa mga nguso nila, inambahan ko nalang sila at hindi na pinansin, nai-istress ang makinis kong balat dahil sa kanila. "Are we still a long way away, mister?" I asked the driver, "We're getting close, ma'am." he answered, and I just nodded. Ilang minutes lang ang lumipas pagtapos niyang sabihin 'yon ay ipinarada niya ang kotse sa isang magandang lugar, infairness, magaling talagang pumili sila mama. "We're here." Sabi ng driver at pinagbuksan kami nang pinto, agad naman akong lumabas at hinintay young dalawa hanggang sa maging magkakatabi kami, pinagitnaan ba naman ako. "What the! Ang ganda!" Sang-ayon ako sa sinabi ni Elliera, "puta! Para kang prinsesa dito, ah!" nagniningning pa ang mata ni Yva, "tara na, baka hinihintay na tayo sa loob." anyaya ko, hindi naman sila umimik at sumunod nalang. Alas 5 na kasi, alas 6 ang simula nang party nilang dalawa. Halos mamilog ang mga mata namin dahil sa nakita, kasi kung maganda siyang tignan sa labas mas maganda siya sa loob! Hindi naman ito ang unang beses na makakita kami ng mga sosyal na lugar, pero sa t'wing mangyayari ang ganito ay hindi pa rin namin mapigilan ang mapahanga. Mukha talaga 'tong palasyo. Buhay na buhay ang kulay cream na dingding, maging ang kisame ay puting-puti na bumabagay sa kulay dilaw at puting ilaw. May mga kumikinang na diyamente rin sa sahig, sobrang linis at kinis nito na para bang mas gugustuhin mo nalang na lumutang kaysa ang umapak pa rito. Kulay ginto ang ibang bahagi ng sahig, pero transparent naman ang kabuuan kaya kitang kita ang kinang, maski ang reflection mo, pwede ka na ngang magsalamin dito. Maayos rin ang mga lamesa at upuan, sa sobrang luwag at lawak nitro ay sa tingin ko nasa bente o higit pa ang bawat pa-ikot na mesa. Ang mga chandelier ay kumikuntab sa t'wing tinatamaan ng ilaw, napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka, lima ang chandelier. Tig-iisa sa bawat sulok, at isang malaki naman sa gitna kung saan mayroong mga nagsasayaw na dahil sa kahali-halinang mabagal na tugtog. Sa kanang bahagi naman ay makikita ang mga nakahandang pagkain, sakop noon ang sang linya doon. As in sakop niya 'yung buong kanang bahagi, ganoon ba karami ang kailangang bisita? Grabe na kayo ma. Sa dalawang hagdanan naman nagawi ang paningin ko, isa sa kanan at ganoon rin sa kaliwa, putcha. Kulay pula ang carpet noon at maroon ang kulay nang mismong hagdan, tila ba may nakatagong diyamante rin kung kuminang iyon. Sa itaas nakita ko sila mama, kasama si papa na masayang nakikipag-kwentuhan sa hindi ko kilalang mga tao. Napakaganda rin ng second floor, feeling ko nga naroon ang mga kwarto. Hindi na ako nag-abalang sunduin pa sila Yva na ngayon ay umiikot-ikot, ewan ko ba kung anong hinahanap nila. Tinungo ko nalang ang hagdanan para maging aware sila mama sa presensyanamin. Napangiti ako sa loob ko pero nananatiling walang emosyon ang mukha ko. Bawat daanan ko kasi ay nililingon ako, alam ko namang maganda ako, hindi na nila kailangan pang pagningningin ang mga mata nila sa t'wing masisilayan ako. Marahan akong humakbang paakyat dahil nakakahiya naman kung hinahanggan ka tapos mahuhulog ka lang sa hagdan. Edi wala na, maganda ka nga, tanga ka naman. Nang marating ko ang itaas ay agad kong itinaas ang kamay ko dahil lumingon si kuya Nathan. "They've been waiting for you." Bungad nito bago ako patakan ng halik sa noo at yakapin, ako naman ay pasimpleng tinignan sila mama, napansin na din pala nila ako dahil nakangiti sila habang nakatitig sa'kin. Humiwalay naman agad si kuya kaya lumapit ako kila mama kasabay siya. "Good afternoon, ma." bati ko na nginitian niya lang, "since you're here, I'd love for you to meet them." Inilahad ni mama ang kamay niya sa dalawang mag-asawang kausap nila bago pa ako pumanhik dito, isang matamis na ngiti ang sinalubong ng mag-asawa sa'kin. "Natalie, right? I'm Michael Zamora and my wife, Mikaela Zamora. It was nice to finally meet you." Nakangiting inilahad ng lalaki ang kanyang palad para sana makipag-kamay pero tinabig iyon ng asawa niya. Samantalang ako naman ay nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa narinig, Zamora?! "Ako muna hun." Nakanguso pa ang ginang, humagikgik lang ang asawa nitong lalaki at nagbigay ng daan para maayos kaming magkaharap. "Hello, Natalie. Masaya akong makilala ka, siguradong maganda at gwapo ang mga lahing magagawa niyo." Mas lalo pa akong naguluhan dahil sa sinabi ng ginang, patuloy pa rin nitong pinags-shake ang mga kamay namin. Lumingon ako kila mama para sana humingi ng tulong, pero mukhang planado talaga ito, dahil kahit si papa na ayaw na ayaw akong papasukin sa relasyon ay masayang nakangiti ngayon habang nakapulupot ang braso sa baywang ni mama. "Pwede pong paki-explain? Naguguluhan ako." Halos magmakaawa na ang boses ko, "hindi ba nasabi ng parents mo sayo?" naguguluhan din tanong ng ginang, umiling lang ako. "Sorry anak, pero ito kasi ang naisip naming tamang panahon para sabihin sa'yo." Mahinanong saad ni mama saka hinawakan ang palad ko. "You're 26 now, sa tingin namin ito na ang tamang panahon para ikasal ka." Deretsong sambit nito, parang gusto kong mahimatay nalang bigla. Napatitig lang ako sa nagsusumamong mga mata ni mama, sunod-sunod akong lumunok at ipinilig ang ulo para mawala ang pagkatuliro ko. "Ayoko pang ikasal, mama. Bakit hindi niyo man lang po ako kinausap bago kayo nagdesisyon?" Bakas ang hinanakit sa tono ng boses ko, hindi naman sa ayaw ko, may pakiramdam lang kasi ako na kilala ko kung sino ang gusto nilang ipakasal sa'kin! "Anak naman, ito na ang huling pabor na hihingiin ko sa'yo." Nag-puppy eyes pa si mama, ikinalma ko ang sarili saka bumaling sa dalawang kuya ko na tahimik na nakikinig habang nakasandal sa stair railings. Nanghihingi ng saklolo ang mga mata kong nakatitig sakanila, pero umiling lang sila! "Iha, sorry kung nabigla ka namin, pero sana mapagbigyan mo kami." Saad ni Mrs. Zamora kaya lumingon ako sakanya, "ano po ba ang relasyon niyo sa taong gustong ipakasal sa'kin nila mama?" Tanong ko, mas lumiwanag ang mukha ng ginang maging sila mama ay parang kinikilig rin. "Anak ko siya," sabi nito, alam ko po, "at talaga namang bagay kayong dalawa." Pilit nalang akong ngumiti sa sinabi ng ginang, kung alam niyo lang po kung gaano ka-gago ang anak niyo, baka maski kayo ay itakwil 'yan. "Pumapayag kana ba, anak?" Nakasimangot kong hinarap si papa, "sabihin niyo po muna sa'kin kung bakit excited kayoing mag-isang dibdib kami." Nagtinginan silang apat dahil sa sinabi ko, "dahil kailangan namin na maging isa, ang Zamora at Espinosa. Tayo ang nangunguna at pumapangalawa naman sila, ano pa sa tingin mo ang makakapigil sa'tin kapag nagsanib ang kompanya namin?" Kulang nalang ay itirik ko ang mata ko kay papa, tanginang yan, hindi pa naman kami naghihirap pero bakit kailangan makipag-sanib-pwersa pa?! "Please naman, puamayag kana." Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang ulo ko, "mama please, bigyan niyo po ako ng oras." Biglang parang nawalan si mama ng lakas kaya napakapit ito sa braso ni papa. "Darling, are you okay?" may bahid ng pag-aalala sa boses ni papa kaya naman pinaupo nila si mama. "Natalie, kahit ito nalang ang iregalo mo samin ng papa mo ngayong anibersaryo naming dalawa." Saad ni mama kahit pa nga nahihirapan na itong huminga, para naman akong natuod dahil hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Ano nga ba kasing mahirap sa hinihiling nila? Buong buhay ko ay binigay nila kung ano mang hilingin ko, kaya bakit hindi ko sila kayang pagbigyan ngayon? "Mama..." nabasag ang boses ko, nanghihina akong makita si mama na nahihirapan, huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. "Pumapayag na po ako, ipangako niyo lang po sa'kin na 'wag kayong masyadong magpaka-stress, masama po 'yan sa kalusugan niyo." Nagliwanag ang mga mukha nila at para bang walang nangyari kay mama dahil biglaang tumayo ito at nagmamadaling lumapit at yumapak sa'kin. "Omg!! Pangakong hindi mo ito pagsisisihan, ang gusto ko lang ay ang mapabuti ka." Hindi ko nalang siya sinagot at yumakap nalang pabalik, anong hindi pagsisisihan? Eh, ngayon pa nga lang sising-sisi na ako at nagawa na naman akong utuin ng pag-acting niyo. Nakita ko pang nakipagkamay si papa sa mag-asawa, samantalang sila kuya ay madilim ang mukha. Alam ko naman kasing hindi rin sila payag, sadyang wala lang silang magawa pag si mama na ang humiling sakanila. Matapos akong bitawan ni mama ay si Mrs. Zamora naman ang yumakap sa'kin, gumanti rin naman ako pero hindi nagtagal iyon. "Call me mommy, okay?" Ayokong sirain ang magandang ngiti sa mukha niya kaya tumango nalang ako kahit nakangiwi. Puta, pumunta lang ako para sa anniversary tapos ako naman ang sunod na ikakaksal, shet na malagkit! Lumapit ako kila kuya Nathan saka sumadal rin sa sinasandalan nila. "Congrats, goodluck." Sinamaan ko ng tingin si kuya Nevill, "naunahan ko pa kayo, baka 'di na kayo makapag-asawa niyan," pabiro kong sabi, "wala naman talaga akong bala mag-asawa." nakakunot pa ang kilay na sabi ni kuya Nathan, "ako rin." Inirapan ko nalang sila. "Wala man lang kayong ginawa para pigilan si mama." Kunwa'y nagtatampo ang boses ko at pinagkrus ang mga braso ko, yumakap sa'kin si kuya Nevill, "alam mo namang weakness natin ang pag-iyak niya." Ngumuso nalang ako dahil tama naman ang sinabi niya. Pareho kaming tatlo na nagulat nang biglang sumigaw si Mrs. Zamora, nakataas pa ang kilay ko ng sundan ko nang tingin ang ginnag na yumakap sa isang lalaki. "Salamat naman at dumating kana!" Sabi ng ginang, sandaling hinaplos ng lalaki ang likod ng ginang, tumalikod ako ng maalala ang relo na 'yon, putangina! "Sorry mom, marami kasing kailangang tapusin sa opisina." Wow! Damang-dama ko yung kasinungalingan sa boses niya, ang sabihin niya ay hindi niya lang maiwan mga babae niya! "O'siya, kanina ka pa hinihintay ng papakasalan mo at ng pamilya niya." Hindi ko man makita alam kong nakangiti ang ginang habang sinsabi 'yon. Excuse me? Hindi ako naghihintay, ayoko nga siyang makita! "Natalie, nariyan na ang ipapakasal sayo." bulong ni kuya Nathan, tinignan ko siya mula sa gilid ng mata ko, "alam ko." Sabi ko nalang at tuluyan nang nilungon 'yung anak nila Mrs. Zamora. Sumalubong sa'kin ang walang emosyon nitong mukha at ang malalamig na titig niya, hindi na rin naman akong nag-abalang ngumiti pa at magpakita ng emosyon sakanya. "Siya 'yon anak, sana maging magkasundo kayo." pasimple pang ngumti si Mrs. Zamora bago kami iwan para makapag-usap, umalis din naman doon sila kuya at naiwan kaming dalawa. "Magtititigan nalang ba tayo? My name's Natalie-" "I know," napatigil ako sa pagpapakilala dahil pinutol niya, "we both know each other, so why do we need to introduce ourselves again?" katulad noon, malamig pa rin ang boses nito, "nakalimutan ko na ang sa'yo. Wala naman kasing dahilan para alalahanin ka pa." Narinig ko ang mahinang pagtawa nito dahil sa sinabi ko. "Hindi ako makapaniwalang ikaw ang napili nilang maging asawa ko. Wala naman akong maisip na special tungkol sa'yo." Itinirik ko nalang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, kapal huh?! "Edi sana hindi ka pumayag, kung hindi lang dahil kay mama ay hindi ko tatanggapin 'tong pesteng kasal na sisira sa buhay ko." Iritadong saad ko, hindi ko na kasi matago ang inis, bwisit! "Peste, huh? Kung ganoon ay peste rin ang tingin mo sa'kin." Nilingon ko siya kaya nagtama ang mga mata namin. "H'wag na nating balikan ang nakaraan, gawin natin 'to para sa pamilya natin." Biglang tila'y naging puno ng emosyon ang boses nito, lumambot din ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napalunok ako, "fine," sabi ko nalang, "Natalie," muli akong bumaling sakanya, pero sana hindi na pala. Sa isang iglap ay na-corner niya ako, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga. "What the f**k are you doing?!" inis na tanong ko, "nagbago ka, naiinis ako.." Akmang hahalikan niya sana ako peron ibinaling ko pakaliwa ang ulo ko. "Huminahon ka, kung sa tingin mo magagawa mo ang lahat ng gusto mo katulad noon, nagkakamali ka." Alam kong natigilan siya dahil sa tono ng boses ko, maski ako ay hindi nakilala ang sarili. "You'll be my wife, and I can do anything I want to do with you. Remember, EVERYTHING." He whispered in my ear, giving the horror reaching my spinal cord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD