Prologue

1446 Words
s**t! Naramdaman ko ang pagkahilo dahil sa pagtayo ko sa kinauupuan. Tanginang lalaki 'yon, bakit ko ba siya nagustuhan eh ang pangit-pangit niya?! Masyado akong maganda para patulan ang mukhang gago sa kanto na tulad niya! Pero pinatulan mo pa rin. Halos masapok ko ang sarili ko nang pumasok iyon sa isip ko, punyeta! Kahit nahihilo ay pinilit kong maglakad papuntang banyo, sa sobrang dami kong nainom ay talagang bowl ang kaharap ko ngayon. Bakit ba naman kasi ngayon ko pa nahuli 'yung gagong 'yon, wala tuloy akong kasamang uminom dahil busy 'yung dalawang gaga. Gumegewang-gewang ang buong katawan ko habang lumalakad, ito na siguro ang araw na pagsisisihan ko habang buhay. Kahit pa nga hindi siguro kung anong banyo ba yung napasukan ko ay pumasok nalang ako, kaunti nalang kasi ay lalabas na ang mga kinain at ininom ko kanina. Hindi na'ko nag-abalang isarado ang pintuan kung saan ako sumuka, bakit ba eh sanay naman na sila, lalo na yung mga madalas na narito. Sa t'wing naiisip ko ang mukha nunh lalaking 'yon ay lalo akong naduduwal, bwisit siya! Magsama silang dalawa ng bago niyang mukhang tinapa! Hindi naman masyadong nagtagal ang pagkausap ko sa bowl, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil na rin doon. Habol-habol ang hininga ay pabagsak akong umupo, ngunit hindi pa man ako nag iinit sa kinauupuan ko ay halos mapatalon ako sa gulat nang may makitang lalaking nakatayo sa harap ng pintuan kung saan ako naroon. "What the, anong ginagawa mo rito?!" Galit na tanong ko sakanya, ampota mga lalaki nga naman. "What? I should be the one asking you that. What are you doing here in men's cr?" Kalmadong tanong nito habang nakakunot ang kilay, tangina we? panlalaki 'tong napasok ko? "Ano naman? Kapag naman nakikipag-ano kayong mga lalaki ay wala na kayong pakialam kung saang lugar ba 'yon." Mataray na sagot ko sakanya, nakakahiya, bakit ba naman kasi, hayyy! Lalong kumunot at perpekto nitong kilay, kahit ang mga berdeng mata nito ay gulong-gulo rin. Inirapan ko nalang siya at tumayo sa pagkakalugmok sa sahig, mamaya isipin nito broken hearted ako, well totoo naman, ayoko lang isipin niya 'yon. Nang magpantay kami ng tayo ay pasimple akong ngumiti, pogi sana, pero ang suplado! "Stop staring at me and leave," saad nito sa malamig na boses, "pogi mo, sayang lang, 'di 'ko bet ang mga suplado." Kinindatan ko pa siya at nginitian bago tuluyang lumabas ng cr, ang ngiti ko ay mabilis na naglaho nang makita ko ang gagong lalaki kasayaw ang bago niyang alalay. Ang kapal ng mukhang magsayaw, mukha naman silang sahig na dapat inaapakan! Napatingin sa'kin yung bruhang babae at ngumisi nang nakakaloko, hindi ko na sana papansinin pero tinawag ako nung damuhong Spencer. "Natalie!" Umirap ako sa hangin at tumalikod para sana pumasok sa cr ng lalaki, pero yung gago pinigil ang braso ko. "Pwede bang 'wag mo 'kong hawakan? Masyado kang madaming bacteria sa katawan." Pinagpag ko pa ang braso ko na hinawakan niya at nag-spray ng alcohol. "Alam mo, kaya kita iniwan eh, napaka-arte mo!" Sigaw nito sa'kin, kaya naman napatingin yung mga taong nasa paligid lang. Aba? "Excuse me? Mabuti nang maarte para iwas sa sakit! Palibhasa kasi pareho kayong dugyot niyang bago mo kaya kayo nagkasundo!" Singhal ko sakanya na ikinapula lalo ng mukha niya, itinaas ni Spencer ang kamay niya para sana sampalin ako pero may pumigil no'n. "My baby is right, mas mabuti na ang maarte kaysa naman maging dugyot na katulad niyo." Halos malaglag ang panga ko nang makilala kung sino yung lalaki, samantalang pagkairita naman ang mababakas sa mukha nung gagong Spencer. "Baby? Ha! So, pinagpalit mo lang ako dito sa lalaking mukhang isang ligo lang ang agwat sa'kin?!" Natawa ako sa sinabi nito, "ampota, buti nga siya naliligo, eh ikaw ba?" Lalong nagwala ang lalaki na kahit pa yung bago niyang mukhang ewan ay hindi na siya maawat. "Pwede ba, itigil mo na 'yang pagiging siraulo mo?! Ipapakaladkad kita sa guard!" Sigaw ko pa, pero ayaw pa rin nitong tumigil. Napailing nalang ako at balak na sanang iwan na ganoong sitwasyon 'yon, pero natahimik ang lahat at maging ako ay napahinto dahil sa malakas na kalabog mula sa likuran ko. Napapikit ako nang madiin dahil doon, tangina naman talaga. Inisang sulyap ko lang ang nangyayari sa likod ko at hindi na'ko nagtaka nang makitang nakahalandusay si Spencer sa sahig habang pinapaypayan nung bago niya ang mukha gamit ang kamay. Pinakyuhan ko nalang ang lalaking mahimbing nang natutulog sa sahig at umalis na roon sa loob, tuluyan nang nawala ang lasing ko dahil doon. Sa dinami-rami ng panahon, bakit ngayon ko pa nakita yung gago eh kaka-break lang namin kanina? Hayy. God dang! Bakit ang malas ko ngayon?! Sa sobrang inis ay naibato ko kung saan ang sandals na suot ko, punyeta, hindi ko na nga nadala ang sasakyan ko, deadbatt pa cellphone ko! Napahilamos nalang ako sa mukha, maglalakad siguro ako tutal ilang kilometro lang layo ng tinutuluyan kong village dito. Pero kahit na! Malayo pa rin yon! AAAHHH, HUHUHU. "Is this yours?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita, si kuyang nanapak pala iyon, "hmm, hindi kona kailangan 'yan. Sira na rin kasi." Sabi ko nalang, totoo naman, putol na yung takong. "I can drive you home, if you want." Ako naman ngayon ang kumunot ang noo dahil sa sinabi niya, aba, sino ba naman ako para tumanggi? Gusto ko na talagang humiga. "Babayaran kita, malapit lang village ko dito." Sambit ko sakanya, halatang hindi nito nagustuhan ang narinig pero kinuha pa rin ang susi sa bulsa at sinabing maghintay ako at kukunin niya ang sasakyan niya. Tumango naman ako at pinanood siyang lumakad palayo. Nagpasalamat ako sakanya nang marating namin ang tinutuluyan ko, ang kaso lang nahiya akong hindi siya papasukin dahil mukhang kailangan niya na ng maiinom. Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng kotse at inalalayan hanggang sa makarating sa pinto ng bahay ko. "Gusto mo bang pumasok muna? Peace offering na rin dahil sa nangyari." Saad ko, saka ko lang napansin na hindi sa'kin nakatuon ang mata nung lalaki kundi sa bahay ko. "Mag-isa ka lang?" Tanong nito, tango lang ang isinagot ko. "Pasok ka," anyaya ko pa. "Wait, kuha lang akong maiinom." Sabi ko sakanya saka pumasok sa kusina, hindi ko natanong ang gusto niya kaya naman nag-timpla nalang ako ng orange juice para samin. Mahina akong sumisipol at kumekemot kasabay ng paghalo ko sa juice, feeling ko talaga panalo ako kanina sa dalawang ungas. Hahaha. Nang matapos na ang ginagawa ko ay akmang tatalikod ako pero biglang may yumakap na dalawang braso sa baywang ko, ipinatong nito ang baba sa balikat ko saka nagsalita. "I like the way you whistle and your little dance." Tila ba naumid ang dila ko at hindi ako makagalaw, ilang beses ko pang nilunok ang laway ko saka ikinurap ang mga mata ko. "S-sinong nagbigay ng p-permiso para y-yakapin mo a-ako?" utal utal na wika ko dahil sa kaba. He chuckled, what the f**k?! Ang sexy, parang anghel ang narinig kong tawa! "I'm sorry." Mahinang usal nito saka dinampian ng halik ang balikat ko bago lumayo sa'kin, "tapos na ba ang juice na tinimpla mo?" Tanging tango lang ang isinukli ko sakanya, bwisit, bakit nag init ang katawan ko dahil sa simpleng halik niya sa balikat ko?! Hindi pa man niya naiinom ang juice ay nauna na akong ubusin ang akin, putapita! Kahit pa nanginginig ay nagawa kong dahan-dahan na ilapag ang baso sa counter, habang yung isa naman ay tahimik na nakamasid sa'kin kasabay nang paglagok ng juice. "Kung tapos kana, pwede ka nang umuwi. Salamat at pasensya na sa gulong nangyari kanina." Sabi ko habang nakatalikod sakanya, malaking pagkakamali, tangina. Muling ipinulupot nito ang braso sa baywang ko, hindi ito nagsalita at tanging ang mainit na hininga niya lang ang dumadampi sa balikat ko na siyang lalong nagpapa-init ng katawan ko. "Mister," usal ko, "Kael...Kael Zamora." aniya Sinabi niya iyon sa pagitan ng paghalik niya sa balikat ko! "Bakit m-mo ginagawa 'to?" Sa wakas ay natanong ko rin, "I want to, I want you." And with those words, he made me face him and leaned my back against the counter. Sinimulan niya akong halikan, agad akong tumugon dahil bawat pagdampi ng labi niya sa labi ko ay nanghihina ako. Bumaba ang halik nito sa jawline ko, hanggang sa makarating sa leeg kaya nagsimula akong gumawa ng mahinang ingay. "K-kael..." He stopped and looked at me, "what's your name, baby?" His seductive voice, "N-Natalie Espinosa.." Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi nito bago muling lamutakin nang halik ang labi ko. "You're mine, Talie. Only mine." He owned me that night. It's a mistake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD