Chapter 3

1075 Words
--* MAKI POV KATATAPOS LANG magluto ni uncle Alex ng dumating si Justin. Nagulat pa siya ng makita ako sa kusina at nakatayo. Lumapit siya sa akin at nagtanong. " Anong ginagawa-" Natigilan pa siya sa pagsasalita dahil galit na nagsalita rin si Uncle Alex. " Hindi pala marunong magluto ang girlfriend mo, Justin. Nagsinungaling ka pa sa akin para lang mapatira mo lang dito ang girlfriend mo." " Uncle sorry po. Wala lang talaga mapupuntahan si Maki." Hingi agad ng sorry ni Justin sa kanyang tiyuhin habang nakatingin dito. " Ayaw ko sa lahat, 'yong nagsisinungaling sa akin." Mariin at galit na sabi nito habang madilim ang mukha niya, dahilan para matakot kami pareho ni Justin. Kaagad naman lumapit ang boyfriend ko sa kanyang tiyuhin at muling humingi ng pasensya dito dahil sa pagsisinungaling niya. " Uncle, sorry po. Pero willing naman matuto ni Maki, right babe?" Baling pa sa akin ni Justin. Mabilis naman akong tumango habang kinakabahan. At ayaw kong mapalayas dito. Hindi pa ako handang umuwi sa amin. " Siguraduhin niyo lang dalawa, dahil hindi ko papupuntahin dito si Betchay para gumawa ng mga gawain bahay. Kapag hindi marunong ang girlfriend mo. Palalayasin ko 'yan dito, Justin." Maawtoridad na sabi nito saka nagsimula ng kumain. Nakaramdam naman ako ng takot sa narinig at napalunok ng laway kasabay ng paglingon dito. Nagulat naman ako at bumilis ang t***k ng aking puso dahil nakatingin sa akin si Uncle Alex habang nakaseryoso ang mukha niya. Napahigpit ang kapit ko sa suot kung short at mabilis akong umiwas ng tingin dahil bumibilis ang t***k ng puso ko sa takot. " Mamaya na kayong kumain. Pagkatapos kong kumain." Maya-maya ay sabi pa nito dahilan para ayain ako ni Justin palabas ng kusina. Pagdating sa may sala ay kinompronta ako ni Justin. " Wala ka ba talagang alam sa pagluluto at gawain bahay? Hindi na kita masasalo kapag pinalayas ka ni Uncle." " Alam mo namang wala akong alam sa gawain bahay diba? Hindi naman ako kumikilos sa bahay namin, kundi si mommy." Sabi ko sa kanya. " Iyon na nga eh. Paano kong paalisin ka dito? Wala na akong magagawa, Maki." Dagdag na sabi pa nito dahilan para matahimik ako at maging malungkot. Hindi ko naman siya masisisi. Mukha pa naman siyang takot sa tiyuhin niya at sadyang mayabang lang talaga si Justin sa ibang tao. " Siguro, babalik na lang ako sa bahay. Kapag pinaalis ako dito ng tiyuhin mo. Wala naman akong choice. Wala akong alam sa gawain bahay." Naiiyak ko pang sabi dahil ayaw ko talaga umuwi sa bahay at magulo doon. Pero kong paaalisin talaga ako dito, wala akong magagawa. Makalipas ng ilang sandali ay lumabas na mula sa kusina ang tiyuhin ni Justin. " Kumain na kayo. Hugasin niyo rin ang mga pinagkainan niyo at linisan ang kusina." Malamig na utos nito saka dere-deretso na pumunta sa pintuan ng bahay at lumabas. Mukhang magtatrabaho na siya. Nagkatinginan naman kami ni Justin. Pagkatapos ay pumunta kami sa kusina para mag-almusal. " Maghugas ka ah? Matutulog pa ako." Maya-maya ay sabi nito sa akin. " Hindi mo ako tutulungan?" Gulat ko namang tanong. " Kaya mo na 'yan." Nakangiti nitong sabi. " Diba nga, kailangan mong matuto para hindi ka mapaalis, Uncle?" Dagdag pa niya saka kumain na. Natigilan naman ako at huminga ng malalim. Ang tamad talaga ng hinayupak na 'to. Kumain na lang ako habang naiinis kay Justin. Parang hindi boyfriend kung umasta. Hindi ako tutulungan. After namin kumain ay iniwan nga ako ng loko. Ano bang alam ko sa paghuhugas? Tang ina. Huminga na lang ako ng malalim at sinubukan kong maghugas ng pinggan. Nakakatakot maghugas dahil puro babasagin ang mga pinggan, mangkok at baso. Sa itsura ng mga gamit ay mukhang may mga presyo. Nanginginig tuloy ako at kinakabahan. Maayus naman noong una ang paghuhugas ko. Pero bigla ko nabitawan ang baso at madulas ang kamay ko dahil sa sabon. Napamura ako ng wala sa oras. At nagulat pa ako dahil biglang pumasok si Uncle Alex sa loob ng kusina dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. " What happened?" Salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Kaagad naman akong humingi ng pasensya dahil sa nangyare. " Hindi ko po sinasadya, Uncle. Nadulas po sa kamay ko." Naiiyak na paliwanag ko. Galit at mariin naman itong nagsalita." Hindi mo sinasadya? Simple lang ang gagawin mo. Magbabasag kapa ng baso? Alam mo bang paborito kong baso 'yan?" " Babayaran ko na lang po." Mabilis na sabi ko, kahit wala naman akong pambili no'n. Napatsk naman siya sa sinabi ko." Talaga? Alam mo ba kong magkano 'yan?" " Hindi po." Natatakot kong sagot. " Pwes! Huwag mo ng tangkaing bayaran dahil baka kapag nalaman mo ang presyo, mahimatay kapa." Muli ay galit na sabi nito habang nagtatagis ang bagang at tila iniinsulto na naman ako. Napaluha na lang ako dahil kanina pa niya ako iniinsulto. Tila mas lalo siyang nagalit ng makitang umiiyak na ako. " Fvck! Nasaan ba kasi si Justin, dapat siya ang naghuhugas dito at hindi ikaw!" At biglang sinigaw ang pangalan ni Justin palabas ng kusina. Napapitlag naman ako sa lakas ng sigaw niya habang tumutulo ang luha ko sa mga mata. Makalipas ng ilang sandali ay nagkukumahog namang pumasok si Justin sa loob ng kusina habang walang pang-itaas. Mukhang galit ito dahil salubong ang kilay niya. " Tang ina naman eh. Bakit mo binasag ang baso ni Uncle, Maki. Napagalitan tuloy ako eh." " Hindi ko naman sinasadya. Nadulas sa kamay ko." Paliwanag ko. Mas lalo lang ako naiiyak dahil sa mga reaction niya. Imbes na aluin niya ako dahil ininsulto ako ng tiyuhin niya ay nagagalit pa siya sa akin. " Ako na nga diyan. Wala ka talagang silbi!." Sabi pa nito sabay hawi sa akin. Nagulat at nasaktan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito pala ang ugali niya kapag nasa bahay. Ngayon niya lang ako napagsabihan ng ganito, dahilan para masaktan ako. Hindi ko tuloy napigilan maiyak na naman. Pagkatapos ay tumakbo palabas ng kusina at pumunta sa kwarto ko. Umiyak ako sa loob ng kwarto dahil sasama ng loob kay Justin. Maiintindihan ko pa kung tiyuhin niya ang nagsabi, pero siya? Siya pa talaga ang manglalait sa akin porket wala akong alam sa mga gawaing bahay? Iniyakan ko ang mga pang-iinsulto nila at nakatulog ako sa pag-iyak. Marahil ay dala na rin ng puyat kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD