Chapter 2

1227 Words
--* MAKI POV HINDI KAMI MAGKASAMA sa kwarto ni Justin dahil ayaw ng uncle niya. Kaya naman ay magkaiba kami ngayon ng kwarto. Mabuti na rin iyon para hindi kami magkatabi sa kama o may mangyari. Aalma sana si Justin kanina pero mukhang masungit ang tiyuhin niya. Parang takot siya dito, kapag nagsalita na ang tiyuhin niya. Kinakabahan tuloy ako. Kasi wala akong alam sa loob ng bahay. Ni maghugas ng pinggan ay wala akong alam, dahil si mommy ang gumagawa ng lahat nang gawain bahay. Hindi tuloy ako makatulog. Kanina pa ako pabaling-baling sa kama. Hindi kasi ako sanay matulog sa ibang bahay at iniisip ko ang tiyuhin ni Justin. Baka palayasin niya ako bukas kapag nalaman niyang wala akong alam sa gawain bahay . Pero ayaw ko namang bumalik sa bahay namin dahil maingay at magulo doon. Alas dose na, noong mga sandaling iyon. Pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka bumangon sa kama at umalis doon. Nagpalakad-lakad ako habang humihinga. Gusto ko sanang lumabas ng kwarto. Pero natatakot naman ako dahil madilim sa labas. Matapos maglakad-lakad sa loob ng kwarto ay bumalik ako sa kama saka nanuod na lang sa cellphone ko. May data pa naman ako, kaya makakapanood pa ako sa mga sosyal media. Pero nagdi-activate ako sa iba kong sosyal media para hindi ako makontak nila mommy. Gusto ko muna magka-ayos sila bago ako umuwi sa amin. Nang dumating ang alas tres nang madaling araw ay nakaramdam na ako ng antok. Nakatulog agad ako. Pero makalipas ng ilang oras ay biglang may kumatok na malakas sa pintuan ng kwarto ko dahilan para mainis ako dahil inaantok pa ako. Nakalimutan kong nasa ibang bahay pala ako. " Ano ba! Inaantok pa ako." Inis na sigaw ko mula sa loob ng kwarto ko. " Wala akong pakialam kung inaantok ka pa. Anong oras na, tulog ka pa rin?" Galit na sabi ng nasa labas ng kwarto ko. Natigilan naman ako ng mabosesan ko ang tiyuhin ni Justin dahilan para mabilis akong bumangon sa kama at nakaramdam ng takot sa dibdib. Nagmamadali akong umalis sa kama. Nakalimutan kong nakasando lang ako at walang suot na bra dahil sa pagmamadali. Pagkatapos ay pumunta ako sa pintuan at binuksan iyon. Nakita ko si Uncle Alex sa labas ng kwarto habang salubong ang kilay nito, na parang galit. Nakatitig siya sa akin, partikular sa aking dibdib. Kaya naman ay bumaba ang tingin ko sa dibdib ko at nagulat ako ng makita kong wala akong suot na bra, nakabakat tuloy ang mga u***g ko. Napasinghap ako kasabay ng pagtakip sa dibdib ko at humingi ng pasensya dito. " Sorry po." " Magbihis ka muna. At bumaba ka sa kusina, magluluto ka pa." Saad nito sa malamig na tono at tumalikod na sa akin. Napakagat naman ako sa ibabang labi habang nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya. Mabilis kong sinara ang pintuan para makapagbihis na ako at huminga ng malalim. May sariling banyo ang ginagamit kong kwarto. Kaya hindi na kailangan lumabas sa kwarto para lang gumamit ng banyo. Nang matapos magbihis ay lumabas na ako sa kwarto at tumingin sa kwarto ni Justin kung gising na ba ito. Natatakot pa naman ako sa uncle niya. Gusto ko siyang gisingin para samahan niya ako. Pero baka magalit siya sa akin kapag ginawa ko 'yon. Huminga na lang muna ako ng malalim buntong-hininga at naglakad patungo sa hagdanan saka bumaba. Pagkatapos ay pumunta sa kusina dahil magluluto daw ako. Paano ako magluluto kong hindi naman ako marunong. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Sana pala noong mga panahon na tinuturuan ako ni mommy ay sinunod ko siya. Sana pala ay nag-aral akong magluto. Edi sana ay marunong ako ngayon. Pagdating sa kusina ay nakita ko ang uncle ni Justin sa kusina habang nagkakape at nagbabasa ng diyaryo. Hindi ko akalain na may nagbabasa pa pala ng diyaryo sa panahon ngayon. " Magluto ka na." Maya-maya ay utos nito dahilan para magulat ako at mapasinghap. Nagulat ako dahil naramdaman niyang nandito na ako. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Hindi naman kasi ako marunong magluto. Anong gagawin ko ngayon? Baka palayasin niya ako dito. Pero nagsimula akong maglakad patungo sa ref at binuksan iyon. Hindi ko alam kong ano ang kukunin ko at lulutuin ko. Nakatitig lang ako sa loob ng ref. Ngunit natigilan ako ng marinig ko ang galit na boses niya. " Isara mo 'yan! Nagsasayang ka ng kuryente!" Mabilis ko naman sinara ang pintuan ng ref. Sa bilis ng pagkakasara ko ay napalakas dahil sa labis na gulat. " Tsk! Sisirain mo ba ang ref ko?" Muli ay inis na sabi nito at naramdaman kong binitawan niya ang dyaryong hawak. " Sorry po." Hingi ko naman ng pasensya at napayuko ng ulo habang kagat-kagat ang ibabang labi. Nanginginig ako sa takot habang mabilis ang t***k ng puso ko. " Marunong ka ba talaga magluto? Sa itsura mo kasi, parang wala kang alam sa buhay." Nang-iinsulto na sabi niya dahilan para masaktan ako. Totoo naman kasi iyon. Hindi ako nakapagsalita, parang gusto ko maiyak pero pinipigilan ko ang aking sarili, dahil 'di ako mahinang babae. Pero hindi naman ako pwedeng sumagot at baka mapalayas ako ng wala sa oras dito. " Nagsinungaling pa kayo ni Justin. Wala ka naman palang alam sa pagluluto. Tabi." Magaspang ang ugali na sabi nito dahilan para umalis ako sa harapan ng ref. Muntik pa ako mabuwal sa sahig. Kung may iba lang sana akong mapupuntahan. Hindi ako magtitiis dito at aalis na agad ako. Pero wala, ang sama pala ng ugali nang tiyuhin ni Justin. Asan na ba kasi ang lalaking 'yon? Tulog pa ata, kainis. Maya-maya ay tumingin sa akin ang lalaki habang may hawak na siya at mukhang iyon ang lulutuin niya ngayong umaga. " Dahil hindi ka marunong magluto. Tuturuan nalang kita, ayaw ko ng pabigat sa bahay ko." Masungit na sabi niya saka pumunta sa may sink at doon nilagay ang mga kinuha niya sa ref. " Halika ka dito." Tawag pa niya sa akin kaya mabilis akong lumapit. Baka palayasin na lang niya ako bigla. " Ganito ang gagawin mo sa itlog. Bubuksan mo lang tapos ilalagay mo sa mangkok. Baka mahirapan ka pa?" Pang-uuyam pa nito. " Sige po." Mahina ko namang sambit saka sinunod ang sinabi niya. Pero tang ina, nahirapan pa rin ako. Akala ko ang dali lang pero hindi pala, dahil hindi nasho-shoot sa mangkok. " Hay nako, sinasayang mo lang ang mga itlog ko. Ako na nga!" Galit na sabi nito saka marahas na kinuha ang itlog at mangkok mula sa akin. Natameme naman ako sabay kagat labi. Nahihiya ako dahil wala akong alam kahit sa ganitong bagay. " Anak mayaman ka ba? Bakit wala kang alam sa buhay?" Maya-maya ay pang-iinsulto niya sa akin. " Puro ka kasi pagbo-boyfriend kaya wala kang alam sa buhay." Dagdag na sabi pa nito dahilan para makaramdam ako ng inis. Kung hindi lang ako palalayasin dito ay iiwan ko siya. Pero ayaw kong maging attitude, kaya tiniis ko na lang ang ugali niya. Ngayon lang ako nainsulto, sa tanan buhay ko. Kapagkuwan ay siya na lang ang gumawa ng lahat. Siya na rin ang nagluto ng almusal, habang tahimik lang ako sa gilid. Hindi ako makaalis. Baka magalit siya sa akin kapag iniwan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD