Kabanata 1: UML

1586 Words
Sa Unibersidad ng Maharlika at Lakandula (UML), nakarating si Chubs sa paaralan at napansin na maraming estudyante ang pumapasok at lumalabas sa gate. Nagpapatuloy pa rin ang enrollment ng mga kabataan kaya napakaraming tao ngayon. Naglakad siya patungo sa oval area ng unibersidad, dito raw naghihintay sa kaniya sina Joriz at Mattia. Nag-aaral siya sa unibersidad na ito— doon sa Balantagi Hall, ang gusali kung saan matatagpuan ang silid-aralan ng mga señor highschool. Doon din nag-aaral si Joriz, ang matalik niyang kaibigan at kagrupo sa mga misyon. Ang kanilang pangkat ay isa sa mga affliated group ng HEAP— ang organisasyong madalas binabanggit ay samahan ng mga magagaling na paranormal investigators at cryptozoologists. Every month ay may ranking ang mga grupo ng paranormal investigators. Sa kasawiang-palad ay nasa dulo sila ng ranking pero umaasa si Chubs na magagawa rin nilang maitaas ang grupo kung hindi sila susuko sa laban. Mayamaya pa ay namataan na niya ang mga kaibigan, nanonood ang mga ito sa mga kabataang naglalaro ng soccer. Nakita rin siya ni Joriz, kumaway ito sa kaniya at sinenyasan siya na lumapit. Batay sa buhok nitong kinulayan ng light blue at paraan ng pananamit, halatang sumusunod sa uso ang binatilyo. Tumabi siya sa mga ito sa bench, lumangitngit ang kahoy nang umupo siya. "Uy majinbu, may sasabihin ako sa 'yo. " Ito na naman si Joriz sa pangangantyaw sa kaniya pero kapag sila naman ni Mattia ang nanukso, napipikon ito. Umakbay sa kaniya ang lalaki. "Ano 'yon?" mono-tone niyang tugon. "Tumaas tayo sa ranking kung dati 128 ngayon ay 127 na." Parang hindi siya makapaniwala na napatingin dito. Pero napasimangot pa rin siya nang malaki. "Nasa dulo pa rin naman tayo, walang pagbabago." "Pero at least hindi pinakadulo." Ewan niya ba, sobrang positibo minsan ng kaibigan. Natawa naman si Mattia sa pinag-uusapan nila. Ito ang tinuturing nilang pinuno sa grupo kahit baguhan pa lamang ito at kasasali pa lamang sa kanila. "Kumusta na pala ang lakad mo? Nagkita ba kayo ng tito mo?" Tumango siya. "Okay naman, haba nga lang ng biyahe mula sa Makati hanggang dito sa QC. Nakapag-enrol ka na, Mattia?" Bilang tugon ipinakita nito ang hawak na form habang malawak ang ngisi sa mukha. Matagumpay itong nakapagpasa ng requirement at ganap nang fresh-man sa college. "Anong course ang kinuha mo?" "Psychology, haha." Natawa ito. "Doon siya sa Sikolohiya Hall." Itinuro ni Joriz ng katapat na gusali. Malawak talaga ang unibersidad na ito dahil nandito na ang lahat ng antas, mula sa kinder hanggang sa doctoral degree. "Sinabi ninyo sa akin na dito rin nag-aaral ang karamihan ng mga paranormal investigators 'di ba?" tanong ni Mattia sa kanila. "Pakalat-kalat lang ang mga 'yon dito. Makakasalubong mo sila minsan sa hallway," tugon ni Chubs. "Tahimik kasi rito. Walang mga gumagalang multo o masasamang espirito. Sabi nila, may spiritual barrier daw ang paaralan na ito at hindi makakapasok ang mga ibang nilalang," paliwanag ni Joriz. "Kuwento mo sa pagong!" banat ni Chubs na gumanti sa lalaki dahil tinawag siyang Majinbu kanina. Iyong mataba at pink na karakter sa Dragon ball. "Pero oo nga, noh. Napansin ko rin iyon. Wala akong nararamdamang kakaiba rito," wika ni Mattia. Natigilan sila sa pag-uusap nang may biglang nagpunta sa tapat nila. Ang una nilang nakita ay ang palda at makinis na binti. Sabay-sabay silang napatingala upang titigan ang isang babaeng biglang bumulaga sa harap nila. Napanganga si Mattia nang makilala ang magandang babae. Napamaang din sina Chubs at Joriz dahil una nilang napansin ang angking kagandahan nito. Maalon ang mahabang buhok, mamula-mula ang makinis na pisngi, mabilog na mga mata na napapaligiran ng mahahabang pilik— mukha itong manika. "Ah, Rain!" bati ni Mattia at napangiti. "Mattia, long time no see!" Napadaan lamang ang dalaga roon at nakita si Mattia. "Dito ka rin nag-aaral?" Tumango ang dalaga. "Second year ako sa Batnayan Hall..." "Batnayan Hall?" "Building ng mga kumukuha ng kursong education at philosophy," sumingit si Joriz sa usapan. "Ah oo nga pala!" Tumayo si Mattia upang ipakilala nang pormal ang mga kaibigan. "Sina Chubs at Joriz, sila ang mga kagrupo ko..." Kiming ngumiti lamang ang babae. May pagkamahiyaan pala ito kahit napakaganda. "Siya si Rain, nakasama ko siya sa training sa Guatemala. Isa siyang solo paranormal expert, wala siyang kagrupo at pinili niyang mag-isa lang. Ang galing niya 'di ba? Siya iyong kinukwento ko sa inyo—" Natigilan si Mattia sa pagsasalita nang mapansin ang mapanghusga at nanunuring tingin nina Chubs at Joriz sa kaniya. "N-Nice to meet you po," magalang at mapagkumbaba na sabi ni Rain kahit mas matanda siya sa mga lalaki. "Ay hello miss, Joriz na lang." Mabilis na tumayo si Joriz at nakipagkamay agad. Akala mo ngayon lang nakakita ng babae sa tanang buhay niya. Muling bumaling si Rain sa katabing lalaki. "Hindi ko akalain na makikita kita rito, Mattia!" Nasa kislap ng mata ng dalaga ang labis na katuwaan. "Ako nga rin! Kumusta ka naman? May misyon ka ba noong mga nakaraan?" Tumango si Rain. "Noong nakaraan ay wala pero kaninang umaga ay naka-receive ako ng email sa kanila. Dito lamang sa Pilipinas gaganapin ang una kong misyon." "Good to hear that!" "Medyo kinakabahan nga ako..." Napahawak sa dibdib ang babae. "Kaya mo 'yan, ikaw pa!" pampalakas loob ni Mattia. Naudlot ang kamustahan nila nang may tumawag kay Rain mula sa kanan. Mukhang hinihintay ito ng mga kaibigang babae. "Ah, sige mauna na ako! May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko." "Sige, mag-ingat ka. Chat mo ako paminsan-minsan, Rain ah. See you!" pahabol pa ni Mattia sa dalaga. Nag-iwan ng matamis na ngiti ang babae at lalo yata pinamulahanan ng pisngi. At sa simpleng interaksyon na iyon, nakakuha ng clue ang dalawang kumag na paranormal investigators. Nang makaalis si Rain, biglang sinugod ni Joriz si Mattia at sinakal sa leeg. "Sino 'yon? Ano ba talagang ginawa mo sa Guatemala?!" Tumayo rin si Chubs at nakipag-argumento. "Ang daya mo naman, Mattia! Nagpapakahirap kami sa mukha ni Detective Buysit at ikaw nakikipaglandian lang sa Guatemala!" Binanggit ni Chubs ang detective na palagi nilang kaparter sa mga national mission o mga misyon na nagaganap sa lokal. "H-Hindi! Kaibigan ko lang 'yon!" Nagpupumiglas si Mattia pero pinagtulungan siya ng dalawa. "Ang daya mo nauna ka pa sa akin magka-jowa! May pa-chat-chat ka pang nalalaman!" — si Joriz. "H-Hindi ko s'ya girlfriend!" "Walang magjojowa sa atin! Pare-pareho tayong mamamatay na virgin!" — si Chubs. "Ikaw lang 'yon tukmol!" banat ni Joriz. "Walang babae ba gustong magka-apelyido ng Labatiti, Joriz!" ganti ni Chubs. Tinutukso niya ang apelyido nito. "Walang babae ang gustong mapatungan ng sofa, Chubs!" Tinukso ni Joriz ang katabaan ng kaibigan. Hindi na makahinga si Mattia sa ginagawang pananakal ni Joriz, mabuti na lamang at tumunog ang selepono ng kaibigan kaya natigilan ito. Pati si Chubs ay natahimik nang maramdaman ang vibration ng phone niya. Hindi lang pala sila, pati si Mattia ay nakakuha rin ng mensahe mula sa kaniyang selepono. Sabay-sabay nilang binuksan ang email mula sa HEAP at binasa ang susunod na misyon nila. "Oh my god, Malaysia!" bulaslas ni Joriz nang mabasa ang mensahe. "Tatlong araw ang misyon..." usal naman ni Chubs. "Pupunta tayo sa Malaysia! Yes!" walang pakialam na pagsasaya lamang ni Joriz. Iyon lang ang nabasa niya at nasa isip niya. "International mission? Totoo ba ito?" tanong ni Chubs at nagkatinginan sila ni Mattia. "Nag-attached sila ng word document sa email." "Baka iyan 'yong request ng private client. Basahin natin kapag nakauwi na tayo," seryoso na ang tono ng pananalita ni Mattia. "Tara na guys, makulimlim na rin ang langit baka umulan pa." Tinitigan muli ni Chubs ang natanggap na misyon, nasasabik din siya dahil ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng misyon mula sa ibang bansa. Hindi pa siya sanay sa ganitong set-up kaya kinakabahan siya. Pero kung may karanasan na si Mattia sa pag-travel sa labas ng bansa, siguro ay wala nang dapat pang alalahanin dahil may guide naman sila. *** Attachment Letter Subject: Request for Escort and Investigative Support – Caledonia House, Penang To: HEAP IU Team Dear H.E.A.P. , I hope this message finds you well. My name is Dr. Andro, a historian and professor specializing in Southeast Asian colonial architecture and cultural memory. I am currently undertaking a research project on the Caledonia House in Penang, Malaysia—a site notable for its complex history and longstanding reputation as a locus of unexplained activity. My study aims to document both the architectural and historical significance of the building, as well as to examine the folklore and accounts of hauntings that have persisted for generations. Due to the property’s reputation and the reports of hazardous conditions inside the mansion, I would like to formally request your team’s escort and investigative support during my scheduled visit. Specifically, I seek your assistance in: 1. Ensuring safe access to restricted or unstable areas of the house. 2. Documenting and analyzing any anomalous or unexplained occurrences. 3. Providing technical expertise with your investigative equipment to complement my historical research. The fieldwork is planned for Aug. 23, and your presence would not only ensure safety but also enhance the scholarly value of the investigation. Should you require further details regarding my research framework or the background of the property, I will gladly provide additional documentation. Thank you very much for considering this request. I look forward to the possibility of collaborating with your team on this unique and challenging study. Sincerely, Dr. Alejandro de la Cruz y Santos, Professor of History Università di Castrovello, Madrid +34 91 987 67 **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD