bc

Adrenaline Junkies: The Hundred Door Mansion (Completed)

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
adventure
HE
system
brave
no-couple
lighthearted
mystery
scary
city
highschool
mythology
another world
chubby
like
intro-logo
Blurb

Horror-Comedy-Adventure-Mystery

Series 03 @2025

Sina Chubs, Joriz, at Mattia ay muling binigyan ng HEAP ng kakaibang misyon - pumunta sa Malaysia para samahan ang isang historian na gumagawa ng documentary tungkol sa mga mahiwagang nilalang na naninirahan sa 99-Door Mansion sa Byram State.

Pero habang lumalalim ang kanilang pagsisiyasat, matutuklasan nila ang isang mahiwagang lagusan: ang ika-100 na pinto!

Samahan sila sa panibagong paglalakbay na puno ng katatawanan, katatakutan, at hindi inaasahang panganib!

chap-preview
Free preview
Prologo: Si Chubs
Nanumbalik kay Chubs ang mga masalimuot na nakaraan nang makarating sa pintuang iyon. Nanatili siyang nakatanga sa tapat na para bang nag-aalinlangan na kumatok. Subalit nakita na siya ng tao sa loob mula sa ring cctv camera. Napatingala siya at narinig ang boses ng kaniyang Tito Olen. "Chubs, ikaw pala 'yan! Akala ko kung sino na, pasok ka!" Magiliw ang boses na tila ba sabik na sabik nang makita siya. Gumaan ang kaniyang pakiramdam pero pilit ang ngiti—nahihiya kasi siya na dumaan nang walang pasabi. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ng kaniyang tito. Katulad niya, mataba rin ito at bilugan ang tiyan, para bang magpinsan ang kanilang mga tiyan. Subalit katulad din niya, maamo ang mukha nito at mukhang mabait. "Kay tagal mo nang hindi nakakadalaw sa amin!" Sa tono ng pananalita ng lalaki, mahuhulaan na Batanggueño ito dahil sa bigkas ng salita. "Sorry po at dumaan ako nang walang pasabi." "Ano ka ba?! Bahay mo rin 'to. Kung gusto mo nga magpa-deliver dito ng pagkain, pwede rin! Sabay tayo kakain." Palabiro pa rin ang kaniyang Tito Olen. Nang makapasok siya sa loob, sinalubong din siya ni Mimiko, ang matabang alagang pusa ng kaniyang tiyo. Hinimas niya ang ulo ng pusa nang malambing itong kumiskis sa kaniyang paanan. Kinalong niya ito at hinimas-himas ang kulay abo na balahibo. "Na-miss kita, Mimi! Tumataba ka, ah!" "Tuloy ka, nak. Kumain ka na ba?" Itinuro nito ang sofa sa sala. Ibinaba niya ang pusa at tumakbo ito upang habulin ang kaniyang tiyo sa kusina. Tumuloy siya sa sala at nilapag ang bagpack sa gitnang mesa. Pasadlak siyang umupo sa sofa, bahagya iyong lumubog na para bang may tinatago pang springs sa loob —pero sumuko na rin sa pakikipaglaban sa naglalakihang p***t ng kaniyang pamilya. Tumingin siya sa pinapanood ng tito niya. Korean movie ang palabas, nakalimutan niya ang pamagat pero trending ito sa f*******: kamakailan. "Kumusta naman ang pag-aaral mo?" usisa nito habang nag-aasikaso sa kusina upang kumuha ng inumin at pagkain. "Okay naman po." "Magkasama pa rin ba kayo... sino nga ulit iyon? Iyong kasama mo sa HEAP?" Pilit nitong inaalala ang pangalan ng matalik niyang kaibigan. "Si Joriz po ba? Opo tito, magkasama pa rin kami sa boarding house..." "Alam mo na hindi pa rin ako sang-ayon sa sinalihan mo, pero sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaang tao 'yang kaibigan mo..." Gusto niyang matawa at sabihin na napakabobo at duwag ni Joriz sa labanan. Isang beses nga, sumigaw lang ang pusa sa labas, nagtago ito sa ilalim ng kama—pero pinigilan niya ang pagsasabi nito, sapagkat mas mabuting maganda ang tingin ng Tito Olen sa kaniyang kaibigan. "Nadagdagan na po kami, tatlo na po kami sa grupo, tito— at napakagaling po niyang mang-hunting ng creatures haha. Isang beses gusto kong makilala n'yo po siya." Bumalik ang lalaki mula sa kusina at inilapag ang mga pagkain sa lamesa. "Gusto mo bang kumain muna?" "Ay hindi po ako tatanggi diyan!" "Sayang at hindi pa nakakauwi ang tita mo. Sa makalawa pa ang balik n'ya galing Japan. Hayaan mo, kukuwento ko na dumalaw ka." "Pakisabi po sa kanya, Tito, ‘yung pasalubong, XL ah... sa damit, hindi sa pagkain." Nanumbalik ang dating sigla ni Chubs sa puso— siguro dahil sa pagkain o dahil sa mas malalim pang dahilan. Habang kumakain at nagkwekwento sa kaniyang tito, napapatingin siya sa lumang litrato ng kaniyang pamilya— noong buhay pa ang kaniyang ama at ina. Naka-display pa rin ang lumang family picture sa dingding ng sala, pitong taong gulang pa lamang siya sa larawan. Nanumbalik din ang determinasyon na nakalimutan niya noong mga nagdaang araw— ang dahilan kung bakit siya sumali sa HEAP. Natatandaan niya ang mga panahon na nakikipagtalo siya sa receptionist ng NCR Psychic Center para mapagbigyan lamang ang kanyang application. "Ay ma’am, kahit isang exam lang po. Kahit yung pinakamadali. Kahit spelling lang po ng multo!" halos magmakaawa siya habang hawak ang pinto para hindi siya palabasin ng guard. "Sir, wala po talagang slot para sa inyo. Wala kayong kakayahan na makakita ng espirito o anumang nilalang," mahinahong paliwanag ng receptionist. Eh ano?! Ang nasa isip lamang niya noon ay—Eh ano? Determinado siyang makapasok sa HEAP kahit s*******n. Kaya nang tuluyan siyang itulak palabas, lalo siyang kumapit sa pinto. Kung hindi lang dumating ang pinuno ng Paradigm Unit—ang pinakakilalang paranormal expert group sa buong mundo, siguro naitapon na siya sa labas ng mga staff. Napadaan ang lider ng Paradigm sa reception at narinig ang pakikipag-away niya. Nagkaroon ito ng interest sa kaniya at binigyan siya ng invitation. Nabigyan siya ng tsansa dahil sa grupong iyon. Kaya kinabukasan nagkaroon siya ng pagkakataon na makakuha ng entrance exam at sa gulat ng mga staff members— perpekto ang kaniyang mga scores bukod lamang sa foreign language. Hindi siya pwedeng huminto sa kaniyang layunin. Kailangang mabuksan ang kaniyang spiritual ability para sa hustisyang matagal na niyang gustong makamit. Nang matapos sa pagkain at pagkwekwento, nagpaalam na si Chubs sa lalaki. "Kailangan ko kasing tulungan ang kaibigan ko na makapag-enrol doon sa ni-recommend naming university. Dumaan lang po talaga ako ngayon dahil na-miss ko kayo, tito. Kumusta n'yo na lang ako kay tita," pamamaalam niya habang naglalakad sa pinto. Tumango ito. "Mag-ingat ka, Chubs. At oo nga pala..." Saglit itong napahinto sa pagsasalita. Natigilan din siya at hinintay ang ibibilin ni Tito Olen. "Kung nasaan man sina Leo at Gem ngayon, alam kong proud sila sa 'yo." Binanggit nito ang pangalan ng kaniyang mga magulang. Simpleng mga salita subalit tumagos sa kaniyang puso. Malawak siyang napangiti. "Salamat po, Tito." ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
5.5K
bc

Wife For A Year

read
70.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
46.1K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
111.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook