Epilogo: NCR Psychic Center

1057 Words
Sa pagbabalik ng tatlong kabataan sa Pilipinas, kinabukasan ay nagtungo sila sa NCR branch ng HEAP Psychic Center upang magpasa ng kanilang Case Report. Kasama rin nilang ibinalik ang ATM card na ipinahiram ng organisasyon para sa gastos ng operasyon. Katulad ng nakagawian, kailangan nilang personal na magsumite ng ulat sa sangay ng HEAP. Sa glass door pa lamang ng gusali, mapapansin ang mga chandelier na nakabitin sa kisame at kulay pulang carpet. Mukhang luxury hotel ang building sa unang tingin. Ang reception desk ay gawa sa frosted glass at kahoy, may naka-engrave na logo ng NCR Psychic Branch sa harapan. Sa likod nito, nakaayos nang maayos ang mga file cabinets at computer equipment, at laging may receptionist na naka-uniform para salubungin ang mga tao. Kapag pumasok sa loob, makikita agad ang malinis nilang lobby. Ang sahig ay gawa sa makintab na tiles na kulay puti na may bahagyang gray na pattern, kaya't maliwanag at elegante ang dating. Sa gilid, may mga malalambot na sofa na kulay navy blue at beige, nakapila nang maayos para sa mga kliyente at bisita. Nakatapat sa waiting area ang isang malaking LED TV, nakasabit sa dingding. Dito pinapakita ang mga announcements, news updates, pati na rin ang mga informational videos tungkol sa tungkulin at serbisyo ng ahensya. May mga halaman din na nakaayos sa sulok, snake plants at rubber plants na nagbibigay ng preskong ambiance. Sa kabuuan, ang opisina ng NCR Psychic Branch ay may halong propesyunal at modernong aura. Doon ay muli nilang nakatagpo si Estrella- ang mahigpit at istriktang manager na palaging nakasalamin at nakatakong. Kilala siya ng lahat bilang prangka at masungit. "Late kayo ng dalawang oras. Kung lahat ng team kasing-relax ninyo, matagal nang bumagsak ang HEAP," malamig na bungad ni Estrella na sumalubong sa kanila. "Pasensya na po, nagpahinga pa kami eh. Tinanghali ng gising," depensa ni Chubs. "Grabe naman kayo, ma'am. Kababalik lang namin sa Pilipinas!" wika naman ni Mattia. "Kahapon pa kayo bumalik, ang ibang squad nga diretso agad dito pagkababa sa eroplano." Umirap si Estrella at kinuha ang ATM card. "At ito, huwag ninyo sanang gawing personal savings account ang pondo ng HEAP." "Ma'am naman, sa misyon lang talaga namin ginamit iyan," si Mattia pa rin. Siya lang talaga ang tanging tao sa mundo na hindi natatakot kay Estrella - dahil wala naman siyang kinakatakutan. May sasabihin pa sana ang babae pero naudlot dahil biglang tumunog ang selepono nito. "Excuse me." Habang nakikipag-usap si Estrella sa tumawag, napatingin ang tatlo sa malaking ranking board na nakapaskil sa gilid ng opisina. Namilog ang mga mata nila nang makita ang kanilang pangalan-nasa Rank 110 na ang Adrenaline Junkies! "Uy, umakyat tayo! Hindi na tayo basurang squad," natatawang sabi ni Joriz. "Konti na lang baka maging kasing sikat din tayo ng Paradigm Unit," dagdag ni Chubs, proud na proud siya sa kanila. Narinig iyon ni Estrella at malamig na ngumiti. Mukhang tapos na agad ito makipag-usap sa selepono. Muling itinago nito ang smart phone sa bulsa. "Huwag kayong masyadong magyabang. Ang isang maling hakbang, balik kayo sa 128." Natahimik naman ang tatlo, ngunit biglang nagbago ang usapan nang magpaalam si Estrella. "Aalis ako ngayon, may pagpupulong ang mga managers, may special request kamo si Sir John Doe." "Aba nabanggit ang pangalan ng mga tao na hindi natin alam kung tao nga ba," pabirong wika ni Joriz at tumawa. "Eh kasi naman, John Doe? Sa Amerika, pangalan iyon ng mga bangkay na walang identity. Baka patay na talaga siya or zombie." "Joriz..." bulong ni Chubs, siniko niya ang kaibigan at natigilan ito sa pagtawa. Hindi kasi natutuwa si Estrella at matalim ang tingin nito sa kanila. Napansin naman ni Joriz ang tingin ng babae kaya inayos nito ang sarili at pinigilan ang pagbibiro. "Uhm, sino ba itong pinag-uusapan ninyo? Sino si John Doe?" tanong ni Mattia dahil hindi siya pamilyar sa pinag-uusapan ng mga kasama. "CEO ng HEAP. Walang nakakaalam sa tunay na katauhan nila. Sa maniwala ka o sa hindi, Mattia. Kahit kami, hindi rin sila kilala. Ni isang litrato, ni isang public appearance, ni tunay na pangalan....wala. Nakatago ang mga identity nila. Kaya tinatawag namin sila sa mga famous placeholder names. CEO: John Doe President: Juan Perez Managing Director: Max Mustermann Chief Operating Officer: Jan Kowalski Executive Director: Taro Yamada At may isa pang founder na ang placeholder name ay Nomen Nescio, sa latin ang ibig-sabihin niyon ay literal na I dont know the name," paliwanag ni Estrella. "Oh, hindi ko alam ang tungkol doon, ah," humahangang sambit ni Mattia. "Mas makikilala mo sila sa pagdating ng panahon. At magkakasalubong din ang landas ninyo ng Paradigm Unit, Mattia. Sa totoo lang nakapagtataka dahil may special request sila tungkol sa..." Napahinto sa pagsasalita si Estrella. Natigilan si Mattia. Tinitigan siya nang matalim ng babae. Matagal. Para bang sinusuri siya. Napakunot-noo si Mattia, hindi niya alam kung bakit ganito ito makatingin. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" mahina niyang tanong. "Wala," malamig na sagot ni Estrella, sabay ayos ng kanyang salamin. "Ipasa niyo na lang ang report ninyo sa admin staff. Magiging abala ako ngayon. See you around, boys." At mabilis na itong tumalikod, iniwan silang nagtataka. Nakakainis, palagi na lamang ganito. Maraming tao na parang may gustong sabihin sa kaniya pero hindi itinutuloy ang sinasabi. Napabuntong-hininga na lamang si Mattia at binalik ang tingin sa ranking board. Sa listahan ng mga Solo Experts, nakita niya ang pangalan ni Rainzel-mas kilala sa tawag na Rain. Mula sa dating puwesto nito, umangat na ngayon si Rain sa Top 60. Napangiti si Mattia, may halong tuwa at pagka-proud para sa kaibigan. Naudlot ang katahimikan nila nang biglang sabay-sabay na nag-vibrate at tumunog muli ang kanilang mga smart phone. Pagtingin nila sa kaniya-kaniyang email, halos sabay-sabay silang napasinghap sa pagkabigla. Isang bagong Mission Brief ang dumating mula sa HEAP Information Unit. "Guys... Japan," bulalas ni Joriz, nanlalaki ang mga mata. "Teka, seryoso ba 'to? International Mission ulit? Kakauwi lang natin, ah!" reklamo ni Chubs, pero halatang kinikilig sa excitement. "Japan..." bulong ni Mattia, ramdam ang bigat ng paparating. Bumalik ang pagkasabik sa kaniyang dibdib. Hindi maitatago ang kilig na muling haharap sila sa panibagong hamon. Nagkatinginan silang tatlo. Walang salita, pero sabay-sabay silang napangiti. Handa na naman sila. At sa pagkakataong ito-mas matindi, mas delikado. Ang susunod na laban ay sa Japan! ***Wakas Salamat sa pagbabasa! Hanggang sa susunod na paglalakbay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD