CHAPTER 3: PANAGINIP

1393 Words
KULOT POV Araw ng Sabado ngayon at maaga akong nagbukas ng shop dahil marami akong natanggap na mga appointments. Puro sila lahat mahilig lang magpa tattoo at wala naman akong natanggap na mag a-avail ng extra service. "Ikaw lang ata ang tattoo artists na walang tattoo". Wika ng lalaking nandito para i cover up ang pina tattoo nyang pangalan ng kanyang jowa dahil sa kanilang hiwalayang naganap. "Ayos yan ang linis ng katawan mo". Nakasando lang ako nung mga oras na yun at pinisil nya ang aking malaman na braso hanggang marating ng kanyang kamay ang mga buhok ng aking kili kili at pabirong sinabunutan iyon. Kung sana lang naging ganito kadali ang pagbura ni Clifford sa ala ala ni Cindy noon, na i cocover up lang ng ibang design na gaya sa tattoo ang kanyang selos at galit, sana buhay pa sya hanggang ngayon at masaya pa rin kaming tatlong magkakasanggang magkakapatid. Madami din akong natututunan sa ganitong gawain, lalo na ang mga pinapagawa nilang designs at ang mga ibig sabihin ng mga ito. Lahat ng mga iyon ay may kalakip na kwento, hindi lang basta isang bagay na inuukit sa balat na mananatili nang hindi mabubura habang buhay. Isa itong simbolismo ng kanilang mga ala ala at emosyon. May mga nagpapa tattoo ng pangalan ng kanilang mga anak, mga huling sinabi ng mga namayapang kamag anak, mga muka ng kanilang mga minamahal at mga simbolo ng iba't ibang bagay na pinanghahawakan nila para magpatuloy sa buhay na gaya ng paru paro na simbolo daw ng pagbabago, krus na simbolo ng kanilang pananampalataya, at ang semi-colon na simbolo daw ng mental health awareness na kung nalaman ko lang agad ay alam kong iyon ang nararapat kong ipalagay kay Clifford bago sya mawala. "Wala pa akong naiisip na magandang design boss", sagot ko na lang. "Ito pangalan ng hayup na babaeng yun na pinagpalit ako sa gagong lalaki", Tinitignan nya ang naka ukit na pangalang "ANNE" sa kanyang tagiliran at parang sinusubukang burahin iyon na parang magtatanggal lang sya ng libag. "Pag nabura mo ba to makakalimutan mo na sya?", tanong ko at sinimulan na syang tattoo han. "Hindi", sambit nya at napatingin sa karayom na naka amba nang bumaon dito. "Pero pansamantala ay mababawasan ang ala ala ko sa kanya". "Muntik na nga ako magpakamatay dahil sa p u t a n g i n a n g malanding babaeng yun eh kung hindi lang ako napigilan ng mga kapatid ko". Napa pikit ako nang marinig ko ang kanyang kwento, para akong nakaramdam ng konsensya at sobrang panghihinayang dahil nasa harapan ko ngayon ang buhay na testamento na kayang kaya sana naming pigilan si Clifford bago pa nya magawang magpakamatay. Kahit abutin sana kami ng kahit ilang buwan na sikaping pigilin syang gawin yun ay kaya naming gawin kung alam lang sana naming binabalak na nya ito. Bakit hindi namin nakutoban iyon bilang kapatid? bakit hindi namin naramdaman na mawawala na sya nung gabing yun ? Para akong nahihilo na hindi ko maintindihan, kahit iniisip kong sisihin si Cindy sa nangyari para pakalmahin ang sarili ko ay wala akong kontrol sa labis na panghihinayang sa aking puso na nagpapakabog ngayon doon ng sobrang bilis at sobrang bigat. Ngayon ay paghihiganti na lang ang pwede naming gawin dahil yun na lang ang kaya naming gawan ng paraan. Hindi na ako maka hinga kaya tuluyan ko nang tinanggal ang face mask ko. "Ayos ka lang? g a g o namumutla ka kulot", Iyon na ang huli kong narinig bago ako tuluyan nang mawalan ng aking malay. ........ "Hilston", malumanay ang boses ni Clifford sa aking pandinig. "Tama na Hilston, itigil nyo na yan ,sabihin mo kay Kuya tama na"...... Hindi ko sya maaninag sa aking paningin, maski ang kanyang muka ay nababalot ng banayad na liwanag. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong haplusin ang kanyang pisngi na madalas kong pisilin noong bata pa sya. Gusto ko syang yapusin, ang kapatid ko. Kahit limang segundo lang, gusto ko syang lapitan, gusto ko lang syang mahagkan. Inaabot ng kamay ko ang liwanag na nag aanyong kanyang wangis. "Clifford lapitan mo ang Kuya Hilston mo, paki usap Clifford." Pilit ko syang inaabot na gaya ng pag abot ko sa kanya nang ibaba namin sya mula sa lubid. Ngayon ay naririnig ko ang kanyang tinig ngunit hindi ko sya malapitan. Naka pako ako sa aking kinatatayuan. Binabalot kami ng makapal na hamog sa gitna ng kawalan. Hindi ako maka hakbang at nanatili akong hanggang tingin na lang sa kanyang nagliliwanag na anyo, palayo sa aking naka unat na mga kamay. "Kahit saglit lang Clifford, yakapin mo ang kuya, paki usap bunso, yakapin mo ang kuya". Gaya ng nangyari noong nabubuhay pa sya bago sya magpakamatay ay naroon lang akong walang magawa at nakalugmok. Walang paraan para malapitan sya at halikan sa noo na lagi kong ginagawa tuwing matutulog ito sa gabi. "Ayos ka lang ba dito bunso? nilalamig ka ba? kausapin mo naman ang kuya kulot mo---oooo---oohhhh!!!!" Hinubad ko ang aking damit at handang i abot sa kanya, mahina sya sa malamig na panahon kaya kung pwede lang ay maiwan ang aking damit doon. "Bunsooooooooo!!!!!!!" "Cliforrrdddd!!!!!!" Patuloy lang ako sa pagsigaw, umaasang mahabag sa akin ang tadhana at pagbigyan nya akong mayakap ulit ang aking kapatid, ngunit wala akong nahintay na lumapit sa akin hanggang sa mawala na lang m sya, sa pang ilang beses ay muli syang nawala sa aking harapan na maging ang kanyang mahinang tinig na kaytagal kong hindi narinig ay kasama nyang naglaho sa mala ulap na paligid, habang naiwan na naman akong pumapalahaw na nilalamon ng luksa at hindi maipaliwanag na uri ng kalungkutan at binabalot ng dilim. "Hilston!!!!!!", kabaliktaran ng boses ni Clifford sa aking panaginip ay ang malakas na tawag naman ni Kuya Prime sa aking pangalan habang niyuyugyog nito ang aking balikat. "Kulot!!!! huy Kulot!!!" "Clifford!!!!!!!" Agad kong niyakap si Kuya nang mabuksan ko ang mata ko at mula sa panaginip ay sumama sa reyalidad ang kalungkutang natamo ko nang muli kong marinig ang boses ng aming bunsong kapatid. "Ku---yaaaaa--hhhh!!!" "Swerte ka pa rin at lagi kang kinakausap ni bunso sa panaginip mo", kahit gaano pa kaseryoso at ka suplado si Kuya Prime ay malambot pa rin ang puso nito pagdating sa amin ni Clifford. Marahan nitong niyayapos ang aking likuran. Pahigpit ng pahigpit ang pagyakap ko sa kanya na tila ako isang batang ayaw na muling maiwan na gaya ng muling pag iwan sa akin ni Clifford sa panaginip ko kanina. "Kuuu---yyyy---aaahhhhh, si Clifford". Basang basa ng aking halo halong luha, sipon, laway at pawis ang damit ni kuya Prime. Hinahayaan nya lang akong humikbi hanggang sa lumipas ang aking walang paglagyang pagdadalamhati. Halos gabi gabi ay naroon si Clifford sa aking panaginip, gabi gabi ay tinatanggal nya isa isa ang mga puting bato na nasa babasaging garapon sa tabi ng kanyang puntod na simbolo ng bilang ng mga babaeng aming binibigyan ng ibat ibang uri ng sakit para ibaling sa kanila ang aming paghihiganti kay Cindy na syang dahilan ng pagpapatiwakal nito. Gabi gabi rin akong umaasa na kahit na isang hakbang ay makalapit ako sa kanya at mayakap sya kahit sa maikling pagkakataon. "Kuuu---yyyy---aaahhhhh, si bunso........" "Iiyak mo lang Hilston, iiyak mo lang, ikaw na ang bunso ko ngayon, andito lang ang kuya".. Para akong batang nagsusumbong sa kanya at kahit nahihirapan akong sabihin at ipaliwanag ang ano mang nagpapasakit sa aking puso ay alam kong naiintindihan nya ang mga ito. "Kaya tandaan mo Kulot", paalala nya. "Tandaan mo na malaya ngayon si Cindy na walang konsensya at nagsasaya sa lahat ng bagay, tandaan mo ang paghihiganti na dapat nating maisakatuparan, sa tuwing makakakita ka ng babaeng malandi ay alalahanin mo na salot sila sa ibabaw ng lupa. Sila ang dahilan bakit ang bunso nating si Clifford ay hindi na natin kapiling sa ngayon". Hindi ko pa rin masabi ang mga katagang paulit ulot sinasabi sa akin ni Clifford sa panaginip ko na itigil na namin ang ginagawa namin dahil alam kong hindi sasang ayon si Kuya Prime. Ayokong pati sa akin ay magalit sya oras na isipin nyang hindi ko na sya sinusoportahan sa kanyang pamamaraan ng paghihiganti. Iniisip ko na titigil na kami oras na si Cindy na mismo ang nasa kama at unti unting nanghihina hanggang sa sya na rin ang bawian ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD