Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 22 [Leeyah POV] “The sales from January up to the end week of March have been up to 60 percent. Such as…” Habang isinasagawa ang meeting, hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan. Para bang may nakamasid sa kanya. Wala naman siyang ginagawang mali at ginagawa naman niya ng tama ang trabaho niya. Hindi na siya nagtaka pa dahil ang boss niya, Si Nicholas ang kanina pa nakamasid sa kanya. Hindi pa yata ito tapos sa kanya. Kung hindi lang pumasok si Sir William habang kinakausap siya nito, iyon naman din ang tiyempo niya para makawala rito. Hay naku. Kabago-bago pa lang niya ditto, kung meron na mga taong ayaw sa kanya, sumali pa itong boss niya. Pero, kasalanan din naman niya ito, eh, dahil lumalayo siya. Pero, hindi niya naman ka

