Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 23 [Leeyah POV] Masaya siya ng pumayag ang kanyang Ate Isabella na mag-hang out kasama ang kanyang mga kaibigan. Dahil matagumpay ang kanilang pagtrabaho sa mga isinagawang mga meetings, pinangako nilang magkakaibigan na magce-celebrate sila pag last day na ng task work nila. Swerte lang talaga at pumayag ang ate niya na makipagsaya sa mga kaibigan niya pero as usual dahil sundo niya ito, eh hanggang eleven in the evening lang siya. Okay lang iyon basta first time yata nila magkasama na mamasyal. Pumunta sila sa isang food bazaar hindi malayo sa company building. Naglakad lang sila at pagdating doon, agad silang napamangha sa mga iba’t ibang mga pagkain nandoon. Nag-order sila ng iba’t ibang putahe. Nagtatawanan at nagkukwento ng k

