Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 24 [Leeyah POV] Kinabukasan, hinanda na nila ang kanyang mga gamit sa sasakyan. Nagpaalam na siya sa kanyang mama at bumiyahe ng isang oras papuntang siyudad kasama ang Ate Isabella niya. “Ate, saan at sino ba iyong kaibigan na pinakiusapan mo na titira ako sa bahay niya?” tanong niya rito habang nagmamaneho. Curious na curious kasi siya kasi wala namang sinasabi ang ate niya sino ito. “Basta malaman mo rin pag nandoon na tayo. Nga pala, habang wala pa tayo doon sasabihan na kita anong gawin at hindi mo gagawin doon.” “Ate naman, pati pa naman iyan?” “Mas importante ito dahil hindi ka uuwi sa bahay simula ngayon kaya makinig ka sa akin. Pati na rin si Mama pinapasabi din ito para aware ka na may limitations pa rin pag magisa ka l

